Chapter 17

20 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 17: Roadtrip

"Kay Rogelio ako sasabay. Tutal... kotse ko naman yun." tugon ko sa tanong ni Rylee.

"Sure ka na?" pagtatanong niya sa akin.

Magsasalita na sana ako ng...

"Sigurado ka ba? Aminin mo na kasi...  Nahihiya kang sumama sa amin dahil nandito ako... Nandito yung taong pinagpapantasiyahan mo." pang-aasar na bigkas ni Baldo.

"Asa ka!" inis na banggit ko habang nakatingin sa kaniya.

He looks perfect subalit may dimonyo siyang pagkatao.

Patalikod na ako ng...

"Uy. Teka lang... Aalis ka na? Iiwan mo na ako? Dito ka na sa akin. Please..." pagmamakaawa niya habang nagpapuppy-eyes sa akin.

"Tumigil ka nga. Para kang taong askal." asar na sambit ko sa kaniya.

"Atleast love mo... Love mo ako no?"nagpapabebeng tanong niya sa akin.

Ang kapal nga naman ng mukha.

Hindi bagay sa kaniya...

Masculado siyang tao, lalaking-lalaki ang itsura tapos parang malambot na ruler.

Hindi ako magkakagusto sa kagaya niyang may dimonyong pagkatao.

Hindi nagmamatter ang looks kung walang magandang personality.

"Sana ok ka lang." wika ko habang naaasar pa rin sa kaniya.

"Oks lang ako." mabilisang sambit niya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig ng mga mata niya sa akin.

"Ay! Hindi pala ako ok... Dahil may lungkot sa mga mata mo. Dito ka na sa akin, pasasayahin kita." dagdag na bigkas niya na lalong nagpainit sa ulo ko.

"Eh?" pamimilosopong tanong ko sa kaniya.

"Ehlebyu." sambit niya.

Hindi ko siya pinansin...

Pumunta na lang ako sa kotse ko.

"Ayos na ba 'yan?" pagtatanong ko kay Rogelio.

"Ayos na po. Sir Kennedy... Pumasok ka na sa loob para hindi ka mainitan."
sambit niya sa akin.

Biglang pumreno ng malakas si Baldo.

Napatingin ako sa kaniya saka ko inirapan.

Inirapan na nga siya... Wagas na ngiti pa rin yung tinugon sa akin.

Wala pa man ako sa Eros ay gusto ko ng magpakalayo-layo sa kaniya.

Kung hindi lang dahil kay Mom... Hindi ako matutuloy na umalis.

Sinunod ko ang sinabi ni Rogelio kung kaya't nasa loob na ako ng sasakyan ngayon.

"Ayos na!" masayang wika ni Rogelio matapos pumasok sa loob ng sasakyan.

Inumpisahan na niya ang pagdadrive...

Nasa unahan namin sila Alli.

"Sir Kennedy... Nasabi na sa amin ni Alliyah yung tungkol sa rason ng pagpunta mo sa Eros City. Handa ka naming tulungan nila Rylee." sambit ni Rogelio habang ang atensyon ay nasa daan lang.

Ayos na sakin yun...

Ayos na sakin na malaman ng iba yung katotohanan dahil dun din naman mauuwi ang mga yun e.

Stranded |ONGOING| boyxboyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ