Chapter 34

246 13 7
                                    

XXXIV: Mahal kita


Dumiretso ako sa bahay dahil patapos na ang last subject ko. Wala sila Tita at Tito dahil may trabaho sila. Alas singko ng magsimula akong maghanda. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ng ama ni Rogue. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong makausap. He didn't even attend our engagement party kaya kinakabahan ako.

I've seen him on news pero ito ang unang beses na makikita ko siya sa personal. Isang puting off-shoulder na dress ang napili kong soutin. Hanggang tuhod ang haba nito. Half ponytail ang napili kong design sa buhok. Dark shades ng make up ang napili kong gamitin. I need to look decent and mature. Alas otso kami magkikita. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba kung bakit hindi ako makuntento sa itsura.

Pagpatak ng alas siyete y media ay nagpasiya na akong lumabas. Nagpakuha na ako ng taxi sa security guard. I told the driver kung saang lugar.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang ugali ng ama ni Rogue. Hindi ko alam kung anong bakit gusto niya akong makita. Ilang buwan na akong nanatili sa bahay ni Tita at Tito pero ngayon niya lang hiniling ang presensiya ko.

Maaga ako sa restaurant na pinili ni Mr. Montgomery.

"Table for two, Ma'am?" Nginitian ko ang waitress na lumapit sa akin.

"I'm with Mr. Montgomery" agad naman niyang nakuha ang sagot ko.

"This way, Ma'am" sumunod ako sa kaniya.

Pagpasok namin sa private room na pina-reserve ng ama ni Rouge ay masasabi kong maganda ang pwestong napili. Kita ang mga ilaw galing sa buildings at mga sasakyan. Umupo ako dahil wala pa naman ang ama ni Rogue.

Nagpa-serve ako ng tubig. Kakainom ko pa lang ng bumukas ang pinto. Nataranta kong ibinaba ang baso, tumayo ako. Naglakad palapit sa pwesto ko si Mr. Montgomery. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I great him? Ipaghihila ko ba siya ng upuan?

Ipinilig ko ang ulo.

"Good evening, Mr. Montgomery"

Ngayon ay alam ko na kung saan nagmana si Rogue. Kahit na may edad na ang ama ni Rogue ay matikas pa rin ito. He has this aura that shoutd power and he's intimidating. He's also physically fit. Nakaayos ang buhok. Ang gwapo ng mga Montgomery.

"Maupo ka hija"

Umupo siya kaya umupo na rin ako. Ipinatong ko ang kamay sa hita. Kinakabahan talaga ako. Kahit ang kanay ay nangangatal.

"You look so tense hija. Relax hindi ako nanganggat" he smile.

Ang gwapo niya talaga. Malamang ay madami ang nagkakandarapa sa kaniya dahil single siya.

"Ano po ba ang rason kung bakit niyo ako pinatawag?" Sasagot na sana siya ng pumasok ang waiter talaga ang appetizer.

Inilapag ng waiter sa harap ko ang soup. After mailagay ay yumuko siya at nagpaalam.

"We can talk about that later. How are you?"

"Ayos lang po"

Madaldal ako pero parang lumipad palabas ng utak ko ang lahat ng pwedeng i-topic. Wala akong maisip at ang malakas na tibok ng puso ko ay halos um-echo na sa boung silid.

"I was out of the country when your engagement party happen. Pasensiya ka na at hindi ako nakadalo"

Sinerve ang main course. Ikunu-kwento ni Mr. Montgomery kung gaano katigas ang ulo ng anak niya. He even asked for forgiveness sa lahat ng maling nagawa ni Rouge. Nabanggit niya rin ang hindi rin pag sipot ni Rouge sa mga dating fiancee.

Alam ko namang tarantado si Rouge at ang marinig galing sa ama niya ay na-realize kong gago nga talaga siya. But the way his father tell how hard headed Rouge is, wala akong naramdamang paninira. Para siyang amang proud na nagkwe-kwento sa achievement ng anak niya. Despite Rouge's attitude towards him I can say he loves his son. He loves him so much.

Last Section: Venomous cureWhere stories live. Discover now