Chapter 36

244 11 8
                                    

XXXVI:

"Kumain ka na, Aurelia. Hindi ka namin inaya dito para tumunganga" nabalik ang atensiyon ko kay Rogue.

Itinulak niya sa harap ko ang isang disposable food container na mukhang nilagyann ng pagkain ko.

"Diet ako" binuksan ko ang lalagyan ng pagkain. Ang dami naman ng laman nito.

Sino bang pumuno nito? Yah! Wala akong anak no! Kasiya na 'to sa tatlong tao e.

"Diet? You're too thin ni hindi ka pwedeng tawaging sexy"

Marahas kong hinampas ang braso niyo. Simula ng maging magkaibigan kami ay mas lumala ang panglalait ng lalaking 'to sa akin. Ilibing ko na kaya 'to ng buhay? Naiinis na ako sa lalaking 'to.

"Excuse me, I was given an awards for having a sexy body. Ilang kompetisyon na ang naipanalo ko because I'm pretty and sexy no! Manglalait ka na lang hindi pa tama" ibinuka niya ang bibig para sa panibagong insulto.

Tinusok ko ang shanghai at mabilis na ipinasok sa bibig niya.

"Kumain ka na lang huh? Huwag mo akong bwisitin"  Inirapan ko siya.

"Tsk" tumayo siya at lumapit sa mga kaibigang nasa mesa.

Nasa tambayan kami nina Rogue. Lunch break at dito ako pinakain ni Rogue. Hindi ko rin nakita si Dino. Ang lalaking iyon, pinagtaguan pa ako. Ano kayang problema niya? Masiyado ba siyang na-in love sa akin? Tsk! Hindi ko naman siya bibitayin e.

"Why you keep on asking about last night? Wala nga akong maalala, Brix. Huwag mong sabihing ikaw ang umorder ng lahat ng inumin na binayaran ko kagabi?"

"What? Hindi no!"

"Gago ka! Ang laki ng binayaran kong hayop ka! Ginto ba ang ininom mo at bakit ang laki ng bill ko? Tangna nito"

Nagsitawanan sila. So does it mean walang naaalala si Rogue? Para akong nabunutan ng tinik. He doesn't remember what I said. I'm glad he's too drunk to remember it.

Napansin ko ang titig ni Brian sa akin. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"What? Masiyado ba akong maganda?"

"Tss" inilipat niya ang tingin sa Tv na nasa harap.

I rolled my eyes. Ayaw pang umamin e alam ko naman maganda ako. Hindi na bago sa akin ang mga lalaking nalo-love at first sight sa akin. Alam ko namang ipinanganak akong may angking kagandahan.

"Aurelia, manonoud ka ba?" Kalalabas lang ni Ara galing cr.

Yes po, may sariling cr ang tambayan nila dito. Umupo siya sa tabi ni Brian.

"Sa?" Hindi ko inubos ang pagkain. Inilapag ko ito sa mesa.

"Rogue, Brian, Brix and Inigo are part of Basketball at may laban sila next week sa kabilang school. Ang ibang boys rin ay sumali sa gusto nilang sports and they will play for the upcoming foundation day"

Hindi ko mapigilang hindi mapatitig kay Ara. Mukhang kilala na niya talaga ang mga kaibigan ni Rogue. Mukhang close na close talaga siya sa kanila, no wonder they'll do everything to protect her.

"Nope. I'm busy"

Kinuha ko ang toothbrush and toothpaste na palagi kong dala. May sink naman sila dito kaya hindi ko na kailangang lumabas.

"Sayang naman. Parte ka na ng grupo kaya maganda sana kong magche-cheer ka din para sa kanila"

"Hindi ako ganapless this foundation day no. Busy ako at madaming ganap"

Tumayo ako at iniwan siya. Hindi ko talaga alam kung bakit ang kapal ng mukha ng babaeng 'to. Kailan pa kami naging close? Kung makapag tanong ay parang mag bestfriend kami.

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now