10

5 2 3
                                    

Naging maayos at mapayapa na ang buhay namin pagkatapos mg engkwentro namin kay tito Jeraldine.

Nagpapasalamat ako na may natitira pang kabutihan sa kahibuturan ng kaniyang puso. He's just overwhelmed siguro dahil may inampon na bata ang kaniyang kapatid. He thought of me like someone who will destroy the name of their family, well in fact I only wanted to be loved and accepted and that what Hedger's gave me. Contentment, Love, Forgiveness, and Acceptance. For me, they are the epitome of kindness.

Ngayong araw naman ay naisipan ni Chantal na mag mall and it's part daw ng kanilang weekends na mag family bonding kung saan-saan. Since I'm part of this family naki-join nalang din ako.

Nag-ayos kami ng aming mga sarili syempre sa kaniya-kaniya naming kwarto. Weird naman ata kung iisa lang.

Natapos ako mag-ayos siguro mga tatlumpong minuto lang ang nakakaraan. Ako ang naunang bumaba, syempre ako rin ang unang naghintay sakanila. Pagkaraan siguro ng higit isang oras at kalahati ay ready na kaming gumayak lahat.

Sumakay kami sa aming sasakyan at si papa ay nagsimula ng mag drive sa piniling mall ni Chantal.

Habang  papunta kaming mall ay may nakita akong puno na wala ng mga dahon, tanging puno lamang na nakatayo. It felt so empty, parang isang tao na nabubuhay lamang dahil binuhay, dahil kinakailangan. Sana hindi mangyari sa akin 'yon, ang mabuhay na parang patay.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa parking area ng mall, kung hindi lang siguro ako kinalabit ni Chantal ay malamang naiwan na ako.

Una naming ginawa sa mall ay manood ng horror movie. Ang malala pa roon ay tatlong malaking popcorn talaga ang binili nina mama. Anong akala nila sa tiyan namin? Walang kabusugan? Ay ewan ko ba.

Noong nagsimula na ang movie ay panay sigaw si Chantal. Minsan, parang ewan siya eh, siya ang pumili pero natatakot. Well, ang natutunan ko lang naman sa buhay ay wag matakot sa patay mas matakot ka sa buhay dahil ang buhay ay kaya ka nitong patayi---

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" gulat kong sigaw dahil sa mukha ng multo sa malaking tv. Binabawi ko na pala. Ayos lang ang matakot pero wag kang papakain dito.

Tahimik lamang si Storm sa buong movie, hindi ko manlang ito narinig na sumigaw sa takot.

Ang mas nakakapagtaka pa, ay naubos ko ang popcorn. Kani-kanina lang nagrereklamo ako pero naubos ko rin pala.

Pagkatapos namin manood ng movie ay bumuli na kami ng gamit sa eskwela. Next week kasi ay start na ng pasukan. Konti kaba ang nararamdaman ko pero mas lamang ang pagka excite, dahil sa wakas makakapasok sa ako sa school.

Pumunta kami sa National Bookstore para bumili ng gamit pang eskwela. Bumili ako ng cute na pouch, color pink tapos madaming pencils ang cute kasi. Tapos pink na backpack na may butterfly na maliit na design. Tapos, mga papel and cute notebooks. Yan lang binili ko pero sina mama at papa marami pang binili for the three of us ewan ko ba.

Pagkatapos namin bumili ay nag take out na lamang kami ng food ang dumeretcho na sa parking kung saan naka park ang sasakyan namin.

Habang nasa daan kami pauwi ay nagugutom ako kaya nilantakan ko na ang parte ko, sumunod din namang kumain sina Chantal at Storm saakin mga gutom din ata. Kaya noong dumating na kami sa bahay ay sina mama at papa na lamang ang kumain ng kanilang parte. Madali kaming nagbihis at nag-ayos ng katawan dahil pinapatawag kami para mag usap ng aming mga magulang. Feeling ko pag-uusapan namin ay tungkol sa school next week.

At, tama nga ako noong kompleto na kami sa sala ay yun nga ang pinag-usapan namin. If excited na raw ba kami o kinakabahan. If maayos lang ba na papasok kami talaga sa paaralan or homeschooled nalang na kaagad na tinutulan naming tatlong magkakapatid. Pagkatapos 'non ay nakaramdam na kami ng antok kaya nagpaalam na kami na umakyat sa sarili naming kwarto para makapagpahinga at makatulog.

Bago ako matulog ay nagdasal muna ako nagpapasalamat na binigyan ako ng mabait at mabuting pamilya na proprotekhan ako sa abot ng kanilang makakaya. Sana ay mas lalo pa kaming maging solid na pamilya sa lahat ng mga pagsubok na haharapin.

—–——————————––——————
Please Vote and Comment your thoughts about the story.

Enjoy:)

'Till the last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon