Chapter 28: Thalia's Dream

97 8 3
                                    

dedicated to arianne_cifra



---

28. Thalia's Dream

3rd person's POV

"Anong balita? Nahanap na ba nila kung saan nagtatago ang mga inutil na 'yon?" bungad ng Head superior sa kanyang sekretarya ng ito ay makapasok sa kanyang opisina.

Nakaupo ang Head superior sa swivel chair nito habang umiinom ng kape. Nakatanaw ito sa labas ng bintana. Pumapasok ang liwanag ng sikat ng araw sa kanyang opisina. Maganda ang kalangitan ngayon at walang bahid ng sama ng panahon. Huminga ng malalim ang sekretarya ng siya ay makaupo sa sofa.

"Hayst! Masyadong mailap ang mga batang iyon. Hindi nakita ng dalawa mong unggoy kung saan sila naroroon." pagbabalita nito.

"Sabihin mo sila na huwag silang titigil sa paghahanap hangga't hindi nila naidala sa akin ang ulo ng nga iyon!" giit nito.

"So, anong plano mamaya?" paibang topiko ng secretary.

"Just relax. Magiging maayos rin ang lahat. I have some special guest for the party later." nakangising sagot ng Head superior.






***



"Wala na ba siyang sinabi kagabi?" tanong ni Minister Hemster kay Minister Sylveria.

Naglalakad sila ngayon papunta sa covered gym. Abala ang mga Ministers ngayon para sa gaganaping kasiyahan mamayang gabi.

"Ang tanging sinabi niya lang ay may malaki siyang sorpresa sa mga bata mamaya." sagot naman ni Minister Sylveria na may bitbit ng mga bulaklak. Napatango-tango naman si Minister Hemster.

"Hindi talaga maganda ang kutob ko sa Head superior na 'yan kailangan naatin na magdoble ingat." sabi ni Minister Hemster dito.





Austin's POV

Naglalaro ang iba't ibang ilaw, may mga tugtugin at mesang nakahelera ng makapasok na kami dito sa loob ng covered gym. Nandito na rin ang karamihan. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang kasiyahan.

"Saan tayo uupo?" tanong ni Katie. Nakatayo lang kami rito sa may gilid habang naghahanap ng mauupuan.

"Dito na lang siguro tayo pumwesto sa likod. Masyadong maingay doon sa harao." sabi ko.

"Oh ano pa ang hinihintay niyo tara na baka maunahan tayo." naunang naglakad si Luke papunta sa pwesto namin. Kanina ko pa napapansing tahimik si Thalia. May problema yata 'to. Tila malalim ang kanyang iniisip.

"Thal, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ha? eh oo ayos lang ako." sagot naman nito sa akin.

"Ang totoo Thal? You can share your problem with us." sabi naman ni Annabeth. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magkwento.

"Ganito kasi 'yun kagabi kasi nanaginip ako. Napanaginipan ko si ama," pagsisimula niya.

"Ang sabi niya may mangyayaring hindi maganda ngayong araw at kailangan nating mag ingat." sabi niya.

"Anong ibig niyang sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam niyo guys dapat chill-chill lang tayo ngayon eh. 'Hwag muna kayong mag isip ng mga ganyang bagay." singit ni Luke sabay lapag ng mga drinks sa mesa at mga pagkain.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon