Chapter 52: Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

346 21 19
                                    

Hyoyeon's POV

"Anak ng! ano ba! ayusin mo nga ang pagbitbit ng kahoy!"-sigaw ko sa malanditang baklitang kaharap ko

"Wag mo nga akong sigawan! ang bigat bigat kaya nito!"-sigaw naman nya pabalik sa akin

Aba'y tang'nang buhay to oh!

"Ikumpara mo nga yang limang stick na bitbit mo sa haligi ng kahoy na pasan pasan ko! gusto mo ihampas ko to sa pagmumukha mo!?"

Marahas nyang ibinaba ang mga bitbit nya..-"Ano bang problema mo sa buhay Kim Hyoyeon?"

"Ikaw! ikaw Byun Baekhyun! wala kang silbi! tingnan mo nga ang mga ginagawa namin! nakikita mo ba si Tipani at si Sani na tulong tulong sa pagbitbit ng malalaking kahoy? tapos ikaw puro stick lang!?"

"Ano bang pinalalabas mo!? hindi porket ikaw ang leader sa paggawa ng bahay ay lahat na sisitain mo! tumutulong din naman ako ah!"

Ibinaba ko na rin ang pasan pasang kong haligi..-"Hanggang kelan ka ba magiging ganyan? magpakalalaki ka naman kahit minsan! jusko ikaw pa naman mapapangasawa ko! baka sa huli ako ang magsisibak ng kahoy tapos ikaw magsasaing lang!"-bulyaw ko sa mukha nya bago pinunasan ang tumutulong pawis ko sa noo..-"Palibhasa bakla kasi"-mahina kong sabi

"Ano sabi mo!? sumusobra ka na ah! ikaw nga jan masahol pa sa tomboy eh! ang barako barako mo! wag ka ng umasang magkaka-muscles ka! mabuti pa alagan mo nalang yang mga melons mo jan"-saka sya nagsmirk sakin na syang ikinainis ko.

Sumusobra na tong taong to ah. Ikinuom ko ang mga kamao ko at akma ko na sana syang susuntukin ng biglang pumagitna si Lay..-"Huminaho---"

Kaya sa kanya tumama ang kamao ko at agad syang natumba.

Tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila at pumunta sa gawi namin. Agad nilang tinulungan si Lay. Pero ako naman ay eto pa rin at nakikipagtitigan kay Baekhyun. Sarap basagin ng mukha nyang mukhang tinapa.

"Hyung gumising ka!"-rinig kong sabi ni Sehun.

Tumingin ako kay Lay at nahimatay nga.

Ibinalik ko ang tingin sa bakla at nung marinig din nyang nahimatay si Lay ay parang natakot sya sakin, pero hindi pa din natinag sa pakikipagtinginan sakin

Pasalamat sya't hindi sa kanya tumama yung suntok ko, dahil baka basag na yang pinaka-iingatan nyang mukha ngayon

Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa mga pinaggagawa nya. Lahat ay naghihirap na para maitayo lang yang nasunog na bahay nila Seohyun. Tapos sya parang nagbu-beauty pageant sa ginagawa nya. Makikita naman naming lahat sa galaw nya na ayaw na ayaw nya talaga ang gawaing mabibigat at panlalaking bagay. Pero sana naman mahiya naman sya sa amin. Pasalamat din sya at bumaba ng bundok si Mang Kangin, dahil kung hindi ewan ko lang kung ano aabutin nya dun sa matandang hukluban na yun.

"Tama na yan."-awat ni Suho samin.

"Nakaka-inis na buhay naman to oh!"-sigaw ni Baekhyun at mas lalong tumingin sakin ng nakakainis..-"Humanap ka ng mapapangasawa mo at magiging tatay ng mga anak mo! bwisit ka!"-dugtong pa nya bago tuluyan ng umalis.

"Aba't! sya pa ang may ganang magalit?"-sabi ko naman saka ako napa-smirk ng dahil sa inis din..-"Hoy! wag ka ng umasang bibigyan kita ng lahi! at ew lang kung lalahian mo din ako! pwe!"-argh! nakakainis talaga sya!

Nakita ko namang nakatingin lang si Teyon sakin bago sinundan yung baklitang gusto nya. How I wish magsama nalang silang dalawa.

"Hyung! gumising ka!"-nabalik ang tingin ko sa lalaking pinagkukumpulan ng mga lalaki dahil sa sinabi ni D.O.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now