Chapter 11

25 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 11: Balikan

Tumingin ako kay Alli upang humingi ng opinyon sa kaniya tungkol sa gustong mangyari ni Teo.

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Don't be scared of him, go kick his ass." bigkas ni Alli upang bigyan ako ng lakas ng loob na makipag-usap kay Teo.

"Samahan mo kami sa loob. Sumama ka samin sa pagkain." sambit ko kay Teo habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang mga mata niya dahil yung mga mata na 'yon ang minahal ko noon...

Na mukhang hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

"Good Day! Ma'am and Sir, welcome to Emerald Cafe where love overflows." bigkas ng isang staff ng Cafe na kinaroroonan namin ngayon.

He greeted us with a smile, a smile where love obviously overflows.

Sana all!

Tiningnan ako ni Teo sa hindi ko malamang dahilan.

Umupo na kaming tatlo sa iisang lamesa.

Katabi ko si Alli samantalang si Teo ay umupo sa tapat ko.

Nag-umpisa na kaming umorder.

"Honey Garlic Chicken yung sa akin." wika ni Teo sa waiter na kaharap namin ngayon.

"How about you? Kennedy?" pagtatanong niya sa akin.

"Tulad na lang ng iyo." wika ko.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Teo dahil yung Honey Garlic Chicken yung lagi naming inoorder sa kahit anong restaurant or cafe na pinupuntahan naming dalawa.

"Ay... Sige, Honey Garlic Chicken na lang din yung akin." sabat na bigkas ni Alli.

"Drinks po?" pagtatanong ng waiter.

"Yung pinakamahal na drinks yung ibigay mo sa amin." tugon ni Teo sa waiter.

Umalis na ang waiter at habang naghihintay kami sa pagkain ay...

"Teo? Ano na bang ganap sayo? Almost 1 week ka ring hindi pumasok." pagtatanong ni Alli kay Teo.

Oo, tama ka...

Kaklase namin si Teo at siya talaga ang seatmate ko.

"May inasikaso lang kami ni Dad. Nagpaalam naman ako sa teachers natin kaya ayon... Sabay-sabay yung tinetake ko na exam." bigkas ni Teo.

"Ah... Sabay-sabay." sambit ni Alli na mukhang may gustong iparating.

"Ang hirap ng sabay-sabay no?" pagtatanong ko kay Teo.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yung mga binitiwan ko sa kaniya basta't alam ko ay kusa na lang itong lumabas sa bibig ko.

Stranded |ONGOING| boyxboyOn viuen les histories. Descobreix ara