Chapter 47

263 12 4
                                    

XLVII: Savior

"Miss...." Nagising ako dahil sa marahan na yugyog sa balikat ko.

"B-bakit?" Lumingon siya sa pinto bago ibinalik ang tingin sa akin.

"I'm a nurse. Kinidnap nila ako dalawang araw bago ka dinala dito. Hindi ko alam kung saan sila pupunta at hindi ko alan bakit ako ang kinuha nila. Now I know why"

Sapo-sapo ang tiyan kung saan ako nasaksak pinilit ko ang sariling umupo sa kama. Hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What do you mean?"

"Inaasahan na nilang may matatamo kang sugat..." Nilingon niya ang banda ng tiyan ko kung saan bumaon ang patalim na ginamit ng lalaking 'yon.

"Kulang ang kagamitan dito at hindi na maganda ang kalagayan. Ang suntok na natamo mo kanina ay nagpabukas sa sugat mo at mukhang na-impeksiyon na ang sugat mo. You'll die if you won't get treated immediately"

Nilingon ko ang tiyan kahit na hindi kita ang sugat. Bawat galaw ko ay kumikirot iyon.

"Anong plano mo?"

"Tatakas tayo. Tuwing gabi ay umiinom sila kaya nakakatulog agad sila. May floaties sila pwede natin iyong gamitin. Kaya mo bang maglakad mamaya?" Tumango ako. She's a blessing in disguise.

Akala ko ay hindi na ako makakatakas dito. Kahit na anong tulong ang maibibigay niya ay tatanggapin ko.

"Pero ang paa ko"

Hinawakan niya ang kamay ko. May malamig na bagay akong naramdaman na lumapat sa kamay ko. Susi!

"Baka mahalata ka nila"

Paano kung mahuli kami? Paano kung mapansin nilang nawawala ang susi?

"Duplicate key iyan. Ang boung akala nila ay nahulog sa dagat ang susi na ito pero ibang susi ang nahulog. I can't guarantee a hundred percent safety to this plan. Maaring mahuli tayo, maaring kailangan nating lumangoy. Can you do that?"

Tulad ng sabi ko gagawin ko ang lahat makatakas lamang dito. Kahit na anong mangyari aalis ako dito. I'd rather lose my life in the ocean than lose it here.  Sapat ng kinuha nila ang nakaraang buhay ko, hindi ko hahayaang pati ang bagong ako ay papatayin rin nila.

"Kahit ano gagawin ko"

Tumango siya. Umayos siya ng tayo at inayos ang sarili.

"Tatakas tayo ng alas dose. Make sure not to fall asleep. Check the time from time to time"

Tumango ako at nagpasalamat. Umalis siya. Nakatitig lang ako sa orasan. Alas siyete na ng gabi. Ang susi ay itinago ko sa loob ng damit. I can't put it here sa kama baka makita nila.

"Aurelia...."

Hindi ko nilingon si Jason. Tumitig lang ako sa pinto. May dala-dala siyang tray na laman ang pagkain.

"Kumain ka na. Kailangan mong bawiin ang lakas"

Narinig ko ang paglapag ng tray sa ibabaw ng mesa. Hindi ako kumurap at gumalaw man lamang. Did he expect me to it after what happened?

Ang kaniyang sinabi sa akin kanina ay nakakadala pa rin ng kakaibigan takot sa akin. Hindi ako sigurado sa kahit na ano. Namatay ba ang mga babaeng nangiwan sa kanila oras na nila o si Jason ang nagdikta na oras na nila?

Mabait si Jason pero ibang-iba ang ugali niya kapag nagalit siya. He can kill. Silang tatlo ay papatay kapag kailangan.

"Aurelia"

"Leave it there"

Hindi ko alam kung anong nainom ko na hindi nanginig ang boses ko kahit na sa loob loob ko ay halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa tinding takot na nararamdaman sa kaniya. I never felt this before.

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now