Chapter 14: St. Achelous Annual Game: Begins

138 12 1
                                    

14. St. Achelous Annual Game: Begins
Austin's POV

This is the day that all of us have been waiting. It's Monday. Araw ng pagsisimula ng St. Achelous annual game. Nandito kami ngayon sa loob ng isang elevator. Masayang nagkukwentuhan ang grupo ko. Mukhang excited na silang lahat sa laro. Nag umpisa ng gumalaw ang elevator, hudyat na umaandar na ito. Tumahimik na ang lahat. Nakasuot kami ng black suit na may logo ng section namin. May bio-technology gun na nakakabit sa aming tagiliran at mga patalim.

*Ting!*

Huminto na ang elevator. Nandito na kami.

"Whooo! Excited na ako." sabi ni Luke sa sobrang galak.

"Tssskkk akala mo naman makakalabas kaagad tayo dito." pagkontra ni Kati sa kanya.

Bumukas na ang elevator. Tumambad sa amin ang mga magtataasang pader ng maze. Yeah, we're here inside the maze. Lumabas na kami sa loob ng elevator at nagsimulang maglakad lakad. Hindi kami makapaniwala sa aming nakikita. Puno ng mga gumagapang na damo anh mga pader. Medyo creepy siya ng kunti.

"A-Austine? How can we get out in this freaki'n maze?" tanong ni Annabeth sa akin. She's right. Malaki ito. Mukhang hindi na ata kami makakalabas sa lugar na ito sa loob lamang ng dalawang araw.

"Okay! let's keep moving sayang ang oras." sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad. Dumaan kami sa left side ng maze. Ilang saglit pa ay muli kaming bumalik kung saan kami unang lumabas kanina. Nyeta naman to oh!

"Aytsss 'nu ba yan. Bumalik lang tayo eh!" reklamo ni Luke na napakamot sa ulo.

"Ulitin natin ulit." mungkahi ni Ethan.

"Tara na guys!" sabi ko sa kanila. Habang kami ay naglalakad ay inilabas ni Annabeth ang kanyang punyal at ginuhitan ang bawat pader na madadaanan namin.

"Ann, anong ginagawa mo?" tanong ni Katie.

"Oh, mahirap ng maligaw, We need to hurry." sagot naman niya.







Clarrise's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng office ko kasama ang iba pang miyembro ng council. Nagsimula na ang Annual game. I put hidden cameras sa bawat logo ng mga head leaders na nakakabit sa dibdib ng kanilang suit para ma obserbahan ko sila and also for their security.

"President? Makakalabas kaya sila sa time frame na ibinigay ng Head superior?" tanong ni Dallas sa akin.

"Mukhang hindi. Dati kapag may ganitong laro nagtatagal ito ng one week kaya nga nagtataka ako kung bakit dalawang araw lang ang annual game this year." paliwanag ko sa kanya.

"Mukhang iba ata ang ikinikilos ng Head superior miss President." sabi naman ni Jamie.

"Yeah, like what Mrs. Buenade said last week." pagsang ayon ni Eric. Mukhang nilalason ata ng Didi na yun ang daddy ko. "I want to talk to him after this game. Akong bahala kay daddy but for now guys I need you all to monitor kung ano na ang kalagayan nila sa loob ng maze." sabi ko bago tumayo.

"Yes president."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Eric.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon