I

158 2 0
                                    


          "DITO ka na din titira sa amin mula ngayon, Svelle." nakangiting sabi sa akin ni Tito Ramon. Ang bestfriend ng yumao kong ama. Yumao sa sakit ang aking ina noong tatlong taong gulang pa lamang ako. At kailan lang naman ang ama ko naman mula sa sakit na kanser. Kaya ngayon ay kinupkop na ako ng matalik na kaibigan ng aking ama. Isa na akong ulila sa edad na labing isang taon gulang lang.

        "Okay po, Tito Ramon." sabi ko dito. Masuyo naman na ginulo nito ang buhok ko. "Call me Dad now, Svelle. Tutal kami na ang tatayong mga magulang mo." nakangiting sabi nito sa akin. Napatingin naman ako sa kaliwa ko. Niyuko ako ni Tita Harly para magpantay ang mga mukha namin. 

       "Oo nga, iha. Call me Mom, Svelle." nakangiting sabi nito sa akin. "Di ka na naman iba sa amin. Anak na din naman ang turing namin sa'yo." dagdag pa nito. Napayuko na naman ako. Naalala ko na naman ang ama ko. 

       "Iha." tawag sa akin ni Tito Ramon. "Don't worry. Aalagaan ka namin." pagbibigay assurance niya sa akin. "Kami na ang bahala sa'yo." segunda pa ni Tita Harly. Niyakag na ako sa malaking mansyon nila. Namamangha pa din ako sa bahay nila. Kahit ba na matalik na magkaibigan ang mga ama namin, mula lang naman kami sa simpleng pamilya.

       "Ohh anak, nandyan ka na pala." Biglang sabi ni Tita Harly. Sinundan ko ang tingin nito sa may taas ng hagdan at nakita ko doon ang anak nila, si Kuya Raven, ang binatilyong anak ng mag-asawa. Nasa bente anyos na din marahil ito.

      "From now own, Svelle will live with us now, Raven." sabi naman ng ama nito dito. Tumingin naman ako sa kanya. Nakita ko ang matiim na pagtitig nito sa akin. Napayuko na naman ako. Kinakalikot ang dulo ng suot kong t-shirt.

       Wala akong narinig na reaksyon mula dito. Narinig ko lang ang mga yabag paakyat ng hagdan. Muli akong tumingin sa hagdan at nakita ko na wala na ito. Lihim akong napabuntong hininga. Mukhang di ako gusto ng anak nila.

     "Svelle." tawag sa akin ni Tita Harly. "From now on, this is your home, and me," turo nito sa sarili. "Dad and Kuya Raven are your family. We are now your family." nakangiting sabi nito. Tumingin ako dito at kay Tito Ramon.

     "Yes po, Mom, Dad." at ngumiti ng tipid sa kanila.



       ISA-ISA kong nilalagay sa folders ang mga litratong nakunan ko. Ipapakita ko kasi mamaya sa editor namin ito. Ilalagay kasi sa articles ang mga litrato na nakuhanan ko ng magpunta ako sa Zambales para sa naganap na surfing competition noong nakaraang linggo. Nang matapos ay agad na kinuha ko ang bag ko at sinukbit sa balikat ko. Hinawakan ko ang folders at nilagay ulit sa isang bag at saka ito binitbit palabas. Bumaba na ako at dumiretso na sa komedor. Naabutan ko ang mga magulang ko na nag aagahan.

      "Good morning, Mom, Dad." masiglang bati ko sa kanila. Isa-isa ko din silang hinalikan sa pisngi at umupo na sa upuan. Agad naman ako na kumuha ng ilang slice ng tinapay, dalawang hotdog, isang bacon at nilagay sa plato ko. Sinalinan naman ako ng isang kasambahay ng juice.

      "Good morning, iha. Mukhang late ka na nakauwi ha?" sabi ni Mom sa akin. Tumingin naman ako dito at nilagay ang hotdog sa tinapay. "Yes, Mom. Kinuha ko pa kasi ang mga photos na pinadevelop ko po." sagot ko dito at kumain na ng almusal.

       "Don't tire yourself too much, Sve." nag-aalalang sabi naman ni Dad sa akin. Ilang araw din kasi akong nawala sa bahay.  Ngumiti naman ako dito. "I'm okay, Dad. Nag-eenjoy naman po ako sa trabaho ko."

        "Well, if you say so, iha. You can enjoy everything or anything you want. Just say so." sabi pa ni Dad. Ngumiti ng malaki naman ako dito."No worries, Dad. I swear I'm okay." pagbibigay siguro ko sa kanila. Tinapos ko na ang almusal ko at nagpaalam na sa kanila. Tinungo ko ang sasakyan kong BMW 328i black. Regalo nila sa akin noong nagdebut ako. Sobrang nahihiya ako na makatanggap pa ng regalo kahit ba pinaghanda nila ako ng party na masyadong engrande. Simpleng handa lang naman ang gusto ko pero talagang pinaghanda pa nila ako.  Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila. Inalagaan at minahal nila ako. Tinuring talaga nila akong isang tunay na anak.

DESIRE TO TAKEKde žijí příběhy. Začni objevovat