Chapter 6

44 3 0
                                    

Alliyah Valdez' Point of View

Chapter 6: Open

"Alli? Ano pang hinihintay mo diyan? Halika na dito. Kakain na tayo." sambit ni Mom habang nakatingin sa akin kung saan ako ay kasalukuyang nakaharap sa bintana ng kusina namin na may malalim na iniisip.

"Nagluto ako ng Menudo, yung favorite mo. Tara na dito, huwag mo akong hintaying pumunta diyan para lang ayain ka dahil malapit ka lang naman sa table natin." dagdag na wika ni Mom na sinunod ko na.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina kay Kennedy...

Awang-awa ako sa kaniya dahil alam ko na maraming masasakit na salita ang pwedeng masabi sa kaniya ng Dad niya.

Hindi ko masisisi si Kennedy sa nangyari dahil nagmahal lang siya...

Nagmahal lang siya na hindi niya napansin na sa pagmamahal na 'yon ay may napabayaan siya.

First boyfriend niya kasi si Teo at kay Teo lang niya naramdaman ang pagmamahal na hindi na niya natanggap sa Dad niya nung siya'y magHigh School.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin ni Kennedy ang rason kung bakit nag-iba ang pakikitungo sa kaniya ng Dad niya dahil hindi naman ganon dati si Tito Alfredo sa kaniya, ang totoo niyan ay sobrang sweet nila sa isa't-isa.

Mukhang nakahalata na siguro si Tito Alfredo sa tunay na pagkatao ni Kennedy kaya naging malamig siya sa kaniyang anak...

Mukhang ayaw kasi ni Tito Alfredo na masira at mapahiya siya dahil sa pagkatao ng anak niya sa mga tao lalo na't hindi pa open ang society dito sa Pilipinas tungkol sa LGBT Community.

Maaaring hindi na siya lumalapit ng madalas sa anak niya para siguro maisip ni Kennedy na nakakahalata na siya at gusto niyang marealize ni Kennedy ang kahalagahan ng apelyido na meron siya.

Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na si Dad dito sa kusina at nakisalo na sa amin sa pagkain.

"Alliyah? Kamusta ka na?" pagtatanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at...

"Ayos naman po." tugon ko kay Dad.

"Hindi maayos ang pakiramdam mo. Alam ko na may gumugulo at bumabagabag sa isip mo ngayon. Magkwento ka sa amin ng Mom mo, makikinig kami." wika ni Dad habang nakatingin sa akin.

"Kanina ko pa napapansin na iba yung kilos mo ngayong araw. Hindi ganyan si Alli. Ano ba yung iniisip mo? Magkwento ka na sa amin." sambit ni Mom.

"Naaawa po ako kay Kennedy dahil mukhang pinagagalitan po siya ngayon ng Dad niya dahil alam ko po na kahit ipinagtanggol siya ng Dad niya sa Twitter tungkol sa tweet ni Kat na may kinalaman kay Kennedy ay may masasabi pa rin si Tito Alfredo na hindi maganda kay Kennedy." pagkukwento ko samantalang ang parents ko ay nakikinig lang sa akin.

"Marami pong pinagdadaanan si Kennedy ngayon at natatakot ako na baka hindi na niya kayanin ang lahat." dagdag na paglalahad ko.

"Dapat hindi ka na muna umuwi ngayon, nagtext ka na lang dapat sa amin ng Daddy mo na hindi ka sasabay sa amin maglunch dahil mas kailangan ka ng kaibigan mo ngayon." bigkas ni Mom na nagdulot sa akin upang mapangiti dahil base sa sinabi niya ay nakita ko na pinahahalagahan din niya si Kennedy tulad ko.

"Minsan lang po kasi tayo kumain ng sabay-sabay." wika ko habang nakatingin kay Mom.

"Alli. Tumingin ka sa akin." pag-uutos ni Dad na nagdulot sa akin upang maguluhan.

Stranded |ONGOING| boyxboyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα