Chapter 33

259 12 7
                                    

XXXIII: His story

Tulad ng plano ay iniwan ko ang kotse ni Rouge sa Drug store na binilhan ko ng first aid. Tumigil ang taxi sa tapat ng lumang bahay. It looks old at mukhang hindi naalagaan. Bukas ang gate kaya pumasok ako. I even check the number na nasa gilid ng gate to make sure kung ito ba talaga ang tamang lugar.

Nasa tapat na ako ng pinto papunta sa tanggapan. Itinulak ko iyon pabukas. Yah! This house looks like a hunted house.

"Hello?"

"Nasaan ang mga gamit?" Napatalon ako sa gulat. Lumabas ang kilalang lalaki mula sa kusina.

Shet! Akala ko multo. Mukha kasi talagang abandonado ang buhay. Natatakpan ng puting tela ang mga gamit at pansin ko ang alikabok ang mga sapot ng gagamba sa mga gamit.

Kaninong bahay 'to?

"Here" itinaas ko ang plastic na dala. Rex told me to buy medicines good for dozen of people.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang dala ko. Naglakad siya papunta sa kusina. Tahimik akong sumunod. Lumabas siya sa kusina at diretso ang lakad papunta sa pader. May hagdan na nasandal sa pader.

Umakyat siya doon. Akala ko ba nandito sila? Don't tell me nag-tresspassing ako? Shett!

"Hindi ka ba sasama?" Nasa taas na ng pader ang lalaki nakaupo.

Ngumiwi ako at dahan-dahang humakbang sa hagdan.

"Hindi ba ako mahuhulog dito?" Mataas ang pader at maling hakbang ko ay sakit sa katawan ang matatamo ko.

"Kung hindi ka magi-ingat" bawat hakbang ko ay nai-imagine kong napuputol ang bawat baitang. Kinakabahan ako sobra!

Inalalayan niya akong makaupo. Ang paa ko ay nakadikit sa magkabilang pader.

"Hold this" hinawakan ko ang plastik. Kinakabahan talaga ako.

"Hindi ba tayo mahuhulog?"

"Kung hindi ka tanga, hindi" umangat ang gilid ng labi ko. Kanina pa 'to nangiinsulto ang lalaking 'to.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinukuha niya ang hagdan. Boung lakas niya itong hinila at inilipat sa kabilang pader. Nauna siyang bumaba. Kinuha niya ang plastik. Dahan-dahan ang ginawa kong pagtapak dahil sa takot na baka bumigay ito.

Safe naman akong naglakad. Naglakad siya at tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Sa unahan ay may maliit na gate. Pumasok kami doon. Bumungad sa akin ang bahay. Hindi siya kasing laki ng bahay na pinuntahan ko kanina pero maganda pa rin kaso mukhang abandonado rin.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay natigilan ako dahil sa nakita. They were bleeding. Halos lahat ng kalalakihang nakaupo sa damo ay may mga paso. Ang iba ay hindi masiyadong napuruhan, may iba namang halos hindi na makilala.

Malamang ay masakit ang natamo nilang sugat pero ni isang nagreklamo. Tahimik nilang iniinda ang sakit.

"Nasaan si Don?" Tanong ng lalaking sinusundan ko. Itinuro nila ang pwesto malapit sa pinto papasok ng bahay.

Nakaupo si Don sa bangko habang dumudugo ang bewang. What happened to him? Sa kanilang lahat ay siya ang pinuruhan. He's bleeding a lot. Mabilis akong lumapit sa kanila.

"What happened to him?" Gusto ko siyang hawakan pero natatakot akong baka masaktan siya.

"Sinaksak siya. Hindi naman malalim" kinuha ni Rex ang plastik na dala ko sa lalaking sumundo sa akin.

Wala akong alam sa paggagamot sa ganitong sugat. Natataranta ako kapag masiyadong madaming dugo. Gusto ko mang tulungan siya at hindi ko ginawa.

"Let me..." Nakapikit si Don. Tagaktak ang pawis niya. This must hurt a lot.

Last Section: Venomous cureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon