Probinsyana 29

565 17 0
                                    

3rd Persons's POV

"Pasensya na, kasalanan ko ang lahat-" hindi na naituloy ni Sir Martin ang kaniyang sasabihin nang sampalin agad siya ng Mama ni Seery.

"MAY KONTRATA TAYO!! ANG SABI MO, IIWAN MO NA SIYA! ANG SABI MO, SAKIN NA SIYA! ANO NANAMAN BA TONG GINAWA MO?!" galit na sigaw ng Mama ni Seery.

"Sarah, anak ko siya, hindi ko siya kayang hindi pansinin o makita." sagot ni Sir Mart na para bang paiyak na.

Nagulat ang lahat nung malaman nilang si Sir Mart ang ama ni Seery, lumabas na lang sila ng tahimik kasi ayaw na nilang makarinig nang issue sa pamilya ni Seery. "Complicated pala ang story ni Seery..." sabi ni Raj.

Nakasimangot ang lahat sa labas habang hinihintay na matapos ang away ng mga tunay na magulang ni Seery. "LAYUAN MO NA SIYA!!" sigaw ni Mrs. Sarah. 

"Ayoko na..." sabi ni Sir Mart.

"Ano?!" tanong ni Mrs. Sarah.

"Ayoko na... Matagal ko nang pinagsisisihan ang mga pinirmahan kong kontrata! Anak ko siya! May karapatan ako sakanya! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, aalagaan ko ang anak ko at hinding hindi ko palalagpasin ang mga araw na kasama ko siya." sagot ni Sir Mart.

"Anong ibig mong sabihin??!" nagtatakang tanong ni Mrs.Sarah.

"Wala ka na dun, aalis ako sa ngayon, pero babalik ako bukas." sabi ni Sir Mart, kinuha niya yung mga gamit niya at hinalikan si Seery sa noo bago siya umalis. Pag-alis na pag-alis ni Sir Martin sa kwarto ni Seery ay umiyak ng todo si Mrs. Sarah at umupo sa tabi ni Seery.

"Seery anak... Sorry sa lahat, sorry kung hindi mo naramdam bilang anak ko... Sorry kung,sorry kung binantayan mo(pumasok na silang tatlo sa loob ng kwarto at nakitang umiiyak ang Mama ni Seery)pa ko, dahil sakin, hindi ka tuloy nakapag-enroll ng maaga. Sorry anak.. Sorry talaga.." sabi ng Mama ni Seery sabay yakap sakanya at saka umiyak ng sobra.

Hinaplos naman ni Sandro at likod ng mama niya. 

2 MONTHS LATER....

Sandro's POV

Ilang buwan na ang nakakalipas pero unconscious parin si Seery, ang sabi ng doktor na mawawalan siya ng memories pero hindi niya sinabi na pwedesiyang macomatose... At yung tungkol naman kina Mama, wala parin silang pansinan pero hinahayaan lang nila ang isa't-isa na alagaan si Seery.

Hindi naman kami nag-aabsent, cutting or skipping ng school. Every go home time, saka lang kami dumadalaw kay Seery. Hinahayaan lang rin kami nila Mama na kaming magtotropa na matulog sa kwarto ni Seery. Sa totoo lang, puno kami dito sa loob ng ospital na tinutulugan ni Seery.

Si Mama sa sofa tapos kaming apat dito sa sahig. May iba rin kaming mga kaklase na bumibisita kay Seery. Madami silang nag-aalala at nagmamahal kay Seery, kasi ganun siya kabait. Nasa school kaming apat ngaun, at magkakasama kami sa iisang section ngaun.

*Ring Ring* 

"What's this interruption?!" tanong ni Ma'am.

"Sorry for the interruption Ma'am, may I answer these call?" Tanong ko nang magring yung phone ko, tumango si Ma'am kaya lumabas na ko.

"Hey..! Where are you going?" Napatingin at napatigil ako dahil kay Ma'am, yun pala, sumunod sakin yung tatlo. "Stay sitted." sabi ni Ma'am kaya lumbas na ko. 

"Hello Ma?" tanong ko.

"Paka-usap ako sa teacher mo, dali." sabi ni Mama.

"Bakit?" tanong ko.

"Gawin mo nalang.." sagot ni Mama. Kaya ayun, pinuntahan ko si Ma'am. "Ma'am, kausapin ka daw ni Mama.." sabi ko sabay abot sakanya.

"Yes Ma'am?" tanong ni Ma'am. "Okay po Ma'am." sagot ni Ma'am. Ano kayang sinabi ni Mama, inabot na sakin ni Ma'am yung phone ko pero naka end call na. "Your excused, your friend has awakened." sabi ni Ma'am, natuwa ako sa sagot niya.

"Tara na!!" tuwang tuwa ako, este kami!! Saka dumeretso sa hospital. "Seery!!" tuwang tuwan kaming bumungad sakanya. "Seery? Yun po ba ang pangalan ko???" nagulat ako, nalungkot ako... Nakalimutan kong nakalimutan niya kami.

"Sino po sila? Diba po, sabi niyo, ikaw po ang Mama ko, at ikaw naman po ang Papa ko? Sino naman po sila?? Kaano-ano ko po sila??" tanong ni Seery. Ang sakit, sobrang sakit, hindi ko napigilan ang sarili ko, at niyakap ko si Seery.

"Ako ang Kuya mo, Kuya Sandro..." sabi ko habang yakap yakap siya. Niyakap niya naman ako pabalik, ang saya ko, kahit papano, umaasa akong babalik ang mga alaala niya. Ayokong mawala ang kapatid ko...

Pero ewan ko kung hanggang kailan niya ba ko hindi maaalala?? Ngayon palang, miss ko na siya...


The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now