Chapter 14

24 3 0
                                    

Kennedy Reyes' Point of View

Chapter 14: Rason

Ipinark ni Rogelio ang kotse sa gawing gilid ng daan at mukhang inayos ito.

Pinanood ko ang mga ginawa niya sa sasakyan kong si Te...

Self? Ano ba? Kalimutan mo na siya, please.

Pagkayaring magkumpuni, agad naman siyang pumasok sa loob.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko kay Rogelio.

"Huwag niyo na pong alamin. Ayos na po... Nagkaroon lang ng konting problema." tugon niya sa akin saka muling pinaandar ang sasakyan.

Muli kong binuksan ang aking phone upang tingnan ang naudlot kong basahin.

Kahit anong paghahanap ko sa Tweet na 'yon ay wala akong nakita dahil mukhang dinelete na ito ng may-ari ng account...

Maging ang replies at retweets ay nawala na rin.

Nagpunta ako sa profile ni @anonymous subalit nalungkot ako ng makitang nagdeactivate na siya ng account.

Nakatanggap ako ng direct message kay...

@aynowibriting:

     You wanna know details about the death of your Mom? Wait for my message until this night. I'll tell you everything I know.

Ano yung alam niya na wala sa bokabularyo ko?

Totoo ba yung nabasa ko na si Dad ang pumatay kay Mom?

Kung totoo man 'yon... Ipaghihiganti ko siya laban kay Dad.

Ano yung rason ni Dad kung bakit niya nagawa yung krimen na 'yon?

Bakit yung Mommy ko pa yung pinatay niya samantalang asawa naman niya si Mom?

Lalong nag-alab ang utak ko na lumayo kay Dad at huwag na muling magpakita sa kaniya.

I received a call from him and I refused to answer the call.

Blinock ko ang number niya at idinelete ito sa Contacts ko.

Nang makauwi na kami ni Rogelio sa bahay nila Alli ay agad akong bumaba ng sasakyan dahil umagaw sa aking pansin ang isang gwapo, moreno, matipuno at matangkad na lalaki...

Nakatopless siya kung saan ang abs at muscles niya ay nagmumura sa laki at ganda.

Lumapit siya sa akin at sinabing...

"Huwag mo akong pagpantasiyahan." mahinang sambit niya habang nakaharap ang mukha sa akin.

Tulad ni Teo... singkit ang mga mata niya subalit may pasa siya sa kaliwang bahagi ng kaniyang pisngi.

Basag-ulo siguro.

"Hindi ako katulad ng iba na bayarang lalaki." dagdag na wika niya na nagdulot sa akin upang masampal siya.

Stranded |ONGOING| boyxboyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora