03

9 3 1
                                    

Lumipas ang ilang mga buwan at tinotoo nga niya ang kaniyang mga sinasabi. Hindi na ako nakatanggap ng pananakit kina mama at papa. Kahit wala dito si  kuya ay maayos ang trato nila sa akin. Parang na trato rin akong parte ng pamilya.

Nakakatawang isipin na dati hinahanggad ko lamang maging parte ng pamilya nila tapos ngayon ay tanggap na nila ako.

"Leonicia maghanda kana jan at padating na ang kuya Niño mo," saad ni nanay na malumanay ang boses.

Alas-nwebe pala ng umaga ang usapan namin ni kuya na dadalhin niya ako sa masayang lugar.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na ganito ang trato ng aking ina, parang panaginip lamang na sana hindi ako gising dahil dito tanggap na nila ako.

"Nakikinig kaba Leonicia? Ang sabi ko maghanda kana dahil padating na ang kuya Niño mo," saad niyang muli.

"Opo ma, salamat,"

Ginawa ko naman ang dapat kong gawin. Naligo, nagbihis at nag ayos. Para naman disente akong tingnan mamaya.

Kinatok ni mama ang pintuan ng aking kwarto upang sabihin na andoon si kuya sa baba at naghihintay. Tiningnan ko uli ang sarili ko sa salamin at tuluyan ng bumaba.

"Ayos kana ba Isha?" Tanong saakin ni kuya Niño. Tinawag niya akong Isha kasi no. 1 raw ako raw ang paborito niyang pinsan. Pero para saakin siguro nahahabaan lang siya sa pangalan ko.

"Opo kuya, tara na po," maikling tugon ko.

Tumayo naman kaagad si kuya sa sofa at nagpaalam sa aking mga magulang. Kahit ako rin ay nakapagpaalam ng walang sigawang naganap at nakapag mano pa. Ang swerte ko talaga at dumating si kuya Niño sa buhay ko.

"Handa ka na ba sa pupuntahan natin Isha?" Nakangiting tanong ni kuya.

"Opo, maganda po ba roon? May laruan? May mga batang naghahabulan?" Masaya kong tanong.

"Hmmmmm," kunwari'y nag-iisip niyang mukha, "secret," tugon niya lamang at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Nakatanaw lamang ako sa tanawin sa bintana ng sasakyan. Maraming mga puno sa gilid ng daan, naggagandahang mga palayan, may mga hayop pang nasa kapaligiran. Saan kaya ako dadalhin ni kuya? Pakiramdam ko sa parke para siguro may makaka-usap akong hindi ko kadugo.

Tahimik kami sa byahe nang may tumawag kay kuya. "Pre asan na kayo? Kanina pa namin kayo inaantay," sabi ng lalake.

"Just wait Allen, we're near," sabi niyang sa matigas na Ingles, tsaka pinatay ang tawag.

Unti-unti na rin akong nakakakintindi ng Ingles sa tulong ni kuya Niño, kapag kasi may libre itong oras ay tinutulungan at tinuturuan niya ako ng mga bagay na wala akong alam. Kaya malaki ang pasasalamat at utang na loob ko sakanya.

"Kuya matagal pa po ba tayo?" I asked to start a conversation, kahit alam ko naman at narinig kong malapit na kami.

"2 hours more. You can sleep if you're feeling sleepy," he said. Simula kasi noong nakaintindi na ako ay straight English na siya kung magsalita.

"Sige po," at hinayaan ko na ang aking sarili na lamunin ng antok.

Nagising ako dahil ramdam kong may nakatitig sa akin. Noong minulat ko ang mga mata ko ay malapit na mukha ng aking pinsan ang nakita. Mula sa dipina niyang jaw line, sa kaniyang matang nangungusap, sa matangos nitong ilong at sa bibig nitong palaging sinasabi ng maraming tao na nakapout.

"Sorry po kuya napahaba ata ang tulog ko. Andito na po ba tayo?" Sabay linga ko sa paligid.

"Ayos lang yon," sabi niya sabay halakhak. "Oo andito na tayo, tara na?" Sabi niya sabay ngiti, kaya lumabas ang kaniyang straight na ngipin.

"Sige po," maikling tugon ko lamang dahil namangha ako sa mga punong nasa paligid. Kung saan ako tumingin ay purong berdeng kulay lamang ang makikita ko. Ansaya, para akong nasa langit.

Pumasok kami sa isang bahay, hindi pala bahay kundi  mansyon dahil malaki ito, sobra. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad at nakatulala lamang sa labas ng bahay.

"Ano Isha tutunganga kanalang ba jan? Halikana," saad ni kuya. Andon na pala siya sa pintuan ng bahay habang ako narito, nakatulala. Kaya madali akong tumakbo para sabay kami pumasok sa loob, nakakahiya naman kasi kapag nahuli ako.

Sabay kaming pumasok sa loob na mas lalo pang nagpamangha sa akin. Angganda ng loob para akong nasa isang palabas, pangmayaman. Nakakasiguro akong lahat ng gamit dito milyones kaya ingat na ingat akong tumapak sa tiles nila, nakakahiya kasi kapag nadumihan.

Tumingkayad naman ako para maabot ko ang tenga ng pinsan para sabihan,

"Kuya sigurado ka bang tamang lugar ito? Nakakahiyang tumapak eh," bulong ko kay kuya.

Tumawa naman ito, "syempre, dadalhin ba kita rito kung mapapahamak tayo? I won't." Sabay tawa niyang muli. Minsan naiisip kong may sapak ang pinsan ko kasi madalas itong tumawa kahit wala namang nakakatawa.

Umirap lamang ako at mahigpit na kinapitan ang aking pinsan.

Dire-diretso ang aming lakad hanggang makarating kami sa isang glass door at bumungad saamin ang higanteng garden na ang laman ay playground. Opo playground, pangarap ko kasing makalaro sa playground kaya sinabihan ko si kuya na kung pwede sana sa susunod naming pupuntahan ay may playground, at hindi naman niya ako binigo. Sigurado akong puso na ang itsura ng mata ko, angganda kasi. Sana dito nalang kami parati. Napahagikgik lamang ako sa aking naisip.

"Totoo ba 'to kuya?" Pero bago pa makasagot si kuya sa aking tanong ay may lumapit na lalaki sakanya, hindi rin nakakaila na may itsura.

"Is this her?" He said in hard english, napa-english na rin tuloy ako sa iniisip ko. Asar.

"Yes, but let her play first," tanging tango lamang ang isinagot ng estranghero na lalaki kay kuya.

"Ah, Isha this is Harold Montes," sabi niyang pagpapakilala sa lalaki.

"Hi there young lady, are you enjoying what you're seeing right now?"

"Opo, sainyo po bang bahay ito? Pwede akong maglaro?" Tanong ko sa excited na tono.

"Oo akin ito, syempre pwede ka rin jan maglaro dahil may pag-uusapan kami ng iyong pinsan," sab niyang kaswal.

"Sige po kuya Harold maraming salamat po sa pagpapaunlak na maglaro ako dito," nakangiti kong saad.

"May anak na po ba kayo kaya kayo nagpalagay ng playground sa bahay niyo?" Lumbas lamang na mga salita sa aking chismosang bibig.

"Oh, no no no," mariin niyang pagtanggi. "Meron akong mga pamangkin na ka edad mo na laging pumupunta rito kaya nagpalagay ako ng playground," mahabang niyang paliwanag.

"Maglaro ka lang jan Isha ha,kung may kailangan ka. Andon lang kami oh," sabay turo niya sa sofa.

"Sige po," sabay takbo ko sa playground.

Ang ganda at ang lapad. Ansaya talaga ngayong araw na ito.

Noong nakaramdam na ako ng pagod ay madali ako pumunta sa aking pinsan at nagpapunas ng likod sabay bulong "kuya nagugutom na po ako,penge pagkain,"

"Okay just wait. May tubig jan inom ka muna sigurado akong uhaw ka rin. Kukuha muna ako sa kusina ng pagkain,"

Nilagok ko naman ang isang basong tubig sa lamesa hanggang sa nakaramdam ako ng antok, siguro dala na rin ng pagod.

Nang makabalik si kuya galing kusina sinabihan ko nalang siya na antok na ako at mamaya na ako kakain. Sabay binuhat niya ako papunta sa isang kwarto at nilapag sa malambot na kama.

"Sleepwell my dear Isha," hanggang sa tuluyan na lumabo ang aking paningin dala ng pagod.

——————————————————
Please Vote and Comment your thoughts about the story.

Enjoy:)

'Till the last LeafWhere stories live. Discover now