Chapter 13

34 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 13: Realidad

"Matteo Tan Sebastian." sambit ni Ma'am na labag sa akin.

Malapit na akong makamove-on kay Teo pero bakit hanggang ngayon ay inilalapit pa rin siya sa akin ng tadhana?

Puta naman o!

"Bakit mukhang shocked ka sa narinig mo Mr. Reyes?" pagtatanong sa akin ni Ma'am na nagdulot sa akin upang ibahin ang estado ng mukha ko ngayon.

"Mukhang... Hindi naman po nagulat... Mukhang nagustuhan nga po niya yung narinig niya mula sa inyo." sabat na bigkas ni Katrina na agad namang pinuna ni Ma'am.

Tumahimik siya at hindi na muling nagsalita.

"May problema ba?" pagtatanong sa akin ni Ma'am habang nakataas ang kaniyang kilay.

"Wala po." tugon ko sa kaniya.

Makalipas ng ilang minutong pagpepair ay dinismiss niya na kami.

Wala na kaming susunod na klase ngayong araw kaya uuwi na lang siguro kami ni Alli dahil wala naman ng gagawin pa mamaya, magrereview lang ulit.

Nilapitan ako ni Alli.

"Paano na yung trip to Eros City natin?" pagtatanong niya sa akin.

"Ano ba yung mas mahalaga? Yung gala natin o yung project?" tanong ko habang nakatingin kay Alli.

"Yung project syempre." wika niya.

"Ayon naman pala. May next week pa para pumunta sa Eros City. Next week na lang." sambit ko sa kaniya.

Napangiti si Alli kaya ako'y...

Napatingin sa kaniya ng may pagtataka.

"Ano yung nginingiti-ngiti mo diyan? pagtatanong ko sa kaniya.

"Don't pretend. Alam mo yung dahilan ng pagngisi ko." tugon niya na nagdulot sa akin upang lalong maguluhan sa kaniya.

"Ano nga?" asar na tanong ko.

"Mukhang gusto mo na ulit makipagbalikan kay Teo a. Mukhang umaatras ka na sa balak mong magpakalayo-layo. Kahit hindi mo sabihin sa akin yung dahilan ng kagustuhan mong makapunta sa ibang lugar, alam ko yung rason mo. I know you, Kennedy." tugon niya sa sinabi ko.

Am I too obvious?

Napansin kong papalapit sa amin si Teo kung kaya't...

"Alli. Tara na. Umuwi na tayo." pag-aaya ko kay Alli.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at hinila si Alli palabas.

Pilit kong itinutuon yung atensyon niya sa labas...

Ayokong mahalata niya na si Teo ang dahilan ng kagustuhan kong pag-uwi.

"Wait." bigkas ni Teo sabay hawak sa braso ko.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung kiliti kapag hinahawakan niya ako.

Stranded |ONGOING| boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon