07

9 2 0
                                    

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang kami. Hindi ko lamang naitago ang aking pagkamangha sa bahay dahil sobra nitong ganda as in. May mahabang daanan muna bago makarating sa mismong bahay, kung lalakarin naman ay tiyak na hihingalin ka. Tapos kapag nakarating kana sa mismong bahay nila makikita ang isang sign na Hedger's na siyang mas napamangha pa saakin.

Ang loob naman ng bahay ay parang palasyo may receiving area, may formal dining area, informal dining area. Malalaking kwarto na may kasama pang palikuran isa-isa. Ito talaga ang dream house ko eh, tapos ngayon andito na. Hindi ako makapaniwala.

"Wow, ang ganda," sambit ko na lamang dahil sa labis na kaligayahan.

"This will be your home," nakangiting saad ni tita Samantha.

"Halika upo ka dito may sasabihin kami sayo," yaya ni tita Samantha sakin para maupo sa bakanteng upuan na pangmayaman talaga.

"Alam mo ba kung bakit ka andito?" Malumanay na tanong niya saakin, at tumango naman ako.

"Dahil hindi ako mahal ng nanay ko," nakangiwi kong sagot.

Tila nagulat naman ang babae sa naging sagot ko.

"No, hindi ganon. Paano ba ito?" Tila nahihirapang saad ng babae. "Kasi, hindi na kaya ng mga magulang mo na palakihin ka kaya nila ginawa sayo ito pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka nila. Walang anak na hindi mahal ng magulang," nakangiti nitong pahayag.

"Ngayon naman ay kami na ang bago mong pamilya," tila excited nitong sabi.
"Ako si Samantha Hedger," pakilala nito sa kaniyang sarili, "Amell Hedger," sabay turo niya sa lalaking nakatayo ng seryoso, "si Storm Treyton Hedger," turo niya sa lalaking kamukhang-kamukha ni Tito Amell, pinabatang version lamang "Chantal Willow Hedger," turo ni tita Samantha sa batang babaeng halos kaedad ko lamang, "at ikaw hindi na namin binago ang pangalan mo kungdi ang apilyedo mo lamang," saad ni tita habang nakangiti.

"Kathleen Leonicia Hedger," bulong ko lamang sa aking sarili. Kaygandang pakinggan parang belong na belong talaga ako.

"Welcome to the family," sigaw nilang lahat na siyang nagpaiyak sa akin kasi siguro baka ngalang may tatanggap na sa akin.

"You can call me Mama or Mommy Sam, up to you. And Papa or Daddy Amell naman for him," turo niya kay Papa Amell na nakangiti.

"Halika, let's go upstairs ituturo ko sayo ang room mo," my mama sweetly said.

Nang nakarating na kami sa pintuan na 'di makakaila na kwarto ko nga kasi may pangalan ko pa, grabe ang sosyal.

Kaagad binuksan ni mama Sam na siyang nagpamangha sa akin, the room was a mixture of green, yellow, and mint green. May painting pa ng dahon na siyang nagpaganda pa lalo ng aking kwarto.

"Thankyou po talaga ma--ma, salamat po sa pagtanggap sa akin. Sana po hindi po ito pakitang tao lang kasi ubos na ubos na po ako," saad kong nakahikbi.

"Sa murang edad ko pa lamang po kasi sinasaktan na po ako ng mga magulang ko, kapag may hindi sila nagustuhan na ginagawa ko kahit hindi ko alam ay binubugbog nila ako. Araw-araw po 'yob walang palya, kaya masakit po lalong-lalo na noong sinabi niya saakin na hindi niya ako minahal at itinuring na anak. Natigil lamang ang pananakit niya saakin noong dumating ang aking pinsan, si Kuya Niño pinsan ko po," napatigil ako sa pagkwento dahil naiiyak ako kapag naalala ko ang mga nangyari.

"Dumating po si Kuya Niño sa buhay namin, napatigil sandali ang pananakit saakin ng aking mga magulang. Naging maayos ang trato nila saakin, parang anak na nila ako kung ituring kaya nagpapasalamat ako non kay Kuya Niño dahil tinulungan niya akong matanggap ng aking mga magulang. Pero, pero po," napahagulgol na lamang ako.

"Pero po, isang araw. Dinala niya po ako sa isang malaking bahay din andon po si Kuya Harold naglaro po ako sa playground nila kasi ngayon lang po ako nakakita non at makakalaro, pagkatapos po non natulog po ako. Kinaumagahan po non niyaya po ako ni kuya na maglaro ng bahay-bahayan at.....at....at don po binaboy niya po ako, pinagbayad niya po ako sa kasalan na hindi ko ginawa. Hindi ko naman po ginusto ang nangyari sakanya sa kamay ng aking mga magulang pero bakit ako na walang kasalanan dinamay niya?" Galit kong sabi habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

"Kaya po, nagmamakaawa po ako sainyo m-m-mma na sana, sana po totoo kayong mabait," pagkatapos non niyakap niya lamang ako at nagpasalamat na nagtiwala ako sakanya para sabihin ang aking mabigat na dala-dala at nangakong aalagaan nila ako sa abot ng kanilang makakaya.

------------------
Please Vote and Comment your thoughts about the story.

Enjoy:)

'Till the last LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon