Chapter 2: Erebus

1.6K 52 2
                                    

2. Erebus
Thalia's POV

Bzzzzzzztttt! Tunog ng kuryenteng dumadaloy mula sa aking kamay na tumama kay Erebus. Naabutan naming tumilapon si Clovis malapit sa isang bench. Lumingon naman si Erebus sa kinaroroonan namin ni Piper.

"Oohhhh...tingnan nga natin kung sino ang nandirito ngayon. Anak ni Zeus na walang silbi!" sarkastikong wika nito.

Tumakbo naman si Piper sa kinaroroonan ni Clovis at inalalayan itong makatayo.

"Ba't ka nandito sa loob ng academy? Paano ka nakapasok dito Erebus?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang may lumalabas na maliit na boltahe ng kuryente sa aking mga kamay.

"Kapag gusto may paraan, anak ni Zeus." sabi nito sa akin bago ngumisi.
Tumingin ito sa gawi ni Clovis at ni Piper.

"Piper bakit bumalik pa kayo dito? Diba sabi ko sa iyo na ipaalam lang sa kanila ang nangyayari dito? Bakit nandito si Thalia?" tanong ni Clovis kay Piper na iinalalayan ito sa pagtayo.

"Alangan namang pababayaan kita dito." giit naman ni Piper.

"Gusto na rin atang mamatay ng anak ni Zeus hindi ba?" he gave me a death stare. Akala naman niya ay matatablan ako sa mga ganiyan niya. Tsskkk!

"Huwag mo akong madaan-daan sa ganyan matandang imbornal ang amoy!" sigaw ko sa sobrang inis.

"Huwag mo siyang idamay dito Erebus!" saway ni Clovis.

"Ikaw siguro ang umatake kay Lacy, tama ba ako?" sarkastikong tanong ko sa matandang uhugin na ito. Nabigla naman siya sa naging tanong ko.

"Ako ba'y inaakusahan mo sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa!" biglang tumaas ang boses ni Erebus at umitim lalo ang kaniyang mga mata.

Kaagad na may lumabas na maitim na usok sa kaniyang mga kamay at tumama sa akin sanhi para ako'y tumilapon.

"Thalia!" narinig kong sigaw ni Clovis.

Argggh! Bwisit! Napahawak ako sa aking tiyan habang tumatayo. Tumingin ako sa gawi ni Erebus. Nakangisi siya sa akin.

"Piper, tulungan mo si Thalia." narinig kong utos ni Clovis sa kaniya.

Nang makalapit si Piper sa akin ay hinawakan niya ako sa kamay. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa mga palad ni Piper. Lumiwanag ang kaniyang kamay habang ito'y. nakahawak sa akin.

"Tingnan niyo kung paano mamatay ang kaibigan niyo sa aking mga kamay!" napabaling ang atensiyon naming dalawa kay Erebus.

Naputol ang panggagamot na ginagawa sa akin ni Piper ng makita niyang nasa panganib ang buhay ng kanyang kaibigan.

"Clovis! Bitawan mo siya Erebus!" sigaw ni Piper.

Kailangan kong matulungan si Clovis. Pilit kong inilalabas ang kuryente sa aking mga kamay pero hindi ito gumagana. Sa mga oras na ito ay sinasakal na ni Erebus si Clovis.

"Huwag mo ng pilitin ang iyong kapangyarihang lumabas anak ni Zeus dahil pansamantala pa itong natutulog dulot ng aking pag atake sa iyo kanina. Ang dapat mo lang gawin ay pagmasdan habang unti-unti kong hinihigop ang kaluluwa ng inyong kaibigan. Whahahhaha." wika nito sabay pakawala ng malademonyong halakhak.

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon