Chapter 24: Revelation of Secrets

99 7 0
                                    

dedicated to beautifulhunterghost

---

24. Revelation of Secrets
Austin's POV

"Sa wakas makakaamoy na rin ako ng sariwang hangin." masayang wika ni Kayla habang nilalanghap ang preskong simoy ng hangin. Ipinikit niya ang kanyang mata saka dinama ang hangin na sumasalubong sa kanya. Napangiti na lang ako.

Nandito kami ngayon sa gym. Kakalabas lang namin mula sa maze. Nasa harapan namin ngayon ang lahat ng Minister's, si Head superior pati na rin ang sekretarya nito.

"Welcome back my dear students!" bati ng Head superior na may malapad na ngiti sa labi.

"Ikinagagalak kong nakalabas kayo ng ligtas sa maze sa loob ng dalawang araw. Pero ako'y lubhang nalulungkot din dahil sa pagkawala ng ilan sa inyong mga kaklase," pagpapatuloy nito. Tsskk! Tahimik lang ang lahat habang nakikinig sa kanya. Napansin ko naman ang pagtago ni Valentino ng kanyang kamay sa likuran niya na may hawak na mapa. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa harap.

"Ngayong araw ay pahihintulutan ko muna kayong magpahinga dahil alam kong pagod kayo at hindi pa nakakaligo magmula ng pumasok kayo sa loob ng maze. Bukas we will celebrate our party at 6:00 in the evening.  And we will end at 2:00 in the morning. So enjoy the rest of the day my dear students of Achelous." panapos na sabi ng Head superior.

Kanina ko pa hinahanap si Minister Hemster sa mga Minister na nakatayo sa harapan namin ngayon pero hindi ko siya mahanap.

"You can now proceed to your doorms students." sa pagkakataong ito ang secretary naman ng Head superior ang nagsalita.

"Hayst salamat naman." napabuga ako ng hangin. Nagsimula ng magsi alisan ang mga Ministers at sina Head superior kasama ang kanyang sekretarya.

"Gusto ko ng maligo. Ang dumi-dumi ko na." reklamo ni Thalia sabay tingin sa damit nito.

"Ako nga rin eh. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ng tubig." sabi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko.

"See you later guys." paalam namin sa ibang sections. Naglalakad na kami ngayon papunta sa aming building.

"My ghad na miss ko na ang kama ko. Kamusta na kaya 'yon? Baka marami ng alikabok at agiw 'yon." sabi ni Katie sabay pa cute.

Tama siya. Maging ako rin ay galak na galak ng makahiga muli sa aking kama. Kahit na dalawang araw lang kami sa maze ay para sa akin ay isang buwan na kaming naroroon. Hayst ang importante ay natapos na ang laro at bumalik na rin ang dati sa lahat.





***

"See you later Austin." paalam sa akin ni Thalia bago siya pumasok sa kanyang dorm.

Nginitian ko na lamang siya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aking dorm. Nang makarating na ako sa harap ng aking kwarto ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa silid. I'm back! sabi ko sa aking isipan ng makapasok na ako. Huminto muna ako ng maisara ko ang pinto ng aking silid. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking silid. Napangiti na lamang ako. Naglakad ako papunta sa banyo. Pinaandar ko ang shower. Kaagad na tumalsik ang malamig na tubig sa akin. Ahhhh...ang sarap sa pakiramdam. Mukhang sabik na sabik na ang aking katawan sa tubig. Matapos kong maligo ay kumain muna ako. Mabuti na lang at may pagkain pang natira sa reef kaya may nakain ako.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon