01

12 3 2
                                    

"Basahin mo 'to," saad ng aking ina.

"Ba---ba-baa-bahay," nahihirapan kong usal.

"Ano ba Leonicia antagal na kitang pinapabasa ah, wala ka paring natututunan?" Galit na usal ng aking ina.

"Sorry po 'nay hindi na po mauulit," sabi ko at nagpakawala ng hikbi.

"O'siya basahin mo 'to pag hindi mo talaga maayos ang pagbabasa mo papaluin kita," may pagbabanta niyang saad.

"E--e--elo-eloplano," usal ko na nagpasabog sa aking ina.

"Ikaw talagang bata ka, wala kang kwenta, ang bobo bobo mo. Ilang ulit na kitang tinuruan pero hindi mo parin makuha," kinaladkad niya ako at mabilis na pinalo sa pwet.

"Ilang ulit ko nang sinabi sayo na seryosohin mo  ang pagtuturo ko sayo dahil para sayo yon. Pero puta kang bata ka wala ka talagang pakialam," sabay palo sa aking likuran na nagpaubo sa akin.

"Eto na ang para sayo Leonicia," mabilis niyang hinila ang aking buhok sabay kaladkad sa buo naming bahay. Iyak lamang ako ng iyak at nagmamakaawa kay mama na tapusin na ang pananakit sa akin.

"Ma, maawa po kayo sakin tama na po," sabi ko pero parang wala siyang naririnig dahil patuloy lamang siya sa paghila sa aking buhok na parang ako'y isang basahan.

Basang-basa na rin ang aking damit at gutay-gutay dahil sa pinanggawa ni mama.

Pero hindi pa siya nakuntento, pinagsaraduhan niya pa ako ng pintuan at sinabing dito na ako sa labas ng bahay matulog.

Matinding paghagulgol ang aking ginawa kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Ako naman ay kumakatok sa aming pintuan nagmamamkaawa na sana'y papasukin na ako sa aming bahay.

Grabeng lamig ang aking nadarama, panghihinayang, pagdadalamhati, pagmakamuwi sa aking pagkatao dahil hindi niya manlang siya naawa saakin bagkus sinabihan niya pa ako na nararapat lang ito sakin dahil bobo ako at walang kwentang anak.

Masaya silang naghahapunan sa loob habang ako nagmamasid lang sa mga dahon dito sa labas ng aming bahay. Kung paano sila nakawala, kung paano sila nag-iisa. Parang ako, may pamilya pero hindi ko ramdam.

Hindi lamang ito isang beses na nangyari kung 'di marami pa. Parang masaya pa ang aking mga kapatid sa ginagawa ng aming ina. Habang ako'y nagdurusa sa mga pasakit na natamo sila nama'y naghahagikgikan sa kilid.

Ansakit, siguro totoo nga ampon lang ako. Dahil 'yon ang parating sinasabi ni mama sa akin na napulot lang daw niya ako sa basurahan, naawa kaya inalagaan. Kung sana raw alam niyang bobo ako at walang kwenta pinabayaan niya na lamang ako.

Parang nadudurog ang puso ko sa mura kong edad naranasan ko ang lahat ng ito, na hindi naman dapat, hindi nararapat limang taong gulang lamang ako pero ang ginagawa ko parang sobra pa sa alipin. Hindi pinapakain, sinasaktan, pinapagawa ng lahat ng gawaing bahay, may bonus pang masasakit na mga salitang binibitawan sa akin.

Tumatak sa aking isipan na wala akong kwenta, na wala akong karapatan na mabuhay, na isa lamang akong alipin sa mata nila.

Pamilya raw nagmamahalan pero ba't ako sinasaktan?

Hindi lamang ang aking ina ang nananakit sa aking pati na rin si papa. Lalo na kapag ito'y lasing. Ginagamitan ako ng hanger para paluin, walis tingting, at kung ano-ano na mga bagay na alam nilang makakasakit sa akin.

Ang malas ko naman binuhay pa ako.

Ang malas ko naman buhay pa ako.

Pagkatapos nila akong sipain at durugin ang aking pagkatao ay buhay pa rin ako.

Palagi kong pinapanalangin na sanay mamamatay ako habang sinasaktan nila ako, para kung ganon wala nang pasakit sa buhay nila. Wala na silang proproblemahin. Magiging masaya na sila ika ko.

Marami akong pasa na natamo, mga sugat sa aking katawan pero ang walang kasing sakit ay ang mga katagang kanilang binitawan, na hindi raw ako kamahal-mahal. Wala raw magmamahal sakin. Ansakit dahil sakila pa mismo galing.

Isang araw na naman ang lumipas, kakatapos lang ng pananakit sa akin ng aking mga magulang. Oo, dalawa sila. Sa mura kong edad namulat ako sa mga tao sa paligid ko. Hindi silang lahat ay totoo.

Andito ulit ako sa labas ng bahay habang malakas ang hampas ng ulan. Masaya sanang maligo sa ulan kung may babalikan na tahanan, na kung saan ay may mag-aaruga at ika'y bibihisan.

Nagmamasid lamang ako sa mga dahong nakikipaglaban sa ulan, may mahihina ang kapit, may napupunta kung saan-saan. May malalakas ang kapit, na parang ako. Kahit masakit na kahit parang susuko na ako, patuloy pa rin akong lumalaban dahil alam ko, balang araw makakaahon at makakaalis din ako dito. Mababayaran ko sila sa utang na loob na binigay nila saakin, sa pagbuhay sa akin.

Napabuntong-hininga lamang ako sa aking mga naiisip.

Nahagip naman ng aking mata ang isang dahon. Talagang nag-iisang dahon. Malapit na itong matanggal dahil nililipad ito ng hangin kasabay pa ng ulan.

Sampung segundo sabi ko sa sarili ko matatanggal na 'yan dahil kita ko naman na isang malakas na hangin nalang ay madadala na ito.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Walo.

Siyam.

Sampu, kasabay non ang malakas na hangin. Napapikit ako sa lakas non. Ngayon sigurado na ako na wala ng dahon doon.

Noong nagmulat ako ng aking mata ay laking gulat ko'y naroon pa rin ito. Pa sayaw-sayaw na parang hindi ito tinamaan ng malakas na hampas ng hangin isabay pa ang malakas na buhos ng ulan.

Napangiti lamang ako, dahil parang ako ang dahon. Parati ko nalang inihahalintulad ang sarili ko sa dahon. Nakakatawang isipin na sa maraming bagay dito sa mundo sa dahon lamang ako nagkainteres.

Ang dahon kasi masarap tingnan, nakaka-relax sabi pa ni mama nung mga panahon na maayos pa kaming dalawa. Nakakatawang isipin na siya pa ang nagpakilala sakin sa mga dahon.

Nagpapakita at nagpapatunay lamang ito sa akin na nagbibigay ito ng pag-asa para ako'y lumaban, na meron pang bukas na haharapin.

Hindi dito natatapos ang lahat.

Napangiti lamang ako sa aking naisip.

Kaya itinatak ko sa aking isipan.

Hanggang sa meron pa akong dahon na makikita patuloy akong lalaban sa buhay.

——————————————————
Please Vote and Comment, if anong nararamdaman niyo sa story.

Enjoy:)

'Till the last LeafNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ