Chapter 37

247 13 3
                                    

XXXVII: Leave



I checked again the website kung saan ako magpapa-book ng ticket. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil may sale na. It was a one way ticket. Bumili agad ako ng ticket good for four people. Tumihaya ako sa kama at tinawagan si Mommy.

"Aurelia!" Halatang tuwang-tuwa si Mommy dahil sa pagtawag ko.

"My, you trust me, right?"

Natahimik ang kabilang linya. Tiningnan ko ang cellphone kung on-going pa ba ang tawag. Hindi naman niya ibinaba.

"Yes, we trust you and whatever decision you make we'll trust and support you"

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Alam kong madami na akong maling desisyon na nagawa sa buhay ko at maswerte ako dahil kahit anong desisyon ang piliin ko ay palagi nila akong sinusuportahan at tinatama kung mali man ang napiling desisyon. They always guide and they never get tired on guiding me.

I'm so lucky to have them as my parents.

"Nag-book ako ng ticket natin papuntang California. I'll send you the details. And I'm planning to sell our remaining properties, My. Ang perang makukuha natin ay pwedeng ibayad sa ibang utang na'tin. Kapag nasa california na tayo ay maghahanap agad ako ng trabaho. May pera pa naman ako sa bank accout ko pwede kong gamitin iyon para sa upa o kung kaya ay pambili ng bahay"

"Is this fix anak?"

"Opo, My. May ticket na at kakausapin ko po ang bangko bukas. I'm hoping we can start a new life"

Alam kong biglaan at mahirap kina Mommy iwan ang lugar na kinalakhan. I'm hoping na pansamantala lamang ito. Pwede namang after ten years ay bumalik kami dito. Pwede kaming bumalik kapag okay na ang lahat.

"Alright. We believe in you. Maghahanda kami. Alam ba ito nina Marjorie?"

"Hindi pa po. I'm planning to inform them a week before our flight"

Pagkatapos ng tawag ay naghanap ako ng mumurahing apartment sa California. Hindi naman ako magbo-book agad pero at least may choices na ako.

Gumawa ako ng listahan ng lahat na kailangan kong gawin. Makakalimutin pa naman ako. Papasok na sana ako ng cr para mag half bath ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nagtama ang tingin namin ni Rouge.

"Are you busy?"

Ang walang modong lalaking 'to. Hindi man lang kumatok e paano kung nakahubad ako? Edi nalantad sa harap niya ang kahubdan ko.

"Can't you knock?" Umatras siya at biglang sinarado ang pinto. Kumatok siya ng dalawang beses bago pumasok.

"Are you busy?"

"Pinagloloko mo ba ako?" Ngumisi siya.

"Gusto mo akong kumatok, edi kumatok ako. Ano nga? Busy ka o hindi?"

"Bwisit ka. Hindi okay?"  Tuluyan siyang pumasok at dumiretso sa kabinet ko.

"Yah! What are you doing?"

"Hanggang bukas ba? Wala kang schedule?"

"Wala. Bakit ba?"

Bigla niyang binuksan ang kabinet ko at pinagtatapon sa kama ang mga damit na nahahawakan. What the hell? Pinapalayas ba ako ng kumag na 'to? Lumapit ako sa kama at kinuha ang lahat ng damit na itinapon niya sa kami.

"Hoy! Lalayas ako dito! Hindi mo naman ako kailangang madaliin"

Kukunin niya sana ang damit na hawak ko pero mahigpit ko itong niyakap at sinamaan siya ng tingin. Walang puso! Hindi niya ba alam kung anong oras na? Saan ako matutulog ng ganitong oras?

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now