Brianna continued to snicker at me. "They just want attention," she paused, sipping from her coffee.

I huffed a breath, fixing the glasses over my eyes. "Kung anu-ano talaga pinaggagawa nila sa frat."

Just then, Brianna's smile faded away, her dark-tinted eyes glued outside the coffee shop.

Sinundan ko ang tingin niya. Puro mga kotse lang naman ang nakikita ko sa labas ng shop. Traffic na naman sa ganitong oras dahil uwian na ng mga nagtatrabaho. "Bri, anong meron?"

"He's dead! He's seriously dead!" Tumayo si Brianna sa kinauupuan niya kaya sinundan ko na rin siya.

"Bri!" Tinawag ko siya pero patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa may makita akong pamilyar na lalaki sa may kabilang sidewalk na may kasamang ibang babae. Ito ay walang iba kung hindi si Tyler Kendrick na boyfriend ni Brianna.

Nakita kong sinabunutan na ni Brianna 'yong buhok ng kasamang babae ni Tyler. "Hoy, mang-aagaw! Boyfriend ko yan!"

Tumili ang babae at tumakbo na palayo bago pa ulit siya masabunutan ng kaibigan ko.

"Sino yon ha?" Pasigaw na tanong ni Brianna sa boyfriend niyang manloloko.

"Bri! Kalma ka lang. Maraming nakatingin sayo ngayon," paalala ko sa kanya. I knew how badly she had been trying to protect her image for a long time.

"I'm sorry, babe. I swear siya yung unang nakipag-flirt sa akin," defensive na sagot ni Tyler.

Honestly, kahit naman anong gawin ni Tyler, papatawarin pa rin siya ni Brianna. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ito mapakawalan. Mahal na mahal niya si Tyler kahit na obvious na ang mga kasalanan niya.

Nang hindi sumagot si Brianna, ako na ang nagsalita para sa kanya. "Hoy Tyler, ilang beses mo bang sasaktan si Bri ha? Akala mo ba tama yang ginagawa mo?"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Koleen," he countered back, his thick brows shooting up at me.

Anger seethed in my veins as a scoff escaped from my mouth. "Wala akong pakialam. Ito na ang huling beses na sasaktan mo ang kaibigan ko. Tara na nga, Bri!"

At that, hinila ko ang kamay ni Brianna palayo sa lalaking hindi man lang marunong umako ng kasalanan niya. If I was Bri, hindi ako magdadalawang-isip na suntukin ang hayop na 'yon.

#

Unang araw ng pasukan pero tambak na ulit kami ng mga assignments at readings. Bigla akong napaisip kung itutuloy ko pa ba ang course kong nursing. Isang taon palang naman ang natapos ko at masasayang ko if ever.

"K, lunch tayo sa The Grounds?" Pag-aya ng isa ko pang kaibigan na si Hailey matapos ang klase namin sa umaga.

"No! Baka makita ko dun si Ty," reklamo naman ni Bri habang inaayos niya ang mahaba at nakalugay niyang buhok.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, san ka kakain?"

"Sa office nalang ako ng Gen L. I'll see you later." Waving her hand, she just walked away, leaving me and Hailey in awe. Alam ko namang fresh pa ang sakit na nararamdaman ni Bri pero nag-aalala lang ako kasi baka hindi na naman siya kakain niyan.

"Bili nalang tayo ng coffee at lunch tapos punta tayo sa office," sabi ko kay Hailey na sinang-ayunan naman niya.

True enough, nang makarating kami sa famous tambayan sa campus na tinatawag na "The Grounds" ay nakita agad namin ang anino ng ex-boyfriend ni Bri sa may tapat ng coffee shop na co-owned niya.

"Buti nalang hindi na sumama si Bri," Hailey muttered.

Hinila ko si Hailey papasok sa isang restaurant para hindi na kami makita pa nung lalaking 'yon. Habang namimili kami ng pagkain, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa aking bulsa.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now