Chapter 19

247 12 10
                                    

XIX: Debt

Tagaktak ang pawis ko at hinihingal ako ng makarating sa bahay. Chineck ko ang wirst watch at nakitang alas otse ko. Alas sais ako umuwi, hindi ako inaantok at wala akong nagawa so I decided na mag-jogging. Ang layo ng narating ko, then tumambay pa ako sa park na nasa labas ng subdivision.

Pinagbuksan ako ng guard. Diretso ang pasok ko. Tumutulo ang pawis ko. Habang papasok ay nagii-stretching ako. Inikot-ikot ko ang ulo at napatigil dahil ang sala ay puno ng mga nagwa-gwapuhang lalaki. Nasa gitna ang fiancee ko habang ginagamot ni Ara ang sugat.

"Akala ko pa naman ay sa presinto ka magpapalipas ng gabi" saktong lumabas ang katulong galing sa kusina dala ang tray ng mga juice.

Kumuha ako ng isa at agad na ininom.

"Why? So you can have my money?" Pinangalahatian ko ang baso. Nginitian ko siya.

Masakit ang insultong iyon pero hindi ko ipapakita sa kaniya. I won't give him the satisfaction of hurting me.

"No, bibisitahin sana kita. I should visit my criminal fiancee right?"

"Leave, Aurelia. Hindi kita gustong makita" pinagkibitan ko siya ng balikat.

Inilapag ko ang baso sa mesang nasa malapit.

"Don't be too harsh on her, Rogue. Hindi ka naman ganiyan ah"

Ang malumanay na boses ni Ara ay nahahaluan ng inis ngayon.

"Don't act as my hero, Ara. Nothing will change"

Iniwan ko silanat umakyat sa kwarto. Naligo ako at nahiga. I'm so tired. Walang mangyayaring maganda kung didibdibin ko ang sinabi ni Rogue. Batid ko namang ayaw niya sa akin at ang pangiinsulto ay isang paraan niya para paalisin ako.

Hinawi ko ang kurtina. Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. I miss our house. I miss my parents. I miss everything. Kung bakit ang hirap paamuhin ni Rogue. Kung bakit may Ara sa buhay ni Rogue. Kung bakit may Anastasia pa. Everything is complicated.

Parang pile ng mga hugasing nasa sink, mga plato, baso at kusarang nagkakalat, mahirap galawin dahil makalat. Tingin pa lang ay nakakasakit na sa ulo. Ang hirap pumili kung ano ang unang gagalawin. Kung ano ang unang aayusin. His life was complicated na hindi ko alam saan lulugar, kung may paglalagyan pa ba.

Isasarado na sana ang bintana dahil walang naitulong ang hangin kung hindi ko lang napansin ang anino na nagtatago sa puno na nasa tapat ng bahay. Nagsimulang maglakad ang taong nakatago sa puno. Maliban sa malayo, ay naka sumbrero pa ito. Sandali niyang tinitigan ang bahay bago tuluyang naglakad paalis. Sino siya?

Isa ba siya sa kaaway ni Rogue o isa sa mga nakaraan ko? Kalaban ba siya o kakampi?

I close the window at inayos ang violet curtain ko. Gumawa ako ng facebook account gamit ang gawa-gawang pangalan. Una kong ini-add si Dino, nag-send din ako ng message sa kaniya.

Andrino Cesar Fuentes

Hi, boyfriend!

With matching kiss emoji pa. Sunod kong ini-add ay si Steffi. Nag-send din ako ng mensahe sa kaniya para makilala niya ako. I also added some friends na nasa suggestion. Of course I added Anastasia.

Andrino: Aurelia?

Me: The one and only.

Nabasa niya ang mensahe ko then a notification appear saying na in-accept na niya ang friend request.

I change his nickname into Bebe with matching heart emoji. I also change my nickname katulad ng kaniya.

Andrino: That's cheesy

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now