III - Astral Legends

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi nyo ako sinabihan na pupunta kayo." Palapit na sabi sa amin ni Darren at tinapunan si Hunter ng towel.

"I emailed you." Sabi ni Richard. Tila na nag-isip pa si Darren nang isasagot kay Richard bago tuluyan na nag-salita, "Friday ngayon, right?"

"Nope, it's Monday." Sagot ni Logan. Walang modo silang umupo sa coach na tila parang bahay nila ito.

"Can I borrow something to wear?" Hunter asked. Irita pa rin siya sa dahil ang baho niya ngayon, "And what the hell is this thing?"

"Fish sauce," Darren said, lumapit sa kanya ang tatlong A.I. and compare sa mga mata nila kanina na pulang-pula ngayon ay kulay green na ang mga ito."Nasa kwarto mo pa rin ang mga gamit mo. Malinis naman ang mga iyon dahil nililinis nila." Darren said, he must be pertaining to the robots.

Nagpaalam saglit sa akin si Hunter bago tumuloy sa kaniyang kwarto rito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapasok.

"So, it means hindi ako nakapunta kahapon sa reunion." Darren bluntly said. Umupo na rin ako sa coach sa tabi ni Zeus, natahimik kaming lahat nang biglang pumatong sa ulo ni Zeus si Ice Bear the A.I.

"Oh, nakita niya yung long lost brother niya." Pang-asar na sabi ni Zayn. Tumawa naman si Zach bilang suporta sa kaniyang kakambal.

May chemistry nga si Zeus at Ice bear. Omg.

"So, ano ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong ni Keigo kay Darren. Ilang beses bumuka ang bibig ni Darren ngunit tila hindi niya mahanap ang tamang salita para sa sasabihin niya.

"I can't find the right word..." Darren said.

"So, ano nga?" Umupo sa tabi ko si Hunter habang kinukusot ang kaniyang basang ulo gamit ang towel.

"I made a huge mistake. What I mean— hindi ko talaga alam ang nangyari, but I think kasalanan ko 'yun."

"Magulo," Zeus said.

"Tell us what happened," Maddie said. Bumuntong-hininga si Darren, frustration is written all over his face.

"Someone hacked my system. I don't know how they or he did it. Sobrang impossible kasi, last Thursday I saw how disarray my codes are. May nagooverwrite sa bagong laro na ginawa ko, hindi ko rin macounter lahat ng mga codes na binabato niya sa akin."

"Bakit hindi ko ako sinabihan?" May bahid na inis na tanong ni Richard kay Darren.

"Dude, hinack nga niya lahat. I can't even control anything pero hinahamon niya ako sa batuhan ng mga codes."

"Wait, anong pangalan nung laro?" Tanong ni Thalia.

"Astral Legends," Darren answered.

"Then, alam mo ang tungkol sa box na 'to?" Clover asked. Pinakita niya ang box na nabuksan namin kahapon, mabilis na umiling si Darren.

"Fuck, no. Ano ba 'yan?" Darren asked, sasagot pa sana si Clover pero biglang may kinuha si Darren at nilapag sa table sa aming harap."But, nakatanggap ako nito." tumingin silang lahat sa akin kaya napangiwi ako.

It was the same contact lens na nakuha naming lahat. Nilabas nilang lahat ang mga box nila dahilan para tumingin si Darren sa akin na may halong kuryosidad.

"Wala ka?" Darren asked me. I pouted at umiwas nang tingin.

"She's actually wearing it," Hallie said.

"Gago, excited ka?" Tanong sa akin ni Darren.

"Yes. Hindi ko nga matanggal e." Sabi ko. Sinamaan niya ako nang tingin at humarap sa iba.

"Niloloko niya ba ako? Wala naman e." Sabi ni Darren.

"Meron! Anyways, ano namang trip mo at ganitong laro ang ginawa mo? Masyadong real na real na naman—"

"Sinasabi mo, Scarlett? Ang Astral Legends is for V.R. Goggles din." Pagputol niya sa sinasabi ko.

"No way. You see, kapag nag-swipe ako sa hangin may nalabas na screen sa harap ko. Para siyang sa Danima minus na lang na sa phone 'yun." Sabi ko.

"Seryoso ka ba?" Austin asked.

"Yes. Simula noong sinuot ko yung contact lens lumalabas na yung screen e." Sagot ko.

Saglit nila akong tinitigang lahat. Alam kong naniniwala sila sa akin dahil hindi na impossible ito.

"Wait... Hindi ko pa nasasabi sainyo kung sino yung nag-overwrite ng codes ko. And I know, Scarlett won't lie." Darren said in a severe tone, "That group or person must be really genius para igaya ang Astral Legends sa Danima."

"Actually, it is connected. My past username is—"

"I know, Zach. Nakita ko rin kaya gamit ko ulit yung username ko," Darren said.

"So, sino?" Travis asked.

"After our battle may nag-popped sa lahat ng computer screen ko. Isang codename." Sabi ni Darren saka lumingon sa akin, "If Scarlett is Amethyst, that person is Hyazinth."

Saglit kaming tumahimik lahat, nagaantay pa sa susunod na sasabihin ni Darren.

"Hyazinth, the bloody Zircon."

#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon