Chapter 8

35 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 8: True Lover

"Si Katrina ba 'yon?" pagtatanong sa akin ni Alli.

Oo, si Katrina yon...

Ang former girlfriend ni Teo na mukhang binalikan niya.

"Ayoko na rito. Umalis na tayo." tanging mga salitang nasabi ko dahil sinaksak ng mga nakita ko ang aking puso.

I am so damn hurt right now and I can't do anything just to watch him being happy with someone else.

Nung mga nakalipas na araw ay punong-puno pa rin ng pag-asa yung puso ko na magbabalikan kami subalit sa ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat...

Luminaw dahil sa nakita kong patunay na hindi talaga ako minahal ni Teo dahil kung minahal niya ako ay hindi ganon kabilis para sa kaniya na humanap ng kapalit sa akin.

Tumakbo ako papalayo dahil nasaktan ako sa nakita kong pag-akbay ni Teo kay Katrina.

Sa dinami-dami ng pwede niyang jowain ay bakit si Katrina pa na ex niya,  bakit si Katrina pa na sa lahat ng bagay ay kaagaw ko?

Hindi ko pinigilan ang sarili ko na umiyak at masaktan...

Hinayaan ko ang sarili ko na lumabas ng mall habang punong-puno ng saksak ang puso ko.

Hinanap ko ang kotse ko at nung makita ko siya sa parking area ng mall ay agad akong pumasok sa loob para ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko.

"Tanginang buhay 'to." pahiyaw na wika ko habang patuloy pa ring umaagos sa mga mata ko ang luhang dulot ni Teo.

"Sir? Buksan niyo po yung pinto." bigkas ni Rogelio na nakadungaw sa salamin ng kotse ko ngayon.

Binuksan ko ang pintuan at hinayaan siyang makapasok.

Hindi na ako nagtapang-tapangan na huwag ipakita sa ibang tao na nasasaktan ako.

I can't hide what I feel right now.

"Hindi mo naman po kailangang umiyak dahil sa kaniya." sambit ni Rogelio matapos tumabi sa akin.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya saka pinunasan ang pisngi ko.

"Kailangan ko lang mamatay? Ganon ba 'yon? Kailangan ko bang mamatay para mawala na lahat ng sakit na 'to? Tangina... Problemado na nga ako sa buhay ko tapos pati yung taong mahal na mahal ko... Pinoproblema ko pa ngayon." gigil na tanong ko kay Rogelio.

"Huwag kang umakto Rogelio na parang ang galing-galing mo sa pag-ibig samantalang hindi ka pa naman nagmamahal." galit na bigkas ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Rogelio.

Wala pa ring tigil sa pagpatak ang luhang nilalabas ng mga mata ko.

"Makinig po kayo sa sasabihin ko." mahinahong sambit ni Rogelio na hindi man lang nasaktan sa mga sinabi ko sa kaniya kanina.

Hindi ako nagsalita at itinuloy lang ang pag-iyak.

"Isang araw nung may napanood akong isang pelikula ay may eksena ron na paulit-ulit na hinampas ng Doctor yung pwet ng bata dahil hindi ito umiiyak o nagrerespond nung isinilang siya ng kaniyang ina. Nagalit yung Tatay ng bata at sinabi sa Doctor na maawa po kayo sa anak ko, huwag niyo na po siyang hampasin. Sumagot ang Doctor at sinabing kailangan po niyang masaktan para malaman natin na buhay siya." pagkukwento ni Rogelio.

Stranded |ONGOING| boyxboyWhere stories live. Discover now