Probinsyana 17

894 24 0
                                    

Seery's POV

"Kuya, pagod ka na siguro kababantay sakin noh? " tanong ko, ang tahimik kasi ni Kuya.

"Hindi noh, nageenjoy kaya ako. " sagot niya, kahit alam kong hindi, napatingin ako kay Darius at nahuli ko siyang pinapanood kami ni Kuya.

"Kuya. " tawag ko sakanya, "bakit? " sagot niya.

"Bakit hindi nag-iskate si Darius? " tanong ko habang nakatingin kay Darius. "May pinagdaanan ba siya sa pag skate? " dagdag ko.

"Bakit mo naitanong? " tanong ni Kuya, "kasi, kanina pa siya nanonood, hindi siya nakikisama satin, nag-iisa lang siya. " sagot ko.

Napatahimik si Kuya, feeling ko ginawa ko siyang malungkot, "pero kuy-! " pasasayahin ko sana si Kuya ng bigla akong nahulog.

"Ayos ka lang?! " tanong ni Kuya, natawa ako, tawang tawa ako ng mahulog ako, Haha..! Magpapasaya na nga lang palpak pa. Maya-maya narinig ko na lang na pati si Kuya natawa, "tumayo ka na nga dyan. " sabi ni Kuya sabay abot ng kamay.

"Ano ba yan Kuya. " sabi ko, pero nung nahawakan ko na yung kamay ni Kuya, hinila ko rin siya kaya nahulog din siya sa yelo.

"Hahaha.!" tawa ko. "Ayan patas na." sabi ko sabay tawa ulit, haha..!

"Ang sweet naman nila." rinig namin nung babae na dumaan. Napatahimik si Kuya, "hayaan mo na sila Kuya." sabi ko.

"Mukhang nagsasaya kayo ng kayo lang ha.." sabi ni Zyro habang papalapit.

"Oo nga, hindi man lang kayo nang sasali." singit ni Raj.

"Ano? Uwian na ba?" tanong ni Andro.

"Marunong ba si Darius magskate?" tanong ko habang tinatayo ako ni Zyro, ang nagtayo naman kay Kuya ay si Andro.

"Marunong siya." sagot ni Zyro. "Kung ganon tama ang hinala ko, may pinagdaanan siya dito o sa mga ganito." sabi ko habang inaayos yung damit ko.

"Pano???" nginitian ko lang si Andro nung nakita kong tinignan niya ko na para bang litong lito siya.

"Mag-iiskate pa ba kayo?" tanong ko, tumango sila, "kung ganon, isama niyo na si Kuya, tapos na ang pagbabantay sakin ni Kuya, makikisaya muna siya sainyo, sasamahan ko lang si Darius." sabi ko tapos alis na.

Mabilis lang ako nakapunta kay Darius, dahan-dahan akong tumigil sa harap niya, "tapos ka na?" tanong niya.

"Oo, sasamahan muna kita dito." sagot ko, inabutan niya ko ng kamay hanggang sa makaupo ako. Nagpalit na ko ng sapatos at binalik na yun sa parang counter. Habang binabalik yung sapatos may kumalabit sakin, lumingon ako pero walang tao, "ate.." napatingin ako sa baba at nakakita ng batang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sabay hawak sa mga tuhod ko, ang cute naman ng batang toh.. "N-nawawala po kasi ako." sagot niya.

"Nawawala? " nagulat ako ng marinig kong nawawala yung bata, "wag kanang umiyak, halika, bilhan muna kita ng maiinom mo, nilalamig ka ba?" tanong ko, tumango yung bata.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko, pinakita niya sakin yung kamay niyang nakatatlo. Hala.. Three years old palang siya, pero nawawala na.

Buti na lang may 50 pako dito. "Isa pong hot chocolate Ate. " sabi ko sabay abot ng pera, inabot na sakin ni Ate yung hot chocolate saka ko binigay sa bata yung Hot chocolate.

"Salamat po ate. " sabi nung bata, "halika, maupo muna tayo. " sabi ko, naglalakad kami ng bata papunta sa upuan nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko,  nginitian ko yung bata hanggang sa maupo na kami.

"Anong pangalan mo? " tanong ko sa bata habang umiinom ng hot chocolate. "Elly po. " sagot niya. "Ako naman si Seery,  masarap ba yang hot chocolate? " tanong ko.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now