Ganoon na lang 'yon? Pagkatapos ko manilbihan sa kanila ng sampung taon? Pagkatapos ko algaan ang bukirin nila? Pagkatapos kong payamanin ang pamilya nila? Itatapon na lang nila ako ng ganun-ganun?

"Sino ba ang walang kwenta sa ating lahat?" Malumay kong bulong at umupo ng maayos para makita ang binti ko na puro pasa sa ilang parte 'non.

Mabigat ang pag buntong hininga ko at natulala sa loob ng kubo. Inaasahan ko na ito noon pa, gusto ko 'man maunang maglayas ay hindi ko magawa makaalis dahil wala akong mapupuntahan at bukod doon wala akong kaibigan para mahingian ng tulong.

Sino ba naman kasi ang magkakagustong lapitan ako? Sabi ni Dauthi ay sumpa ang mga mata ko dahil hindi raw kasi kayang tingnan ng kung sino at si Mister Wallender lang ang nakakatagal dahil lagi itong lasing at wala sa sarili. Sabog ang makapal kong buhok, madungis pa ang mga sinusuot kong damit dahil lagi akong nasa bukiran para magtanim pero kahit ganun nanatiling maputi ang balat ko kaso hindi nga lang makinis at tuyot ang maputing balat ko. Hindi agad mahahalata ang kaputian ko dahil lagi akong bilad at lagi akong namumula sa init.

Suminghap ako ng hangin at mahinang inilabas ulit iyon. Ang tagal ko na namamahay rito at ngayon lang ako makakaalis. Hindi ko rin alam kung saan pwede pumunta.

Kahit nanginginig ang mga binti ay sinubukan kong tumayo. Itinungkod ko ang maputik kong dalawang kamay sa sahig at dahang-dahang tumayo. Nakaramdam ako ng kirot pero ininda ko iyon at paika-ikang lumabas ng kubo.

Humangin ng malakas, gumalaw ang mga dahon sa puno na kinasabay ng iilang hibla ng buhok ko. Nag-ipon ako ng laway bago lunokin ito. Sobrang tuyo ng lalamunan ko at kanina pa nanakit ang t'yan ko sa gutom. Ni hindi man lang ako binigyan ng kahit anong pagkain o maiinom ng mga Wallender.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa mansion ng Wallender, medyo may kalayuan pa iyon at tirik na tirik pa ang araw pero mabuti na lamang may mga puno sa bawat gilid ng daanan. Kitang-kita ko pa ang mabilis na paglalakad ni Mister Wallender.

Binigalan ko pa ang paglalakad dahil sa mga pasa kong umaangat ang sakit. Ito ang kauna-unahang pisikal na sinaktan ako ni Mister Wallender. Dati rati ay masamang salita lang ang ibinibigay niya pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na sasaktan niya ako ng ganito.

Tulala ako habang naglalakad at dinaramdam ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko. Sa oras na 'to, iniisip ko kung saan ako pupunta.

"Hindi mo na kailangan pumasok sa loob at nandito na ang mga marurumi, pangit, at sira-sira mong mga gamit," bungad sa akin pagkahinto ko sa pintuan ng mansyon. Nakatayo roon si Dauthi katabi niya ang kakambal na si Dominus. Malamig ang tingin nito at mapang-asar naman ang tingin ni Dauthi.

"K-kompleto 'to?" Mahinang tanong ko at kinuha sa lapag ang tatlong malalaking bagahe sa lupa.

"Oo, walang labis at walang kulang," nakangising sagot niya at inakbayan ang kakambal na nanonood lang sa nangyayari. "Salamat at makakaalis ka na... katulong." Dagdag nito at hinila ang kakambal papasok ng kanilang tirahan at malakas na isinara ang pinto.

Isinabit ko ang dalawang bagahe sa likod at harapan ko at ang isa ay binitbit ko gamit ang dalawang kamay. Tiningala ko ang mansyong nasa harapan ko at siningkitan ng mata.

"Babalik ako rito para wasakin kayo."

City of Scale Yellow - Centro Market

"Maryusep, akin yan!"

"Manahimik ka! Wala kang gamit dito!"

"Ale, bili na kayo."

"Hoy tanda, ang gulay ko!"

"Nasaan na ang mga bata?"

"Punyeta naman oh!"

"Sukli ko naman, huwag kurakot!"

Her Wicked BattlesМесто, где живут истории. Откройте их для себя