Probinsyana 03

3K 53 3
                                    

Zyro's POV

Pagkatapos akong ipakilala ni Tito, nagsitilian yung mga babae which makes my ears bleed. Syempre, feel na feel ko pagiging sikat ko, kaway ako ng kaway tapos napatayo na lang ako sa isang gilid, nakita ko yung babaeng umiiyak sa ospital. Yung nagpalambot ng puso ko nung nakita ko siyang umiyak. Oy hindi ako naniniwala sa love at first na yan ha. Nagtugma yung mata namin kanina at halatang nagulat siya, bigla siyang umiwas ng tingin at tumakbo paalis sa crowd. Natakot sakin? Sa gwapo kong toh.

Naisip kong habulin siya at nakita ko si Mike na may kalapit na babae, ang landi ng lalaking toh ah. Aagaw-agawin ang girlfriend ko tapos ngayon ng bababae? "Ano ba?" sabi nung babae. Teka? So nanlalandi na naman talaga tong lalaking manyak na t--

OH! Siya yung babaeng umiiwas sakin! G*go talaga toh! "Mike." tinawag ko siya. Napatingin siya sakin pati yung babae. Tinignan ko siya ng masama tapos nilipat ang tingin sa babae, halatang bwisit na bwisit siya at gustong makawala, at yung mga mata niya... Parang nagmamakaawa nung nakita ako.

"Yes bro?" tanong niya, wag mo kong ma bro! Bro!

"Bitawan mo na ko." bulong nung babae pero narinig ko padin. Nakita kong hinigpitan pa ni Mike ang pakakahawak niya sa babae. Sh*t! Anong plano neto?

"Ayoko." simpleng sagot niya, lalapit na sana ko ng biglang tapakan nung babae ng malakas yung paa ni Mike.

"Sh*t!" sigaw ni Mike. Napangiti ako sa ginawa niya, she's too brave to do that.

"Matuto kang rumespeto ng babae, please." sabi nung babae. Haha.! Yan ang dapat sayo Mike, na real talk ka tuloy. Tinignan ko yung babae, aalis na sana siya kaso bigla siyang bumalik, dinaanan niya lang ako. Wala man lang thank you? Wow ha... After what I did trying to help her?

"Zyro!" napalingon ako ng marinig ko yung boses nang manager ng fiesta. Kaya iniwan ko ng mag-isa si Mike, habang nagdurusa sa sakit. Bahala siya. Maya-maya nagring yung phone ko.

Si Dad? "Hello?" tanong ko.

"Anak, sa Championship University ka mag-aaral at na-enroll na kita dun. Isa pa, napakalapit dun ang condo ng Tita mo, pwedeng pwede mo lang lakarin papuntang school." sabi ni Dad.

"What? I'm going to walk? Never." sabi ko. Sa sobrang init ng panahon ako maglalakad? Ayoko noh!

"Kung gusto mong mag bus edi mag bus ka. Your Tita's condo is so near to your school. Halos magkaharap lang sila, Son." sabi ni Dad. This is not happening, bwisit naman! Pinatay na agad ni Dad yung call. Nice talking Dad, nakakabwisit. Pagkatapos ng call, tinawag na naman ako nung manager at nag host na ko sa stage. Well, tinititigan ko lang yung babae. Habang yung si Mike naman nagpapalamig ng paa. Naastigan talaga ako sa babaeng yun, she's too brave to do that.



After the show, nagbihis na ako para makauwi at lumabas, ughh.. I'm so tired. "Siya yung lalaking walang respeto sa babae at yung manyak kanina." sabi ng babaeng nakatalikod habang nakayakap sa braso ni.... Yara?

At si Mike? Hindi ba talaga niya titigilan yung babaeng toh?! "That's right." sabi ko, I got their attention. Halatang hindi makapaniwala si Mike nung nakisali na naman ako sa gulo niya. Well I won't let him do something wrong to the very first girl who made my heart flutter. At, nakatingin sila sakin, teka... si Yara nga toh.. 

"Sir Zyro." bati niya, so kilala niya ang babaeng toh? Biglang tumalikod yung babae.

"Hey." sabi ni Mike, tinititigan niya lang yung babae sabay tingin sakin.

"Yara? Who's this?" tanong ko kay Yara sabay turo sa babae, magsasalita palang si Yara ng biglang takpan ng babaeng toh ang bibig niya.

May binulong siya na kung ano, hindi ko kasi narinig. Maya-maya bigla siyang hinila ni Mike palayo. "Hoy!" sigaw ko sabay habol sa kanila.  Bwisit kang Mike ka. Tsk!

Seery's POV

Bigla na lang akong hinablot ng manyak na toh kaya pati ako napatakbo, baka madapa pa ko kung hindi ako tatakbo eh! "San ba tayo pupunta?!" sigaw ko habang hawak niya ang kamay ko, at tumatakbo kami palayo. Maya-maya nagtago kami sa isang puno.

"San ka nakatira, ihahatid na kita." sabi nung manyak. Pero ano?! Ako ihahatid ng isang manyak?! Mukhang may binabalak tong Mr. Manyak ahh..

"Kaya ko na sarili ko." sabi ko.

"Ibigay mo na lang sakin number mo." sabi niya. Number ko? Anong number? Yung lucky number ko?

"10." sabi ko. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko.

"Ano?" tanong ko.

"Number mo sa cellphone." sabi niya.

"Aahh.. Wala akong cellphone, at hindi ako marunong sa ganyan." sabi ko. Hindi naman kasi ako nakikiuso sa mga millenials ngayon. Ang aarte! Ay basta! Nakita ko yung Zyro, hinahanap niya kami. Nakita kong may higad sa puno, kinuha ko at inihulog sa ulo ng Zyro. Haha.!

"Aahh..!!" sigaw niya ng tanggalin niya yung higad sa ulo niya. "Bumaba ka diyan!" sabi nung Zyro. Patay, huli ka balbon. Bwisit! Hindi niya nakita si Mr. Manyak. Madaya. "Bye Mr. Manyak." sabi ko habang pababa ng puno. "The name's Mike." sabi niya, "edi Mike." sagot ko naman.

Ano naman kung Mike yung name niya? "I'm Zyro." sabi niya. Okay, so what?

"Not interested." Hahaha.! You know english? Haha..! Me english is so good. You do that? I'm better. Hahahaha.!!!

"Seery!" napalingon ako nung may sumigaw sa pangalan ko. Yara? Bakit mo pa sinigaw???....

"Seery pala ha.." bulong nung gunggong. Bwisit naman!

"Yara, uwian na." sabi ko sabay hila sakanya pauwi.

"O-okay." sabi ni Yara sabay hablot sa kaniya at nagbabye sa mga mokong.




Nandito na kami ni Yara malapit sa bahay namin, "hindi mo sana sinigaw yung pangalan ko." sabi ko kay Yara.

"Sorry na Ry... Hindi ko alam ehh... Bigla kasi kayong tumakbo." sabi ni Yara, nginitian ko na lang siya. Tama rin naman siya. Wala siyang alam dahil sa ginawa nung Mike na yun. Bakit kasi puro guy? Wala gurl? Ayy.. Baka magselos naman si Yara, wag na lang. Sana wala narin akong makilala na guy. Pumasok nako sa loob, tulog na sila Mama at Auntie. Nagbihis narin ako at natulog.

Mike's POV

Pumunta ako sa Fiesta ni Uncle, well he invited me. Pero para saan pa? Pagpunta ko dun, nakita kong nagho-host si Zyro. What's the meaning of this? Ipinapakita ba ni Uncle na proud talaga siya kay Zyro? So what?!

Nainis ako kaya I went out of the crowd pero may nakabunggo akong babae, she's so beautiful. But how? Ang alam ko, sa lahat ng probinsya maiitim o morena ang kulay. But this girl, she's white, soft and smooth. Maya-maya nagmukha siyang palaban at parang, not famous at all and not one of the millenials. I do mean she's the girl i type. But, looks like hard to get. Well I know how to get a girl's attention, kaya i have no worries at all. It'll be easy...

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now