XIII

64 1 0
                                    


                    EVERYTHING is back to normal. Or so I thought. Pagkatapos kasi namin makabalik mula sa resort, everyday na kami magkausap ni Raven. Minsan pa nga inaabot na kami ng madaling araw. Maging hanggang sa paggising ko. Ang dami-dami ko na talagang alam tungkol dito. Kinuwento na din nito ang tungkol sa kabataan nito, mga ginawa nung high school, pati na din nung nagcollege at nagmasterals sa abroad. Pati na din ang ginawa nito matapos nito magdesisyon na bumukod. 

                  "I heard that you and Raven are together at work, Svelle?" tanong ni Dad sa akin pagkaupo ko dito sa dinning area. Kumabog ang dibdib ko sa pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni Raven.

                   "Uhm... yeah, Dad. Siya kasi ang article namin for our upcoming issue." paliwanag ko dito. Tumango naman ito. "I'm glad that you and Raven are getting close. That's what siblings should be." sabi naman ni Dad at humigop sa kape nito. Natigagal ako. Hindi ko pinahalata ang panginginig na nararamdaman ko at kumuha ng isang tinapay at kumagat dito. Nginuyanguya ko ito pero parang ang hirap gawin. Pilit kong nilunok ang tinapay na kinain ko at kinuha ang baso ng juice at uminom, matanggal man ang nararamdaman kong pagbabara sa aking lalamunan.

                   Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "I'll go ahead, Mom, Dad. May kailangan pa akong asikasuhin sa office." paalam ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila. Lumabas na ako at agad na sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko na ito at umalis na. Pero habang nasa biyahe ko, paulit-ulit na umiikot ang mga salita ni Dad sa akin.

                   "That's what siblings should be." 

                     And when the red light flashes, I hit my head at the maneuver. I massaged my head, hoping it will give me some relief but it didn't. Yeah I know. Raven is not my blooded sibling. HEll, we're not even blood related at all. But for his parents--- our parents' eyes, we are. And that's what they want us to be, as siblings. 

                    Napasandal ako sa gulo ng isip ko. Not minding the noisy buzzes outside. Napasubsob ako sa kamay ko. Realization suddenly hit me. I don't want to disappoint his parents. I don't want to fail them. All they ever wanted is to have a son and a daughter that get along with each other. I can't fall in love with their son. And yet...

                    I already did. I love Raven all this time.



                    "ARE YOU okay?" I raised my head and looked at I saw Yuna's face. Worried is written all over her face. Inabutan ako nito ng mug ng kape at tinanggap ito. Ilang araw na din kasi akong di pinapatahimik nung narinig ko mula kay Dad. Umupo naman ito sa tabi ko. "Okay ka lang ba, Svelle?" nag-aalalang tanong nito. Napayuko ako. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masyado na kasi akong lito sa lahat.

                   "Any problem?" tanong pa nito. I heaved a sigh. "Kung... kung sakali man na makakagawa ka ng isang bagay na makakasakit o disappoint ka sa ibang tao, sa importante sa'yo. Pero sa bagay na yun ka lang talaga nakaramdam ng isa. What do you think you should do?"

                   "Hmm."  and she placed her pointed finger under her chin. "It depends with the situation. And the people involved." sagot nito. Tumango naman ako. Humigop sa kape nito si Yuna. "Halimbawa tungkol ba sa love? Na may kinalaman sa family din?" I shrugged.

                   "Siguro halimbawa yung tao nainlove dun sa taong di gusto ng pamilya, or may family complications, like halimbawa di naman sila magkadugo tapos lumaki sila sa isang bahay tapos gusto ng mga parents na maging magkapatid sila kaso nagkainlovean ganun." at inikot-ikot ko ang kamay ko paikot sa ibabaw ng tasa ng kape ko.

                   "Siguro naman okay lang na ituloy nila. As long as di naman sila blood related, wala naman akong nakikitang mali doon. Go for it. Doon ka masaya ehh. Wala ka naman na sinisira na pamilya. Wala naman sabit yung tao. Pareho naman single. So why not? Bakit maghesitate? Always choose your happiness. Mukhang nagmamahalan naman talag sila." sabi ni Yuna. "Besides if they really love you, maybe they'll be shocked at first, But their love is bigger than that. They'll understand. They'll accept you and Raven's relationship not as siblings but as man and woman." dagdag pa nito na ikinasamid ko. I looked at her. Tinapik ako nito sa balikat.

                   "Friend naman. Sa kwento mo halata naman na kayong dalawa ang topic mo." natatawang sabi nito sa akin. "Ahh! I was right! There really was something in his stares everytime he looks at you." she teased me. Namula naman ang pisngi ko. "And looked at you, you were looking so blooming this past few days. Nadidiligan ba ang petchay mo?" deretsong tanong nito na nagpalaki sa mga mata ko at nagpamula sa mukha ko. Humalakhak ito. "Sabi na eh. Ganyan ang itsura ng may mga tamang dilig. Nagglow." tumatawang sabi nito at tumayo na. Ako naman ay yukong yuko sa hiya na nararamdaman ko.

                   "Okay lang yan, Svelle. Don't worry too much. If you really love each other, it will work out as long as you two are willing to work it out." tinapik pa ako ulit nito sa balikat at naglakad na.

                     I sighed. Sana ganun nga lang kadali ang lahat. Nagulat naman ako ng biglang may humawak ulit sa balikat ko. Tumingala naman ako at nakita ko si Yuna. Yumuko ito at bumulong. "Yummy ba? Musta ang talong? Warak na warak ka ba?" Agad na lumayo ako at hinampas ito sa braso. Yuna! My ghad ang bibig mo!" sita ko dito. Tumawa lang ito ng nakakaloko. "Ahh okay. So masarap nga. Mukhang nawarak ang petchay mo." sabi nito at humalakhak talaga. Napailing naman ako.



                      GABI NA nung makauwi ako. May mga ibang articles pa kasi ako na dapat asikasuhin bukod sa issue namin kay Raven. Paakyat na ako ng may marinig akong mga boses. Natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng library. May siwang na maliit doon. Bubuksan ko sana ng  marinig ko ang boses nina Mom at Dad.

                     "Look, Ramon my dear, ang cute nilang dalawa noong mga bata pa sila noh?" natutuwang sabi ni Mom. Sumilip naman ako at nakita ko na hawak nila ang isang photo album. "How I wished time was so slow at di ganitong mabilis ang paglaki nila." sabi ni Mom. Inakbayan naman ito ni Dad.

                     "Harly, my dear, kids grow too fast. Look at them, all grown up. Our son and daughter are both adults now."

                     "You're right. I wished they stay the same. As two beautiful siblings." sabi ni Mom. Nanigas ako. Dahan-dahan umalis. Di na pinakinggan pa ang usapan nila. Mabilis na umakyat ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ko. Di mapigilan ang luha na lumalabas sa mga mata ko.

                      "I'm sorry, Mom, Dad. But I'm more sorry, Raven. I don't wanna hurt them. I don't want to hurt our parents because we can't be what they wanted us to be." I said as tears rolling down on my cheeks and my heart crushing inside me.

DESIRE TO TAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon