13: Say It In A Song

Start from the beginning
                                    

"Bakit di ka na lang mag-invest sa jacket na warm para hindi ka masyadong naglilayer?"

"Samahan mo akong magshopping minsan."

Nagkatinginan kami.

Are we already making plans para sa susunod naming pagkikita?

"Sorry. Naexcite ako." She bit her lip.

"Sorry ka ng sorry. Canadian ka na talaga." I teased.

"Technically, Canadian na talaga ako."

"Really?"

"Oo. Nakuha ko ang citizenship ko during my fifth year dito. Hindi nasabi sa'yo ni Maddie."

"No. Wala siyang nabanggit."

"Himala. Nakalimutan niya ang importanteng detalye na iyon."

Sumilip ako sa hagdan.

Tiningnan kung may bababang bisita.

"Lena, what are we going to do?"

"Pag nagshopping tayo?"

"Hindi iyon ano ka ba?" Pinalo ko siya sa braso.

"Oh." Narealize niya kung ano ang tinutukoy ko.

"Hindi ka naman libre, Haze."

"I know."

"Unless..."

"Unless what?"

Tinitigan niya ako.

I saw the longing in her eyes.

It broke my heart.

"Wala. Puwedeng huwag muna nating pag-usapan. Enjoy muna natin ang moment na 'to na tayong dalawa lang."

"Okay."

Pagkatapos kumain, bumaba si Joey at niyaya kaming magvideoke.

Hinila ako ni Lena.

This was her forte.

Tagapakinig lang ako dahil hindi naman ako magaling kumanta.

Ang hilig ko ang pagsasayaw.

Pagdating sa sala, katatapos lang kumanta ng isang babae ng It's All Coming Back To Me Now.

Hinihintay nila ang score at nakatingin sila sa screen.

Ninety-eight percent.

Tuwang-tuwa ang babae na lampas bewang ang buhok.

May bakanteng puwesto malapit sa TV.

Doon ako umupo.

"Kayang-kayang talunin ni Mam Lena iyan." Pagmamayabang ni Joey sa mga bisita.

"Ano ka ba?" Sabi ni Lena habang binubuklat ang songbook.

"Ikaw ba ang top score, Ate?" Tanong ni Joey sa babae na umupo na sa tabi ng matandang lalake na may pagkamanyak kung tumingin.

"Oo."

"Pusta ako ng twenty dollars. Talo ka ni Mam."

Nagkantiyawan ang ibang bisita.

"Sige. Tataya ako." Sabi ng matandang lalake tapos kinuha ang wallet niya sa likod ng pantalon.

Naglabas siya ng fifty dollars.

Nagkatinginan kami ni Lena.

"Ano ba iyan, Joey? Napipressure ako sa ginagawa mo. Baka pumiyok ako." Pinindot niya ang numeric keypad sa microphone.

Pagflash ng title sa screen, lalong lumakas ang kantiyawan.

"Hala! Kanta ng Songbird pala." Sabi ng tatay ni Joey na namumula na ang mukha dahil lasing na.

Ang NakaraanWhere stories live. Discover now