Chapter 23

13 1 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 23: Tanong

Pinangakuan ako ni @aynowibriting na siya mismo ang lalapit at magsasabi sa akin ng katotohanang mabubunyag pa lang.

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa sagot ko sina Alli at Ryle dahil ang mga mata nila ay hindi pa rin natatanggal sa pagkakatingin sa akin.

Ayokong maiwang mag-isa sa bahay na 'to kaya I decided...

"Sige, sasama ako." tugon ko sa kanilang dalawa.

"Sumunod ka na sa amin sa labas." utos ni Ryle na nagpatayo sa akin.

Sumunod ako sa kanila hanggang makarating kami sa labas ng bahay nila.

Si Rogelio, Baldo, at Dessalyn ay mukhang handa na dahil sa suot nila.

Tiningnan ako ni Baldo.

Makalipas ang ilang segundo ay lumapit siya sa akin at sinabing...

"Bakit ganyan yung suot mo?" pagtatanong niya sa akin.

Napatingin ako sa suot ko...

Nakawhite t-shirt ako at nakashorts.

"Wala namang masama sa suot ko ya! Ano bang pakielam mo sa akin?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

"Ryle! Kunin mo yung isa ko pang longsleeves saka jogging pants sa Cabinet ko. Kunin mo rin yung isa kong sumbrero. Ibigay mo dito kay Lods." pahiyaw na utos ni Baldo sa kaniyang pinsan.

Lods? Anong ibig niyang sabihin?

Nasa loob ng bahay sina Alli at Ryle ngayon...

Mukhang nagpapalit sila ng suot.

Muling itinuon ni Baldo sa akin ang kaniyang paningin.

"Suutin mo yung ibibigay sayo ni Insan... Madamo sa bukid, mangangati ka." sambit niya saka sinimulan na ang paglalakad palayo sa akin.

Para akong tanga na napangiti bigla dahil sa narinig kong sinabi niya kanina.

Lumabas si Ryle at inabot sa akin ang mga damit na hawak niya.

Ipinatong ko ang mga ito sa suot kong damit.

Kahit malaki sa akin... Mabango ang amoy nito.

Mukhang si Baldo ang may-ari ng mga damit na suot ko ngayon...

Wala pang isang araw na nakakasama ko siya subalit kapag nakikita ko siya ay laging oversized ang kaniyang suot na damit.

Sinundan ko ng tingin si Baldo na may dalang malaking plastic ngayon.

Matikas siya...

Bigla akong natauhan nang mapansin si Dessalyn na kasalukuyang naglalakad patungo sa direksyon ko.

Nakatitig siya sa akin habang ang dalawa niyang kilay ay nakataas.

Stranded |ONGOING| boyxboyWhere stories live. Discover now