Chapter 15: S.A.A.G - Arachnids

114 11 1
                                    

15. S.A.A.G - Arachnids
Austin's POV

Lumapit ako sa malaking gagamba na pumatay kay Lee at sinuri ang kabuuan nito. Katamtaman lang ang laki ng kanyang ulo, pati ang kanyang tiyan. Mahahaba ang kanyang mga paa na mabalahibo at pumunta ako sa likuran niya. May buntot. Buntot? Nabigla ako dahil may buntot ito na parang sa scorpion. Matutulis ang ngipin nito na may malapot na laway. May napansin akong nakaukit sa isang paa ng gagamba. Lumuhod ako at binasa ito.

"A...R...A...C...H...N...I...D..." tama! 'Arachnid' nga ang nakasulat! Ito siguro ang pangalan ng gagambang ito. Tumayo ako at lumapit sa iba kong kasamahan na nagpapahinga.

"Guys?" napatingin silang lahat sa akin. "Alam ko na kung ano yang gagamba na yan." sabi ko.

"What is it?" tanong ni Annabeth.

"Its an Arachnid, based on what is written on its leg." paliwanag ko.

"Pero saan naman nanggaling ang halimaw na iyan?" nagtatakang tanong ni Kayla.

"Don't tell me, it is also a part of the game? Walang sinabing ganyan ang Head superior during the orientation." sabi ni Ethan.

"Tama si Ethan. Baka sinadya talaga nila na hindi sabihin sa atin para sumang ayon ang plano nila?" giit ni Thalia.

"Nagtatanghaling tapat na. According to this map. Merong small canteen sa loob nitong maze na 'to, medyo malapit lang sa lokasyon natin ngayon." sabi ni Luke.

"And where did you get that map?" tanong ni Annabeth sa kanya.

"Dito sa pocket ng suit ko. Kanina ko pa ito pinag aaralan pero walang nakalagay kung saan ang daan palabas." paliwanag niya. Tumayo na sila.

"Okay let's go to the canteen." anunsyo ko bago magsimulang maglakad.




Eric's POV

"Vice-president, 1 student killed from Boreas section." report ni Jamie sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya. Siya ang nagmomonitor sa kalagayan ng Boreas section.

"What? Paano nangyaring may namatay?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"May malaking gagamba na umatake sa kanila." paliwanag niya sa akin.

"A big spider also detected in Aristaeus location a while ago. One of them also got killed." report naman ni Dallas sa akin. Sh*t hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa loob ng maze ngayon!

"Kailangang malaman ng presidente ang nagaganap sa loob ng maze. Okay just continue monitoring them guys. I will try to communicate the Ministers sa mga nangyayari ngayon." sabi ko sa kanila bago bumalik sa pwesto ko.

Clarrise 'asan ka na! Bumalik ka na dito!




Will's POV

"Guys hanap muna tayo ng makakain dito." sabi ko sa kanila ng makarating kami sa maliit na canteen dito sa loob ng maze. Ginagapangan na rin ito ng mga damo at baging.

I am Will Aaron. I am the son of Pheme the goddess of fame and gossips. I am the Head leader of Eileithyia section. Kasalukuyan kaming nagpapahinga kasama ng aking grupo sa canteen na ito. Buti naman at may makakain sa loob ng maze na ito.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon