Chapter 11

296 16 9
                                    

XI: Part time job



Umuwi din ako pagkatapos kong kumain. Paguwi ko doon ko nalamang wala pa lang katulong dahil nag celebrate sila sa kaarawan ni Manang. Ang guard naman napatulog nina Jason. Until now wala pa ding katulong, bukas pa ang balik nila. Though may limang guards na nakaduty.

Nagbihis ako ng two piece. I put my bathrobe sa mesa malapit sa pool. Ilalangoy ko na lang ang takot ko kagabi. I stretched.

"One....two...three" nagdive ako at mabilis na lumangoy.

I'm not a good swimmer marunong akong lumangoy kapag naabot ko ang tiles, kapag lampas ulo na ang tubig nalulunod na ako. Nagpapanick kasi ako kaya nga gustong gusto ko ang swimming pool nina Tita dahil 5 feet lang ang taas though hanggang baba ko ang tubig as long as nakakahinga ako at nakakaapak kaya ko pa ring lumangoy. Minsan gusto ko ring mapagisa sa bahay because I can do what I wanted to do.

Tulad na lang ngayon, I can play loud music. Umahon ako at kinuha ang tuwalya. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kusina. Nilabas ko ang juice at fruit salad na ginawa ko kanina. Dinala ko ito sa mesa malapit sa pool.

"I love it when you call me Señorita

I wish I could pretend I didn't need ya

But every touch is ooh-la-la-la"

I sway my body while eating.

"It's true la-la-la

Ooh I should be running

Ooh you keep me coming

For ya"

Inilapag ko ang bowl ng fruit salad. Uminom ako ng juice at naglakad patungong pool.

"Land in Miami

The air was hot from summer rain

Sweat dripping off me

Before I even knew her name la-la-la

It felt like ooh-la-la-la

Yeah, no"

Bumalik ako sa pool. Nilubog ko ang katawan ko sa pool. Ilang beses akong lumangoy hanggang sa mapagod ako. Inangat ko ang katawan ko at umupo sa gilid ng pool.

I never meet Rogue's parents. Should I find them para mapadali ang kasal? I should not enjoy staying here, as much as possible kailangan kong umalis.

My parents are struggling hindi man nila sinasabi. Wala na ang bahay namin, ang ibang properties ay naibenta na namin. Unti-unti ng nauubos ang properties namin, may bayarin pa kami sa hospital. Hindi man sila nagre-reklamo alam kong nahihirapan na din sina Mommy.

Hindi ko pa nakikita ang parents ni Rogue. Hindi ko rin alam kung nasaan sila. Kailangan ko ng makasal kay Rogue. I need his surnames and wealth. They won't lend me money panigurado. Should I get part time job?

Pero wala akong alam na trabaho. Ano bang kukunin ko? Hindi pa ako nakakapagtrabaho ever since. Maybe its time for me to find work? Siguro naman matututo rin ako. I can get jobs na panggabi. Pwedeng sa convience store, hindi iyon masiyadong mahirap o kaya coffee shops? Hindi ako pwedeng kumuha ng trabaho na mabigat.

"Aurealia?" Nagangat ako ng tingin.

May mga tao sa loob at kung hindi ko nakita si Ara ay baka natakot na naman ako. Tumayo ako, hanggang sa pinto lang ako ng garden sumandal ako doon.

"Anong ginagawa niyo dito?" Agad napabaling sila sa akin. Nasa mga sampu ata sila.

Wala si Brix kaya wala akong ka-close na nandito. Wala akong kausap.

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now