Probinsyana 62

391 8 1
                                    

Darius's POV

Napaisip ako.. Kung dadalhin ko siya sa gusto niyang lugar dati.. Pano kung bumalik mga alaala niya? Pano kung magkatotoo nga yung sinabi ni Sandro na magagalit o lalayuan niya kami? 

Pano kung-

"Anong iniisip mo?" tanong ni Seery habang nagdadrive parin ako..

"Wala nman.. bakit?" tanong ko.

"napansin kc kita sa salamin, mukhang nagaalala ka't napakalalim ng iniisip mo." sagot niya.

"Ikaw lang naman iniisip ko eh.." bulong ko.

"Ano?" tanong niya nginitian ko lang siya, alam ko na ngayong ibang lugar na pwedeng putahan namin, kung nung mga araw na bata pa kami, dahil probinsya, madaming OL(overlooking), I know a place.

"Humawak kang mabuti." sabi ko, pero nakahawak lang siya sa mga balikat ko. Tumigil kami sa gilid.

"Bakit ka tumigil?" tanong niya, hinawakan ko yung mga kamay niya at pinayakap ko siya sakin.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya, HAHA! She's so red hhaha!! 

"Dapat mahigpit ang kapit, para d ka mahulog." sagot ko sakanya, damn she's so cute! "Hindi naman ako mahuhulog." sambit niya.

"Mas mabuti na ang sigurado.. D ko kakayanin pag may nangyare sayong hindi maganda." sagot ko sakanya. Nanahimik na lang siya at kusa nang yumakap sakin, saka na ulit ako nagmotor. 
























































"Wowwwww...." sabi niya.. Nandito kami ngayon.. Sa Tagaytay, Cavite... Wala masyadong dumadaan ditong mga kotse, hindi siya matatawag na Overlooking dahil puro nature ang makikita sa gilid ng daan, at isa pa, isang peaceful road toh, kaya alam kong magugustuhan niya..

"Ang gala mo talaga nohh.. " sabi niya.

"bakit naman?" tanong ko.

"Ang dami mo- ay hindi pala, ang dami NIYONG alam na iba't ibang lugar, ang gaganda.." sabi niya sabay nigti at tingin sa iba't ibang anggulo. "Ang ganda.." 

"mo?" hirit ko haha!!! "Hay nako." haha nagsungit?

"Ngayon nadala na kita, ikaw? San mo gustong pumunta?" tanong ko saka kaming dalawa bumaba ng motor.

"Wala kong... mapupuntahan.. Wala kong.. maalala..." sagot niya, naalala ko yung araw na mga nangyare nung bata pa kami, naglakad siya sa papunta sa gitna ng kalsada.

Walang tao.. Kaya hindi nako nagalinlangan yakapin siya agad, ng napakahigpit.

"D-Darius.." tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Hindi ko malimutan yung nangyare kanina.. Alam kong umiyak ka, sabi ko sayo diba? Lagi kaming nandito para sayo... Lagi ka namin pakikinggan.. Kahit wala kang maalala. "sabi ko.

"Alam kong nandyan naman kayo lagi para sakin... Kaya hindi ako dapat malungkot, dapat hindi na ko dadagdag sa problema." Sabi niya.

"Wala namang masama maging malungkot, ang pag-iyak sa harap ko at ng iba? Pagsasabi ng mga nararamdaman mo o naiisip mo.. Pinapakita mong totoo ka at walang tinatago samin.. nagpapakatotoo ka lagi samin, ang that's one of the best part of you." Sagot ko.

Nanahimik siya pero nakayakap parin ako, nagulat ako ng yakapin niya rin ako pabalik.. One of the best memories na hindi ko kalilimutan. Ngayon niya lang ako ulit niyakap pabalik... I miss you Seery.. I miss everything about our past.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now