Chapter 33: Fall of Two

133 8 0
                                    

dedicated to KA_montefalco

---


33. Darkness
3rd person's POV

Lumalalim na ang gabi. Patuloy pa rin ang mga pagsabog at putukan na maririnig sa hindi kalayuan. Nasira na ang ilan sa mga establishimento sa akademyang ito. Sa kabilang dako ay patuloy pa rin ang labanang nagaganap sa pagitan ni Erebus at nina Hermes. Hingal na hingal na sila sa mga oras na 'to. May mga sugat na rin ang magkabilang panig.

"Hindi ka ba talaga susuko Erebus?" tanong ni Aristaeus sa kanya. Itinukod nito ang kanyang espada sa lupa ng muntikan na siyang matumba.

"Tsk, malapit na akong manalo rito. Bakit pa ako susuko?" sarkastikong sagot nito bagi biglang sumugod.

Hindi nito inaasahan ng dalawa. Nagisng alisto si Hermes. Isinalag niya ang kanyang katawan. Siya ang nasaksak ni Erebus ng kanyang espada. Nabigla si Aristaeus sa ginawa ni Hermes.

"Umalis ka na Aristaeus. D-delikado ka rito." sabi ni Hermes habang unti-unting naging abo ang kanyang katawan.

"Hindi!" sigaw ni Aristaeus sa sobrang galit.

Iwinasiwas nito ang kanyang espada. Nailagan naman lahat ng ito ni Erebus. Nakakuha si Erebus ng tyempo saka umatake siya sa likod ni Aristaeus. Pinutol nito ang ulo ng kalaban. Nabitawan ni Aristaeus ang kanyang espada bago maging abo ang kanyang katawan. Sumilay ang malademonyong ngiti sa mga labi ni Erebus.

"Ako na ang mamumuno sa buong akademya! Hahahah." sigaw niya saka tumawa ng malakas.






***

"Hindi. Hindi ito maaari." napaiyak si Rhea. Ang diyosa ng kalikasan sa kanyang nasaksihan sa ilalim ng lupa. Napansin ito nina Zeus at Athena ng makalapit sila sa kanya.

"Nasaksihan ko...nasaksihan ko kung paano pinatay ni Erebus sina Hermes at Aristaeus." sabi ni Rhea sa dalawa.

"Ano? Hindi ito maaari. Natitiyak kong ipaghihiganti ni Artemis ang dalawang iyon at..." natigilan si Zeus sa pagsasalita. Alam na niya ang magiging kahihinatnan ng lahat.

"Kapag sasali sila sa gulo natitiyak kong sasali rin ang mga alagad ni Erebus." nangangambang wika ni Athena. Napatango si Zeus, si Rhea naman ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa.

"Wala na akong magagawa kun'di pahintulutan si Chronos na ibalik ang oras sa mga panahong hindi pa tayo nabubuhay." napatingin sa kanya ang dalawang diyosa dahil sa sinabi niya.

"Nasisigurado ka ba sa iyong tinuturan Zeus?" tanong ni Athena. Tumango lang si Zeus.

"Mapapahamak ang mga anak natin kapag hindi natin ito gagawin." sagot ni Zeus.

"Saglit lang, kung ibabalik ni Chronos ang oras...i-ibig sabihin mawawala rin ang mga anak ninyo." nagsalita si Rhea.

"Oo tama si Rhea, Zeus." pagsang ayon ni Athena.

"Hindi sila madadamay kapag nakalabas sila sa lugar na iyon. Kung makakapunta sila sa mundo ng mga tao ay magiging ligtas sila sa gagawin ni Chronos." paliwanag ni Zeus.

"Paano ka nakakasigurado na magiging ligtas sila Zeus?" tanong ni Rhea.

Bumuga ng hangin si Zeus. "Papayag ba kayo sa nga sinabi ko?" tanong ni Zeus sa kanila.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon