Probinsyana 55

319 8 0
                                    

3rd Person's POV

Pagpasok ni Seery sa loob, wala siyang iba na ginawa kundi makipag-laro sa aso. Hindi niya ginalaw ang cellphone niya at nakipag-laro lang talaga sa aso.

"Hmmmmm... Ano muna kayang itatawag ko sayo?" tanong ni Seery sa aso.

Nakita niya yung collar ng aso at, "emy?" basa ni Seery.

"Arf!" tahol naman nung aso. "Ahh.. Emy pala pangalan mo ahh.. Sino kaya nagmamay-ari sayo? Bakit ka iniwan dun?" tanong ni Seery pero humilata nalang yung aso sa sofa na para bang nalulungkot.

"Ang cute mo, di bali, ibabalik nalang kita pag hinanap ka na." sabi ni Seery at nakipaglaro nalang ulit dun sa aso.

....
....
....
....
....
....

"Seeryyy.... Nakauwi na ko." sabi ni Sandro papasok sa unit.

Napansin ni Sandro na walang sumagot, at napansin din yun nang iba, kaya sumilip agad sila. "Seery??" tawag ulit ni Sandro pero walang sumagot.

Tinignan ni Sandro ang kwarto ni Seery pero wala siya dun, "san kaya nagpunta yun?" tanong ni Sandro.

"Magbihis na kayo dunnnnnn..." sabi ni sandro at pinalabas sila.

"Arf!"

"Ano yun?" tumakbo agad si Sandro sa kwarto niya dahil dun niya narinig yung tahol nang aso.

Pagbukas ni sandro nakita niya si Seery na natutulog sa kama niya yakap yakap yung aso. "San naman kaya nanggaling ang asong toh?" tanong ni Sandro.

"Arf! Arf!" tahol ulit ng aso. "Emmy..." sabi ni Seery habang tulog at niyakap yung aso. Nanahimik yung aso at natulog.

"Hayyss.. Seery.." tawag ni Sandro.

"oh?" sagot ni Seery.

"Kumain k n?" tanong ni Sandro. Tumango naman si Seery, na pangit si Sandro ng bigla niyang narinig na kumulo ang tiyan ni Seery.

"Kay Seery ba yun? O sa aso?" tanong ni Sandro. Hindi niya na pinansin at nagluto na..

"Emy.." tawag ni Seery dahil ginigising siya nung aso.

Bumangon na si Seery at may naamoy na pagkain, "Hm? Nakatulog pala ko sa kwarto ni Kuya.." sabi ni Seery at lumabas na, saka sumunod yung aso.

"Oh! Kuya.. Andito ka na pala.. Sorry.. Nakatulog ako.." sabi ni Seery.

"Ayus lang, mukha ngang napagod ka ehh.. San mo pala nakuha yung aso? Binigay ba yan sayo?" tanong ni Sandro.

"Kuya. May ikukwento ako sayo, nangyari kanina." sabi ni Seery.

"Ano yun?" tanong ni Sandro.

Baka mag-alala lang si Kuya.. Sasabihin ko ba? -Seery

"Seery... Ano yun?" tanong ulit ni Sandro.

"Ahh.. Kanina nasa playground ako na parang park, sobrang ganda dun, wala nga lang masyadong tao, tapos nilapitan ako ni Emy at yun! Haha.. Sinundan niya ko pauwi kaya kinuha ko muna siya." sabi ni Seery at hindi na kinwento yung tungkol sa nangyari tungkol sa matandang babae.

"Ahh.. Okay lang naman kung dito muna siya.. Pero ibabalik ko kung sakaling may naghanap ahh.." sabi ni Sandro.

"Opo." sagot naman ni Seery, "kuya wait lang ahh.." sabi ni Seery at saka kinuha yung cellphone niya at pumunta ng rooftop, sumunod naman yung aso sakaniya.

*Ring... Ring...*

"Hello, Ry?" sagot ni Yara.

"Hi Yara.. Umm.. Nakauwi na ba si Mama?" Tanong ni Seery.

The ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon