Probinsyana 67

1.3K 18 3
                                    

3rd Person's POV

"MA!!" sigaw ni Sandro nang mabaril si Sarah(Mama ni Sandro and Seery?)

Nang bumagsak si Sarah, sinalo siya ni Seery at napaluhod.. At pagkatapos sunod sunod ang pagputok ng baril at hindi napigilan ni Seery na umiyak hawak hawak ang Mama niya.

Habang hindi naman makalapit yung iba dahil nagpuputukan pa.

"Anak.. Ayos ka lang ba?" tanong ni Sarah.

"Ano pong ginagawa niyo dito? Hindi ba nasa ibang bansa kayo?" tanong ni Seery habang humahagulgol.

"Tinawagan ako ng kaibigan ko.. Sinabi niya na may balak daw ang Mama ni Martin.. Kaya nagmadali ako bumalik dito kahapon.. Ugh-! Mukhang ito nga yung balak niya." sagot ni Sarah habang pinipigilan ang sakit nang sugat niya.

"Ang daming namamatay dahil sakin, ang daming nasasaktan.. Sana hindi nalang kayo bumalik, edi sana hindi kayo nabaril!" sabi ni Seery habang patuloy na umiiyak.

"Ang mahalaga hindi ka nasaktan.. Ugh!" sabi ni Sarah at sumuka ng dugo, umiyak si Seery ng sobra sobra at niyakap ang Mama niya nang mahigpit.

Maya-maya biglang tumigil ang putukan at nagsilabasan lahat ng mga tao ni James, nang mabaeil na lahat ng tao nung matandang babae, nagsilapitan sila kay Seery. "Tumawag kayk ng ambulansya!" sigaw ni Sandro.

"Tumawag na ko kanina! Parating na sila!" sabi ni Darius at biglang tinutukan nang matandang babae si Seery.

"Tumigil ka na! Hindi ka pa ba susuko wala na mga tauhan mo!" sigaw ni Zyro.

"Sige! Titigil ako! Pero hindi ako makukulong kasama yung babaeng yan!" sigaw nung matandang babae.

Napansin nilang tumigil si Seery umiyak habang nananahimik si Seery biglang inagaw ni Mike yung baril sa matandang babae at tumulong rin si Sandro at Raj.

"Andyan na yung ambulansya bilis!" sabi ni James at binuhat si Sarah papunta sa ambulansya, "Seery halika na!" sabi ni Darius pero gumalaw si Seery.

"Seery halika na.. " sabi naman ni John kasama sina Jake at Justin.

"Ikaw." kinilabutan sila sa narinig nilang sinabi ni Seery dahil sa napakalamig na tono.

"Sir kailangan na po namin umalis!" sabi nung babae na nasa ambulansya kay Sandro.

"Tara na!" sabi ni Sandro at umalis na ang ambulansya.

"Seery pano yung Mama mo?" tanong ni James pero hindi siya pinansin ni Seery.

"Sa ginawa mo, wala tayong pinagkaiba." sabi ni Seery sa malamig na tono.. Nagulat silang lahat sa sinabi ni Seery.

Anong ibig niyang sabihin? -Darius

Ry.. -John

Hindi niya alam ang sinasabi niya. -James

Nag-iba siya bigla -Andro

Galit na galit siya -Mike

Nanlambot ang mga tuhod nung matandang babae kaya binitawan siya ni Mike at Andro, habang tinititigan nila si Seery na naglalakad na para bang walang wala sa sarili niya.

Kaya tinamaan ni Raj si Seery sa batok para mawalan ng malay. "Pumunta na tayo nang ospital." sabi ni Zyro kaya sumakay na sila Mike, Sandro, Raj at John sa kotse ni Zyro habang naiwan naman sina James, John, Jake at Justin.

"Parating na po yung mga pulis." sabi nung isa sa mga tauhan ni James.

"Heh.. Makakasama ko siya sa kulungan!" sigaw nung matandang babae.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now