Final Chapter: In Memories

1.1K 20 7
                                    

dedicated to smurf

---

3rd person's POV

"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Zeus sa ibang mga diyos at diyosa na naghihintay sa kanya.

"Sina Athena at Artemis ay hindi ko pa nakita magmula kanina." Wika ni Astraea.

"Pinatay na sila ni Erebus. Nakita kong bumaba silang dalawa ni Artemis kanina." Seryosong sabi ni Atropos. Napabuga ng hangin si Zeus.

"Sumusobra na talaga si Erebus, kailangan ng mawakasan ang kasamaan niya." Matapos sabihin 'yon ni Zeus ay nagliwanag na ang kanyang katawan saka naglaho. Ganun din ang nangyari sa iba pang mga diyos at diyosa sa ibabaw ng Mt. Olympus.

Sa kabilang banda, natigilan sa kanyang paglalakad si Erebus kasama ng mga natitirang Ministers ng may nakakasilaw na liwanag na lumabas sa kanilang harapan. Isinangga nito ang kanyang braso sa mata para maiwasan ang ang nakakasilaw na liwanag. Ilang saglit pa ay naglaho na rin ito. Ibinaba na nito ang kanyang kamay saka nabigla sa kanyang nakita.

"Z-Zeus? Anong ginagawa niyo rito? Bakit kayo bumaba ng Olympus?" Tanong ni Erebus sa kanya.

"Narito kami upang pigilan ka sa masamang hangarin mo." Matigas na sabi ni Zeus bago humakbang papunta sa harapan. Napaatras si Erebus.

"Hindi. Hindi niyo ako mapipigilan. Ako ako titingalaing hari sa lugar na ito." Giit ni Erebus.

"Kung ganun ay wala na kaming magagawa," Tumalikod si Zeus at naglakad pabalik sa kasamahan nito. "Chronos gawin mo na." Utos ni Zeus dito. Humakbang si Chronos papunta sa harapan. Inilabas nito ang isang orasan na parang platito ka laki.

"Anong gagawin mo Chronos?" Nagtatakang tanong ni Erebus. Ngumisi lang si Chronos sabay pindot ng maliit na button sa itaas na bahagi ng orasan. Napatingin si Erebus sa kanyang paligid. Nagumpisang naging abo ang lahat ng bagay hanggang sa tangayin ito ng hangin palayo.

"Ito na ang katapusan nating lahat Erebus." Huling sinabi ni Zeus bago tuluyang naging abo ang katawan niya. Lahat ng puno, halaman, mga gusali at iba pang mga bagay sa loob ng akademya maging ang Daemons forest ay nagsimula ng maging abo. Ang mga diyos at diyosa pati na rin si Erebus ay hindi pinalagpas nito. Ibinalik ni Chronos ang oras sa mga panahong hindi pa isinisilang ang mga diyos at diyisa na nagbabantay sa sangkatauhan.

***

"Ligtas na ba tayo?" Tanong ni Katie. Sa mundo na sila ng mga tao. Kasalukuyang nasa tabi sila ng kalsada malapit sa isang gubat.

"Oo dito ay ligtas na tayo. Nakalabas na tayo sa akademya ngayon." Nakangiting sabi nI Clarrise.

"Saan na tayo pupunta ngayon? May alam ba kayo na pwede nating matuluyan?" Pagtatanong ni Austin. Nagtinginan sila.

"Pwede kayong tumuloy sa bahay namin kung gusto niyo." Saad ni Mrs. Buenade.

Niyakap ng mahigpit ni Leo si Lacy. "Sa wakas ay makakasama na rin kita habang buhay. Hinding-hindi na kita iiwan mahal." Masayang sabi ni Leo saka hinalikan sa noo si Lacy.

"Tayo na baka may makakita pa sa atin dito." Si Minister Hemster naman ang nagsalita. Hahakbang na sana sila paalis ng may napansingkakaiba si Valentino.

"M-Miranda anong nangyayari sayo?" Kinakabahang tanong ni Valentino habang pinagmamasdan ang umiiyak na su Miranda na unti-unting nilalamon ang katawan ng abo. Nagulat ang lahat sa nangyari.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon