Probinsyana 05

2.2K 38 1
                                    

3rd Person's POV

"Seery?" lumingon si Seery at may nakitang lalaki. Niyakap na lang nung lalaki si Seery at napangiti na lang siya.

"Kumusta na?" Tanong nung lalaki, habang nakangiti ng sobrang laki. Natawa si Seery, "Okay nmn, ikaw? Ang tagal mong hindi dumalaw... Namiss kita ng sobra Kuya." Sabi ni Seery.

"Si Mama pala? Nasa bahay ba siya? Kumusta naman siya? Okay lang ba siya?" tanong ng Kuya ni Seery.

"Kuya Sandro, kalma lang... Okay naman si Mama kaso pupunta naman ako ng Manila." Sagot ni Seery habang tinatakpan uli ang mukha niya. 

"Ahhh... Oh! Bakit mo tinatakpan yang mukha mo?" Tanong ni Sandro kay Seery, maya-maya lumabas si Zyro at nakita yung kinikilala niyang masungit na si Seery. Pinapanood niya yung dalawa.

"Ahh.. ehh.. Ayoko lang kuya." Sagot ni Seery. "Ano ka ba, wag mong takpan yang mukha mo." Sabi ni Sandro.

"Sa panget kong toh?!" Tanong ni Seery, natawa ng mahinhin si Zyro habang nasa malayo. "Maganda ka kaya, tapos matalino, tapos mabait. Hindi mo ba natatandaan? Ikaw ang laging top 1?" Paalala ni Sandro.

Habang si Zyro na nasa malayo, napanganga siya sa narinig niya. "Top 1 siya? Bakit wala siyang magandang trabaho?" pagtatakang tanong ni Zyro sa sarili niya. " Sige, sabay na tayong umuwi mamaya ha..." sabi ni Sandro.

"Eh.. Tapos na kami ehh.." sabi ni Seery. " Ay ganun ba? Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako?" tanong ni Sandro, napatango na lang si Seery at hinintay na si Sandro na umalis. 

"Hm. Maghintay ka magdamag." sabi ni Zyro sabay alis, pero pagtalikod niya, madami nang mga maids ang nakatitig sakanya, dahil sa katititig niya kay Seery. "Anong tinitingin-tingin niyo diyan? trabaho na!" sabi ni Zyro sabay alis.

"Hi Miss." Rinig ni Zyro kaya siya ay napalingon agad, nakita niyang kausap ni Mike yung babaeng sinusungitan niyang si Seery. Kaya nilapitan niya kaagad si Seery, "S-sir Zyro." nagulat si Seery kaya nagbigay galang agad siya, at ang pagpapakitang galang nila ay ang pagyuko.

Seery's POV

Nagulat ako kay Zyro ng bigla siyang sumulpot na parang multo. Napayuko na lang ako ng hindi ko namamalyan. "Zyro." sambit ni Mike kaya napatigil na ko sa pag yuko at napaharap sa kanilang dalawa.

"Anong kailangan mo sa babaeng toh?" tanong ni Zyro, ano bang pake niya kung ano ang kailangan ni Mike sakin. "Nangungumusta lang." sagot ni Mike, pero teka... Nangungumusta??? Bakit? Nakikilala niya ba ko?? Nakatakip na nga yung mukha ko ehh.. 

"Saan mo ba siya nakilala? Ha? At bakit mo siya kailangan lapitan?" tanong ni Zyro, daming tanong. Ano ko ba siya para magtanong ng madami? Hayss... 

"Teka.. Sinasabi mo bang? Hindi mo siya nakikilala???" tanong ni Mike, kinabahan agad ako kaya napatingin ako sakanya na may gulat. 

"Ha? Sinasabi mo bang nakilala ko na siya?" tanong ni Zyro, patay ako nito. Paano ako nakilala nito??? Napatingin agad ako sakanya at tinitigan ko siya ng deretso sa mata niya na parang sinesenyasan ko siya na wag niyang sasabihin.

"Sino ba siya?" tanong ni Zyro, nako nako... Mike pleaseee... wag..

"Siya yung babaeng.........." Mike please!

"Nakita kong nagbubunot sa palayan kanina." napakalma ako sa sagot niya-

"At yung babaeng nakilala ko kaga-!" hindi natuloy ni Mike nung tinapakan ko ng biglaan yung paa niya. Nagulat si Zyro nung napaupo si Mike sa bench sa sobrang sakit. "O-okay ka lang?" tanong ni Zyro, wow, concern? Napatango si Mike habang nakangiti sabay paupong maayos. Kaya napaalis na lang si Zyro na parang katakataka. "Arayyy..." biglang sabi ni Mike, napaupo ako sa tabi niya.

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang tapakan yang paa mo." sabi ko.

"Ang sakit!!! Alam mo, kakaiba ka talga noh?" tanong ni Mike.

"Hindi ako kakaiba, tyaka pasensya na talaga, ikaw naman kasi ehh.. Binabalak mo pang sabihin sakanya ehh.." sabi ko sabay baba ng nakatakip sa bandang ilong at bibig ko. 

"Sorry talga..." sorry ako ng sorry pero hindi na siya nagsasalita. Natungaga? Iwinagayway ko yung kamay ko sa harap niya pero wala parin. "Seery?" napalingon ako at nakita si Kuya.

"Sino toh?" tanong niya.

"Si Mike pala." sabi ko, at parang nagtaka si Kuya sa itsura ni Mike.

"Anyare sa kaniya? Natunganga ba siya? Or... Na-out of senses?" tanong ni kuya.

"Natunganga ata?" sagot ko, hindi ko alam ang na-out of senses ehh.. tapos biglang tinapik ni Kuya yung balikat ni Mike, at parang nagising  si Mike, natutulog ba siya habang nakabukas ang mata?

"Ahh.. Mauuna na kami." sabi ko sabay hila sakin ni Kuya.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now