05

7 2 3
                                    

Ang halik niya sa labi ko'y lumalalim na wari ba'y matagal na niya itong pinagnanasaan.

Buong lakas ko siyang itunulak pero kahit ganon ay wala pa ring talab. Patuloy siya sa paghalik sa aking labi pababa sa aking leeg at ang nagawa ko lamang ay umiyak, nagmamakaawang wag na lamang niyang ituloy ang balak na gagawin.

"K-kuya, tama na po. Ayoko na po nang laro na ito," sabi ko habang umiiyak. Hindi ko kailanman naisip na magagawa ito ng pinsan ko.

Ang pinsan kong tinulungan ako mula sa pagmamalupit ng aking mga magulang, ang pinsan kong akala ko magiging ligtas ako sa kaniyang kamay. Pero hindi pala, binaboy niya ako. Binaboy niya ang pagkatao ko.

"Kuya tama na po, hindi ko na po kaya. Ayoko na po nang laro na ito," utas ko habang umiiyak.

"Ayaw? Ayaw mo? But I want it, so just shut your fucking mouth," sabi niya na galit. Sinampal ko siya para sana matauhan siya na baka nadala lang siya sa laro naming dalawa, pero walang epekto sakanya kungdi sinuntok lamang niya ako sa aking sikmura na naging dahilan ng pagkawalan ko ng malay.

Nagising lamang ako ng walang saplot sa katawan, inalala ang pambababoy ng sarili kong pinsan na nasa tabi ko ngayon, mahimbing ang kaniyang tulog.

Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak kasi hindi naman na 'yon maibabalik. Sa murang edad kong 'to nakaranas na ako ng ganito. Babangon na sana ako para makatas sa demonyong pamamahay na ito pero napatigil ako dahil gumalaw ang pinsan ko.

"Oh, you're now awake baby? Come here let's cuddle first," sabi niya sa bagong gising na boses. Pero sinampal ko ito ng pagkalakas-lakas.

"Ang gago mo kuya, pinagkatiwalaan kita na iingatan mo ako. Nilayo mo nga ako sa pananakit ng mga magulang pero ikaw naman ang nagwasak sa pagkatao ko," sabi kong humahagulgol at  pinaghahampas ko ito.

Pinigilan niya akong hampasin siya muli, "Alam mo bakit ko ginawa yon sayo? Ang pagliligtas sayo sa mga magulang mo? Dahil ginawa rin nila iyon sa akin. Minaltrato rin nila ako, sinaktan at inabuso ang pagkatao ko. Nirape rin ako ng tiyahin ko ng putangina mo nanay. Naiintindihan mo ba 'yon? Nirape niya ako putangina, putangina!" Hysterical niyang saad.

"Pero hindi 'yon dahilan para gawin mo rin saakin ang ginawa nila sayo kuya kasi alam mo rin ang mararamdaman ko, inaabuso ako ng walang kaalam-alam. Pinagkatiwalaan kita kuya! Yet you betrayed me!" Hikbi kong saad.

"You're the only person whom I trusted. Ganito pala 'no, totoo pala ang sinasabi nila. Na wag na wag mong ibibigay ng buo ang tiwala mo sa isang tao dahil sasaktan ka nito," sabi ko sabay tawa.

"Ang sakit kuya ang sakit sakit kasi hindi na ito maibabalik pa, wala na. Sira na," sabi ko ng malala ko ang pambababoy na ginawa niya sa akin.

"Kahit kailan kuya hindi maganda ang gumanti lalong lalo na sa taong inosente. Kuya wala ako non noong mga panahon na inaabuso ka, wala ako non. Wala! Ni wala akong ka muwang-muwang sa mga bagay kuya. Ngayon, masaya ka na ba kuya na nakaganti kana sa wala nilang kwenta na anak? Sa bobo nilang anak? masaya kana ba non kuya? Dahil kahit anong gawin mo saakin wala silang pakialam. Masaya kana ba kuya? Dadalhin ko ito hanggang paglaki ko, sana maging masaya kana," usal ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking mata.

"Sorry, patawad. I didn't know that you'll react like this. I'm sorry I didn't mean to. I was eaten by anger the moment I saw you smiling despite all the abuse you got from your parents. And I know that sorry isn't enough for all the damage I made," sabi niya na sa tingin ko naman ay sinsero dahil nakikita ko ang mata niya ay nanunubig.

"Hindi ko alam kuya. Naguguluhan pa ako. Patawad," dali-dali kong kinuha ang mga damit ko at sinuot iyon bumaba at sana para makaalis na ako sa bahay na 'to.

Napatigil lamang ako at napasapo sa aking noo dahil hindi ko alam kung paano ako makakauwi, ayoko naman mawala dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Kaya bumalik ako sa loob at humalukipkip sa isang tabi. Sakto naman lumabas ang baboy kong pinsan at sinabi na mag-aayos daw siya para makauwi na kami. Aayaw sana ako dahil hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya saakin, pero sabi niya last na raw 'yon at hindi na siya magpapakita sa akin.

Tinotoo nga niya ang sinabi niya na mag-aayos lang siya at aalis na kami sa bahay na 'yon. Hindi kami nag-usap sa loob ng kaniyang sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Madali akong bumaba dahil hindi ko masikmura na ang taong gumahasa sa pagkatao ko ay kasama ko sa sasakyan.

Pagkalipas ng ilang linggo ay totoo ngang hindi na siya nagpakita pa sa bahay namin. Nagtataka man ang aking mga magulang pero hindi nila akong magawang tanungin dahil alam nilang hindi ko sila sasagutin.

Ilang linggo na ang lumilipas pero parang kahapon lang ang nangyari. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa ginawa niya saakin. Sa rebelasyon na aking nalaman kung gaano kasama ang ugali ng aking mga magulang ay talagang nakakabagabag saakin. Mabuti na lamang at may nakikita akong mga dahon sa bintana ng aming bahay. Tinutulungan nila akong mapagaan ang aking pakiramdam, sila ang dumadamay sa akin. Nagpapaliwanag na hindi pa ito ang huli, na may bukas pa at may pag-asa pa. Kaya nagpapasalamat ako, kaya sana dumating ang isang araw na magiging maayos na ako.

——————————————————
Please Vote and Comment your thoughts about the story.

Enjoy:)

'Till the last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon