Probinsyana 33

593 16 0
                                    

3rd Person's POV

"Hi Ma." sabi ni Seery habang papasok ng pintuan kasama si Sandro. "Oh anak, kamusta ang school?" tanong ng Mama niya.

"Okay lang po.." sabi ni Seery. "Anong okay? Ma, hindi po yun totoo, nawalan nanaman siya ng malay.." sumbong ni Sandro.

"Ano? Bakit?!" tanong ng Mama nila.. "Pinipilit kasi niyang maalala ang lahat.." sagot ng kuya niya. "Kuya..." tawag ni Seery.

*Ding dong*

"Tignan mo nga anak kung sino yun?"sabi ng Mama nila habang pinapa-upo si Seery. "Ma, dapat hindi niyo na po ako tinutulungan, dapat nga po, kayo ang tinutulungan ko eh.." sabi ni Seery.

"Hay nako, wala kang naaalala pero ikaw ang laging nag-aalaga sakin dun, kaya ngaun ikaw naman ang aalagaan ko." sagot nang Mama niya. 

"Ma." tawag ni Sandro, napatingin naman ang Mama niya kay Sandro at nakitang kasama si Sir Mart. "Papa." tawag ni Seery. "Kumain na ba kayo? May dala akong pagkain dito." sabi ni Sir Mart. 

Hindi umimik yung Mama ni Seery, nag-ngitian lang sila kaya hinanda nalang ni Sir Mart yung pagkain. "Kain na." tawag ni Sir Mart.

"Papa, bakit hindi po kayo nagsasama ni Mama?" tanong ni Seery.

................AWKWARD SILENCE.................

"Hm? May problema po ba?" tanong ni Seery.

"W-wala naman, cge anak, kain ka lang." sabi nung Mama niya. Hindi na pinansin ni Seery, pagkatapos nilang kumain, hinatid na ni Sandro si Seery sa kwarto hanggang sa makatulog si Seery.

"Ma, mauna na po ako." sabi ni Sandro saka umalis na, at ang naiwan nalang ay si Ms. Sarah at Sir Mart. 

"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Ms. Sarah habang inaayos yung lamesa. "Hindi pa, tutulungan muna kita dito." sagot naman ni Sir Mart. "Umalis ka na, kaya ko na dito." sabi ni Ms. Sarah.

"Gusto ko rin pag-usapan ang tungkol kay Seery, at satin..." sabi ni Sir Mart. "Kung gusto mo tayong mag-usap, wag dito, laluna pag nandyan si Seery. " sagot naman ni Ms. Sarah.











Natapos nang mag-tulungan ang dalawa atumalis na si Sir Mart, nagpahinga narin ang Mama ni Seery...

  "Nagka-hypertension ang Mama mo."  

  "Hypertension, ay sakit sa ulo, which is napapadalas ang pagdilim ng paningin, posibleng nakuha niya yan kakatrabaho. O ang pagtulog sa matitigas kaysa sa malalambot na unan."   

"Ma, magpahinga nga lang daw kayo." 

"Anak, hindi ako sanay na walang ginagawa." 

"Pero Ma, tapos nako sa lahat."

Nagising si Seery na wala sa tabi niya ang Mama niya, lumabas siya ng kwarto at nakitang nagluluto ang Mama niya, niyakap niya ang Mama niya mula sa likod . "Anong meron anak?" Tanong ng Mama niya.

"Ma, may naalala ako, hindi ko alam kung saang ospital yun, pero ang sabi daw ng doktor... May hypertension ka daw, sinabi niya rin sakin ang ibigsabihin ng hypertension... Ma... Magaling ka na ba?" nagulat si Ms. Sarah sa tanong ni Seery. 

The ProbinsyanaWhere stories live. Discover now