Probinsyana 07

2.1K 47 0
                                    

Seery's POV

Pagbaba namin sa bus, may nakita akong malaking M, school ba yan? Hayyss.. Ilang oras din kami nagbyahe..

"Seery, gutom ka na?" Tanong ni Kuya, napatango ako at biglang kumulo ang tyan ko.

Hinila agad ako ni Kuya papunta dun sa M. "Maupo ka lang diyan, bibili ako ng makakain mo." Sabi ni kuya, sabay alis.

Nagmuni-muni muna ako, ang lamig dito sa loob, sa tabi ng inuupuan ko, may parang tatlong kahoy na nakadikit, sa sahig at sa taas. Para bang Bar na harang sa kulungan kaso pa-square shape. Tinititigan ko lang itong bar na ewan na toh, hanggang sa... Hm... Teka... Zyro? Maya-maya may biglang umupo sa harap ko, at sakto dumating si Kuya.

Ang bangooo... Hindi ko na pinansin si Zyro, "ano toh kuya?" Tanong ko.

"Fries, spaghetti, burger, jolly hotdog, at coke." Sabi ni Kuya sabay turo, ang daming pagkain.

"Wow Kuya. Ang dami." Sabi ko.

"Kain ka na." Sabi niya.

"Salamat kuya." Sabi niya tapos binigyan ko din siya. Magkano kaya toh? 

Zyro's POV

Ang tagal ni James umorder. Ilang minuto narin ako naghihintay. Maya-maya, dumating na siya.

"Sorry bro." Sabi niya. May dala siyang chicken rice, sundae, burger and fries.

"OK lng bro." Sagot ko tapos kumain na kami.

"Wow kuya. Ang dami." Rinig ko sa kaliwa ko, sinilip ko at..... Nakita si Seery tyaka yung kayakap niya. Anong ginagawa niya dito?

"So, ready ka na ba sa Championship University?" Tanong nung lalaki.

"Oo naman Kuya. " Sagot ni Seery. Championship University? Hmm! Napa-smirk ako dahil makakasama ko si Seery. What a nice news.

"Uy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Sabi ni James habang siya mukhang natatawa.

"Wala. Pagkatapos kumain, umuwi ka na." Sagot ko tapos kumain na kami.

Patapos na kaming kumain at nakita kong lumabas na sila Seery, "cge na bro, salamat." Sabi ko sabay tapik sa kaniya.

"Uy teka." Sabi niya pero hindi na ko lumingon at sinundan na lang si Seery. Dumaan sila sa Parking kaya sumakay na ko sa kotse ko at sinundan sila. Sumakay sila ng bus at... Nasa condo sila ng Auntie ko..! What a coincidence... Pinark ko na yung kotse ko at pumasok.

Nakita ko silang paakyat ng elevator. Floor 6, ang akyat nila. "Miss." Tawag ko sa babae. Yinukuan niya ko at nginitian.

"Yes po Sir Zyro?" Tanong niya.

"Hindi ba may babae at lalaki na lumapit sayo kanina bago ako?" Tanong ko, at tumango siya.

"Anong key number ang kinuha nila sa Floor 6?" Tanong ko. Chineck niya yung detail note...

"Room 65 po yung babae at Room 61 naman po yung lalaki." Sagot niya.

"Yung akin?" Tanong ko, buti nalang sinabi niya, mukha siyang bago dito.

"Room 70 po sa floor 6 rin." Sagot niya. Pareho pa kaming may terrace. This is going to be fun.

"Thanks!" Sabi ko at umakyat na. Nung nadaanan ko ang hallway sakanila, nakita kong dun pumasok si Seery kaya dumeretso agad ako sa kwarto ko at pumunta ng terrace. Ang lamig at sobrang mahangin dito. Hope she likes it.

Seery's POV

Pumasok ako sa kwarto na sinabi ni Kuya Sandro, ang ganda dito sa loob. Mukhang yayamanin dito. Gustong gusto ko dito! Sana matuto ako ng madami dito sa Manila. Pumunta ako ng terrace at narinig kong may tao na kapapasok lang sa loob. Hhaaayyyy.... Ang lamig, ang ganda, mahangin, at ang saya titigan ng araw na malapit ng bumaba.

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now