Chapter1: Secretary Lacy Whitt

4.3K 85 6
                                    

1. Secretary Lacy Whitt
Austin's POV

"Patay na kaya siya?" Tanong ni Thalia na nakaupo sa kama ni Secretary Lacy. Nandito parin kami sa loob ng silid niya. Kumakalma na rin ang usok na bumalot dito kanina. Kasalukuyan akong nakasandal sa pader malapit sa kanyang cabinet.

"No! Hindi siya pwedeng mamatay!" Giit ni Leo. Sa kanyang mukha ay parang iiyak na siya. Napahawak ito sa kanyang ulo na tila bang naguguluhan.

"At bakit naman hindi?" Pagkwestiyon ni Luke dito.

"She's my girlfriend and I don't want to loose her." Diretsahang sagot niya.

"So-sorry for that Leo." Pagpaumanhin ni Thalia kay Luke.

I know he's feeling. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Kailangan namin siyang tulungan. Teka lang...ilang minuto na ang lumipas pero wala paring pulis o gwardiya man lang ang pumunta para imbestigahan ang nangyari dito.

"Ba't ang tagal ng mga pulis?" Tanong ko sa kanila.

"Tssskkk are you joking? Oh come on... police aren't coming. Remember this academy is secret. Ang presidente lamang ang maaaring kumilos at gumagawa ng kung anu-ano sa akademyang ito na pinahihintulutan naman ng head superior. Just like this time, walang nagtangkang pumunta dito na kahit na ano dahil walang sinabi ang presidente." Paliwanag ni Annabeth.

"She's right Austin, 'yan ang patakaran ng akademyang ito." Pagsang ayon ni Luke.

"Ano? Kung ganun hahayaan na lamang natin si Lacy nang ganun ganun na lang?" Tanong ni Leo. Napatayo ito mula sa kanyang pagkakaupo.

"Hindi ako papayag sa ganyang pamamahala. Estudyante nila ang nawala at isa pa miyembro siya ng council sa akademyang ito." giit ko sa kanila. "Tutulungan ko si Leo na hanapin si Secretary Lacy." Dagdag ko.

"Austin huwag malalagay lang sa alanganin ang buhay mo at malalagay ka sa panganib kung gagawin mo iyan." Pagpigil ni Annabeth sa akin.
"Look if gagawin mo ang iyong pakay, nasisigurado kong ikikick out ka nila sa academy na ito." Dagdag paliwanag niya.

"Sasama ako kay Austin. Bahala na kung ano ang mangyayari basta mahanap lang natin si Lacy." Nabigla ako sa tinuran ni Thalia. Tumayo ito at naglakad papalapit sa kinatatayuan namin ni Leo.

"Okay fine sasamahan ka namin." Wika ni Luke na napabuntong hininga sa isang tabi.

"Seriously Luke? Okay talo na naman ako sa inyo, lets go." Walang nagawa si Annabeth kundi ang sumang ayon sa akin.

Matapos ang mahaba-haba naming giitan ay lumabas na kami sa silid ni Secretary Lacy. Bumaba na kami ng second floor tsaka nagtungo sa likurang bahagi ng building kung saan tumagos ang hindi kilalang salarin kasama ni Lacy.



Piper's POV

Kasalukuyan kaming napadaan ni Clovis sa harap ng councils building ng ito ay sumabog. Huminto kami sa tapat nito kasama ng iba pang estudyante ng academy. Narinig ko sa kanilang usap-usapan na sa silid ni Secretary Lacy nanggaling ang malakas na pagsabog na iyon. Ilang minuto pa ay naglakad na kami ni Clovis papunta sa parke malapit sa food court.

Ako nga pala si Piper Wehleamp (wehlyamp) at itong lalake naman na kasama ko ay si Clovis Kristen. Pareho kaming nagmula sa Demeter's section. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa ilalim ng street light.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon