Chapter 29: Unexpected Visitor

94 9 4
                                    

dedicated to Dreamy_Bunny20





---


29. Unexpected Visitors
Austin's POV

Ilang minuto na rin kami ni Thalia na nagkukwentuhan dito sa Terrace ng gym. Kung anu-ano lang ang pinaguusapan namin para hindi siya maboring. Napatingin ako sa kalangitan ng mapansin kong may umiilaw dito. Nanggaling ito doon sa Deamons forest.

"Thal, tingnan mo 'yon." napahinto si Thalia sa pagtawa saka tumingin sa itinuturo ko. Nag iba ang kanyang ekspresyon.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko rin alam." sagot ko.

Apat na pahabang sasakyang pamhimpapawid ang aming nakita. May malalaking elisi ito. Natitiyak kong galing ang mga ito sa mundo ng mga tao. And I'm sure pupunta sila dito. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Nagtago muna kami ni Thalia sa madilim na bahagi ng terrace para manmanan sila. Huminto ang mga ito sa harap ng covered gym. Ilang minuto pa ay may mga taong nakasuot na itim ang bumaba rito. May dala silang mga baril at nakasout ang mga ito ng gas mask.

"Sino ang mga 'yan?" tanong ni Thalia.

"Hindi ko rin alam. I guess they came from mortal world. Tara let's go inside." sabi ko.

Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong pinigilan. "Maybe this is what my father said to me." tila nag aalalang sabi ni Thalia sa akin.

Tatayo na sana kami ng makarinig kami ng putukan at sigawan sa loob ng gym. Nadatnan namin na pinagbabaril na ng mga lalakeng iyon ang mga nandirito sa loob. Napatingin ako sa gawI ng Hrad superior. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha.

"Anong nangyayari?" tanong ni Luke na patakbong lumapit sa amin. Takang-taka siya sa nangyayari.

"Hindi rin namin alam. Nasaan ang tatlo?" tanong ko sa kanila. Sh*t hindi ko sila mahanap.

Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod na putok ng baril. Napuno ng sigawan at tunog ng baril ang buong covered gym.

"Let's go, we better leave." sabi ni Annabeth.

"No, hindi natin sila pwedeng iwan." nagsimula ng magkagulo dito sa loob ng gymnasium.

"Thal, mauna na kayong lumabas. Hahanapin ko lang ang tatlo." sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Oo mag ingat kayo." bilin ko sa kanya saka nagsimulang hanapin ang tatlo. Nasaksihan ko ang pag abo ng katawan ng ibang mga estudyante rito. Nasaan na ba ang tatlong iyon!

Bang! Bang! Bang!

"Umalis na tayo dito!" teka lang. Familiar ang boses na iyon. Kay Kayla 'yon. Nakita ko na sila. Kaagad ko silang pinuntahan.

"Ayos lang kayo?" tanong ko sa kanila.

"Yes we're fine." sagot ni Ethan.

"Austin nasaan sila?" tanong naman ni Katie.

"Pinalabas ko na sila dito. Tayo na." sabi ko saka tumakbo na kami palabas ng gym. Sa likod kami dumaan.

Bang! Isang putok ng baril ang umalingawngaw. Napahinto kaming apat sa aming narinig hindi namin namalayan na may nakapwesto na palang mga armadong lalake dito sa labas. Napalingkn kami kay Ethan ng umubo ito. Hindi! Tumingin siya sa amin saka binigyan kami ng mapait na ngiti. Kasabay nito ay ang pagpatak ng kanyanh luha. Nabaril si Ethan sa kanyang dibdib.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon