XI

72 2 0
                                    


               ISA-ISA na tinitignan ko kung nailagay ko na ba lahat ng kailangan ko. Nang masiguro ko na nailagay ko na sa bag ang mga kailangan ko, nakarinig ako ng katok. Bumukas ang pinto at dumungaw si Manang, isa sa pinakamatandang kasambahay sa pamilya Levende.

              "Svelle, hija, nasa baba na si Raven." imporma nito sa akin. Tumango naman ako at kinuha na ang bag ko at sinara na ang pinto. 

              "Kanina pa po siya, Manang?" tanong ko dito. Umiling naman ang butihing matanda sa akin. "Kararating lang din niya." sagot nito. "Saan ba kayo pupunta at may bag ka pa?" tanong pa nito habang pababa kami ng hagdan. Napakamot naman ako sa ulo ko.

             "Hndi ko din po alam, Manang. Basta sabi lang po niya sa akin maghanda daw po ako ng mga gamit at damit." kakamot kamot na sabi ko dito. Napailing lang ang matanda.

            "Ohh siya. Bilisan mo na at baka mainip na yun. Mag-iingat kayo ha?"

            "Opo, Manang. Salamat po." pagpaalam ko dito at lumabas na ng bahay. Pinagbuksan naman ako ng gate ng guard at nagpasalamat naman ako dito bago ako lumabas.

             Right there, I saw him. Nakasandal sa sasakyan nito. He stood up straight when he saw me. Naglakad ito sa gawi ko at kinuha ang bag ko. Nilagay nito sa backseat. Lumipat naman ito papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto. Naglakad na ako papunta doon at sumakay na. Nagseseatbelt na ako ng sumakay ito. Nagsealbelt na din ito at binuhay na ang makina. Bumiyahe na kami.

            "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito. Pero ngumiti lang ito. 

            "You'll know when we get there." sagot lang nito habang ang mga mata ay tutok sa daan. Nagkibit balikat na lang ako at tumingin sa may bintana. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng upuan ko. Nirecline pala nito ng konti ang inuupuan ko. "May unan sa likod. Sleep if you want. Malayo layo pa naman tayo." sabi pa nito.

            "Hindi ka ba mabobored pag natulog ako?" tanong ko pa. Nakakaramdam na din naman kasi ako ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos ng magmessage si Raven sa akin na may pupuntahan daw kami at mag-empake ako. Aaminin ko na naexcite ako kaya talagang inayos ko ang mga gamit ko. 

           "Hindi noh. Di naman ako mabobored lalo na at nasa tabi ko ang pinakamagandang babae sa mundo. Isang tingin lang, energy booster na." he grinned. Flashing his beautiful set of teeth. Heat spread across my face. 

           "Utot mo. Hindi mo ako mabobola." pambabara ko dito. And he laughed. His laughter filled the car. 

           "I can't believe that you'll say that to me." He's shaking his head, but still amused at what I said.

           "Anong akala mo di ko kaya na magsalita ng ganun?"

           "Hindi naman. Alam ko naman. Pero hindi ko lang akalain na maglalakas loob ka na sabihin sa akin yan ngayon." natatawa pa din na sabi nito. Napailing na lang ako at kinuha na ang unan sa may backseat. Inayos ko naman ito at humiga na paharap sa may pinto.

           "Look at this way, baby."

           "Ayaw ko."

           "Isa." pagbabanta nito.

           "Dalawa." pagbabara ko dito.

           "Pag di ka humarap dito, I'll park this car somewhere and we'll have one round of hot steamy making love here." I can feel the seriousness and threat in his words that made me changed. Now I am facing him. Napanguso naman ako na ikinangiti nito.

DESIRE TO TAKEWhere stories live. Discover now