Chapter 7

35 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 7: Seen

"Teo?" pagtatanong ko sa isang lalaking mata na lang ang kita sa kaniya dahil sinuot niya ang facemask na alam kong hinubad niya kanina nung hinalikan niya ako.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa mga mata ko.

Makalipas ng ilang segundo ay tumakbo siya papalayo sa akin.

Kasalukuyang nakatingin sa akin ang mga taong nakakita sa ginawa sa akin ng isang lalaki kanina.

May ilan na kinuhanan ako ng litrato at mukhang ikinalat na ito sa iba't-ibang social media account nila.

Nang umagaw sa aking pansin ang facemask na nasa sahig ngayon ay bigla ko itong kinuha at matapos ipagpag ay sinuot ko na ito saka ako tumakbo papalayo habang tinatakpan ko ang aking mukha.

May panibagong kahihiyan na naman akong haharapin.

Tumakbo akong balisa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabunggo ako ng isang nakatalikod na babae.

"Sorry." wika ko sa kaniya saka tinuloy ko ang aking pagtakbo subalit hindi ito natuloy nung ako'y hawakan niya ng mahigpit.

"Kennedy? Ano bang nangyayari sayo? Bakit mukhang may tinatakbuhan ka?" pagtatanong sa akin ni Alli na ngayon ko lang napansin na siya pala ang nabunggo ko kanina.

Ano kayang ginagawa rito ng babaeng 'to?

"Ikaw lang pala 'yan. May lalaking nanghalik sa akin kanina at alam ko na kinuhanan ako ng litrato ng mga taong nakakita non kaya tumakbo kagad ako."  pagkukwento ko kay Alli.

"Nakilala mo ba kung sino yung gumawa sayo non?" pagtatanong niya sa akin.

"Hindi e pero sapalagay ko... si Teo yun. Nung tinitigan niya yung mga mata ko ay napansin ko na mata ni Teo yun. Hindi ako nagkakamali, mata ni Teo 'yon." tugon ko.

"Naalala mo ba yung suot niyang damit?" pagtatanong sa akin ni Alli.

"Oo. Nakakulay puti siyang damit at nakapantalon. Nakafacemask din siya kaya hindi ko gaanong nakita yung mukha. Hinubad lang niya yung facemask niya nung hinalikan niya ako." paglalahad ko.

"Baka si Teo nga yun, mukhang mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Hinalikan ka siguro niya dahil gusto niya ng makipagbalikan sayo." wika ni Alli.

"Kilala ko si Teo. Hindi niya ako hahalikan dahil nirerespeto niya ako."  sambit ko kay Alli.

"Marespeto... Kaya pala may bagong girlfriend ngayon at mukhang may nangyari na sa kanila." dagdag ni Alli na nagdulot sa akin upang madagdagan ang iniisip ko ngayon.

Nakasimangot akong tumingin sa mga mata ni Alli.

"Ewan ko sayo. Kamusta na ba yung nararamdaman mo? May sinabi bang hindi maganda sayo yung Dad mo?" interesadong tanong niya sa akin.

"Huwag muna nating pag-usapan ngayon... please." pagmamakaawang sambit ko sa kaniya.

"Ok." maikling tugon niya.

Ramdam ko na pinagagaan lang ni Alli ang sitwasyon...

Alam ko na nasasaktan siya dahil sa akin ngayon...

Ramdam ko na iniisip niya ang mga nangyari nung umuwi ako sa bahay kanina.

"Teka nga... Bakit ka ba nandito?" pagtatanong ko kay Alli upang ibahin ang usapan at ng sa ganoon ay mawala sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Stranded |ONGOING| boyxboyWhere stories live. Discover now