Probinsyana 38

473 12 0
                                    

3rd Person's POV

Alas tres na ng umaga ng makarating na sa condo silang magtotropa. "Gising na, andito na tayo." sabi ni Zyro habang ginigising sina Raj na nakapatong ang ulo kay Yara at nakapatong rin ang ulo ni Seery kay Yara.

"Seery, seery..." sabi ni Yara habang tinatapik si Seery para magising. "Hm?" tanong ni Yara. "And2 na tau, gumising ka na." sabi ni Yara kaya tumayo na si Seery, medyo tulog pa si Seery, kaya nung binuksan ni Darius yung pintuan malapit kay Seery...

"Uh!" biglang nasabi ni Darius, dahil nang pagbukas niya ng pinto malapit kay Seery, biglang nahulog si Seery kay Darius, at buti nalang at nasalo ni Darius.

"S-seery..." tawag ni Yara na para bang nag-aalala. "Ayus lang, dadalhin ko nalang siya sa kwarto niya." sabi ni Darius. Madilim na sa daan, sama-sama silang nasa elevator na dala-dala ang mga gamit nila.

Pagbukas ng elevator, biglang bumunyag ang mga T-Boys sakanila. "Hehe... Alam niyo bang kanina pa kami naghihintay sainyo?" sabi nung isa sakanilang TBoys habang tinutukan sila ng patalim. 

Hindi na sila nagsalita at pumasok nalang ang TBoys sa elevator. "Anong kailangan niyo?" Tanong ni Darius na para bang nag-iinit na. "Siya ba yan? Ganda  ganda naman..." sabi nung isa naman sa TBoys. 

Inabot agad ni Darius kay Sandro si Seery, "sila ba yun?" bulong ni Yara kay Raj, tumango si Raj at nanginig na sa galit. "Lambot naman..." sabi ni Seery habang natutulog saka niyakap ng mahigpit si Sandro.

Napatingin si Andro sa mga numero at nakitang malapit na sila sa Ground Floor, nakita niyang nasa 15th floor na sila, kaya habang nasa gilid, napansin agad ni Sandro at Raj ang gagawin niya, nag-silbing harang o takip silang dalawa, at bigla namang umupo si Andro at pinahinaan ang brightness ng cellphone niya.

Tinext niya ang pinsan niyang police, na-send naman agad ang text, kaya tumayo na siya agad para hindi sila mahalata. "Pwede bang makipag-usap? Sa malawak na tahimik na lugar, kung saan, babawi." sabi nung isa sakanila at tumawa ng malakas.

*Ting!*

Nakarating na sila sa Ground Floor saka biglaang sinipa ni Darius yung may hawak na patalim, nasama narin yung iba sa lalaking may hawak na patalim, saka biglang sumara yung elevator. 

*Ring Ring*

"Hello Raj?" tawag ng Pinsan na tinext niya kanina.

"Hello Kuya, kailangan mo kong puntahan dito sa condo, magsama ka na rin ng kasamahan mo, may nagtatangka sa buhay namin!" sabi ni Raj.

"Cge cge, parating nako, tatawag na ko ng pulis." sabi nung pinsan niya.

"Kuya sandali." 

"ano?" 

"Walang dapat na makaalam sa mga kaaway namin na may pulis na parating, okay?" sabi ni Raj.

"Oo cge." sabi nung pinsan niya saka inend yung call. 

Lumabas sila sa 10th floor at pinundot yung isang elevator na sinakyan nila sa 25th floor at nagtago sa isang storage room. "Papunta silang 25th floor! Bilis akyat!" sabi nung isa sakanila at tumakbo na sa taas, sumilip si Zyro at nakitang umakyat na sila.

"Seery, gising na." sabi ni Sandro sabay baba kay Seery. "Kuya? Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Seery, "hinahabol tayo ng mga TBoys, wag kang magalala, ililigtas ka namin." sabi ni Sandro sabay hawak sa mga pisngi ni Seery.

"Asan si Yara?!" Tanong ni Seery na kinakabahan na natatakot. "Ayus lang ako Ry." sabi ni Yara. "Tara!" sabi ni Andro at nauna na si Darius. Tumakbo sila pababa, "Hoy! Bumalik kayo dito!" sigaw nung isa sa mga TBoys.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now