09

8 2 4
                                    

Nakalipas ang ilang mga linggo ay maayos naman ang trato nila saakin. Para talaga akong parte ng kanilang pamilya, tinuturing na parang anak at kapatid at 'yon ang ipinagpapasalamat ko.

Sana naman hindi na matapos ang kaligayahan na ito kasi ang sarap sa pakiramdam.

Habang pababa ako ay may narinig akong nagsisigawan.

"Throw away that kid, she's ill-fated for God's sake. You're all okay and happy when you're only 4 members in the family, then this? Are you all fucking delirious?" Sigaw na pagkakasabi ng lalaking ngayon ko lamang nakita.

"Can you fucking calm your ass down? Maririnig ka ng bata," mariing sagot ni papa.

Ako ba ang pinag-uusapan nila? Pero bakit? Wala naman akong ginagawang masama.

"I don't care if she will hear this, 'cos its true she's ill-fated. You don't know nga what's there reason on why they keep pushing you to adopt their child. Minsan ginagago kayo sa pagiging mabait niyo e," sabi niya na parang nandidiri sa tinutukoy niya.

Bumaba ako sa hagdan dahil nagugutom na ako at kumakalam na ang sikmura ko. Masama pa naman mag skip ng breakfast sabi kasi nina mama na ang breakfast daw ang moat important meal kaya ayon bawal mag skip.

Pero bago pa ako makarating sa kusina ay tinawag ata ako ng lalaking kanina pa nagmumura. Hindi na niya ba alam na masama mag mura? Pero hindi ko siya nilingon dahil hoy ang tawag niya sakin, e may pangalan naman ako kaya siguro nagkamali lang siya.

Nang hindi ako lumingon sa pag-aakalang hindi ako ang tinawag ay sinabunutan niya ang buhok ko at iginudnod niya ako sa sahig.

Madali namang inawat nina mama at papa ang lalaki at nilagay nila ako sakanila likod. Napaiyak na lamang ako dahil kakain na dapat ako pero ganito pa ang nangyari. Sana pinakain muna nila ako para hindi ako gutom. Kayamot.

"Jeraldine, what the fuck? Pati bata papatulan mo? Look at your age, nakakahiya ka," sabi ni papa kay Jeraldine kuno.

"Can you calm down first Jeraldine bago tayo tumungo sa problema mo sa mga anak ko lalong lalo na kay Kathleen?" Sabi ni mama sa malumanay na boses pero bakas pa rin dito ang galit.

Binigyan siya nina mama ng isang basong tubig habang ako ay pumunta na sa kusina para kumain dahil kanina pa kumakalam ang aking sikmura sa gutom. Badtrip naman kasi manambunot nung Jeraldine sinakto pa talaga na gutom ako. Asar.

Nakabusangot akong kumain tapos padabog ding umupo sa tabi ko si Chantal.

"Oh, napano ka?" Nagtataka kong tanong. Ang aga-aga kasi nakabusangot at first time ko siyang nakitang ganito.

"Ihhhhh kasii tito Jeraldine is here and I hate him. He's so ganad sa yaman nina mommy eh. Dapat he must sumikap din," maarteng saad ni Chantal, pero may punto naman siya.

"Chantal, its ganid not ganad," sabi ko na lamang na mas lalong nagpabusangot sakanya. Tuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa tinawag kami nina mama para makau-usap si Jeraldine kuno.

Minadali naman naming inubos ang aming pagkain at pumunta na kung saan sina mama.

Ipinakilala ako ni mama kay tito Jeraldine na kalmado na  ngayon pero si Chantal hindi. Nakita ko siyang umirap pero hindi ko naman ito masisisi.

"So lahat na tayo dito ay kalmado kaya simulan na natin ang usapan para matapos na kaagad," malumanay na saad ni mama.

"What's your problem with my family Jeraldine?" Mariing tanong ni papa.

"That girl," talagang dinuro niya ako ansarap niya sabunutan, nako.

"No laying fingers with my siblings," saad ni Storm.

"Bakit? What's your problem with her ba?" Sabi naman ni Chantal.

Tila nagulat naman ata si tito Jeraldine kuno sa inasta nina Storm at Chantal.

"What did you do to my niece and nephew?!" He shouted angrily at me.

"Stop the commotion right now. Ikaw naman Jeraldine, alam mo namang pamangkin mo rin siya pero sinisigawan mo," mariing sabi ni mama.

"Si Kathleen ay mabait at mabuti sa amin. Nakikita ko 'yon kaya sana Jeraldine matahimik kana para maging maayos na ang pamilya natin. Hindi man namin siya kadugo, pero itinuturing namin siyang pamilya sana maintindihan mo 'yon."

——————————————————
Please Vote and Comment your thoughts about the story.

Enjoy:)


'Till the last LeafWhere stories live. Discover now