Chapter 44: Wanted to Know the Truth

557 18 12
                                    




(Kunwaring Japanese na naman itong mga pinagsasabi ni Yuri mga behs. Hehe mahirap ng pati tayo ma.nosebleed lol! Hope you enjoy reading this chapter.)


Yuri's POV

"Yung totoo? pupunta talaga tayo ng bundok?"-sabay kamot ni Lay ng noo nya


"Kanina ka pa hyung ehh! Oo nga daw 'di ba?"-mejo inis namang sagot ng katabi nyang si Sehun.


"Oh eh bakit naman tayo pupunta dun?"


"Ewan ko sayo hyung!"-nakulitan na ata ang maknae ng mga lalaki at lumipat sya sa tabi ni Luhan na sya namang kalong-kalong ang kambing.


Oo, officially welcome na yung kambing dito sa loob ng bahay. Dun na rin daw nakatira ito sa kwarto ni Luhan. Kaya halos dun na rin mamalagi si Tiffany. At si Yoona naman ay hindi na pumapasok dun. Inilipat na rin nya ang mga gamit nya sa kwarto ni Sehun. Wala rin naman kaming masabi sa mga nangyayari kasi were matured enough to differentiate what's right and wrong and it's up to the person sa mga gagawin nya. In short, walang pakialamanan. We girls here, sleeping and staying into a man's room isn't a big deal anymore. Do we have any choice? As if namang meron kaming ibang pwedeng matulugan? Ni-lock na rin naman nila Kai ang dati naming Room kasi nga utos ng mga magulang nila dahil nalaman nilang hindi kami natutulog sa kwarto ng mga fiance's namin. Kaya ayun nagkalat na kaming mga babae sa 2nd floor.


Si Taeyeon ay dun na inilagay ang mga gamit sa kwarto ni Chen. Madalas na silang magkasama at dun na rin minsan natutulog. Ewan ko nga ba kung nagkakamabutihan na ang dalawa. Makikita mong naiinis sya kay Chen pero parang tanggap naman nito na si Chen ang destiny nya. Pero minsan naman si Baekhyun ang kasama nya. Parang aso't-pusa silang dalawa ngunit nagsasama pa rin.


Kahit parang okay na sila Jessica at Kris ay nandun pa rin natutulog ang buntis sa kwarto ni Xiumin. Andun lahat ng mga gamit nya. Wala pa ring kibuan ang dalawang lalaking matalik na magkaibigan, kaya para wala na ring gulo ay dun na sya namalagi sa kwarto ng fiance nya. In addition, hindi pa din naman sila totally nagkakabati ni Sooyoung. At si Xiumin naman ay wala ding imik sa sitwasyon. Di ko malaman kung ano ba ang saloobin nya sa mga nangyayari. Pero parang wala naman syang gusto kay Jessica?


At si Sunny minsan na lang ding lumabas ng kwarto ni D.O. Tinanong naman ng mga lalaki si Kyungsoo kung anong ginagawa nya dun at ang sagot naman nito ay dun daw sya nagbabahay-bahayan kaya hindi na sya makalabas ng kwarto. At ang fiance naman nya ay busy sa pagdadamo kaya hinahayaan nalang daw nya ito sa mga pinaggagawa nya. Sabi nga ni Kai sakin eh, nagtatabi na nga daw silang dalawa kung matulog. Dugtong pa nya ay baka may nangyari na sa kanilang dalawa. Kasi nga itong si Sunny ay gusto ng makaranas nung naranasan ni Jessica. Naku ewan ko ba kay Kai kung totoo nga iyon o hindi. Andami kasi nyang nasasagap na balita. Pero kung totoo man iyon, wala naman sigurong problema kasi nga magiging asawa naman nya ito saka dun din naman ang punta nilang dalawa.


Si Tiffany naman ay tanggap na din nyang si Suho ang mapapangasawa nya pero these days parang nagiging okay na sila ni Luhan. Hindi na sila madalas na nag-aaway. Kung mag-away man ay nagkakabati agad. Pero bakit parang tinatago nilang dalawa kay Suho ang pagiging close nila? Anong masama dun kung close sila? Dahil alam ba nilang gusto talaga ni Suho si Tiffany at ayaw nila itong masaktan kung sakali mang nagkakamabutihan na sila? Kung gayon, mejo maswerte silang dalawa dahil palaging wala si Suho sa bahay. Madalas maaga pang umaalis at tulog na ang lahat kapag umuwi sya.


Nasa tabi pa rin ng swimming pool si Hyoyeon natutulog. Habang ang mga gamit naman nya ay sa bodega. Dun sa dating lugar kung saan na-trap sila Xuimin at Sunny. Inayos kasi nya ito, lalo na yung pintuan. Di pa nga lang nya napalitan ang aircon kaya di sya makatulog dun dahil sa sobrang lamig daw kaya mas pinili nyang dun matulog sa tabi ng pool kasi mahangin lang daw, hindi malamig. Di ko nga ma-gets eh. Hindi sya pwede dun sa kwarto ni Baekhyun kasi nga bantay sarado nito ang kwarto nya dahil sa kadahilanang baka mawala daw ang mga eyeliner collections nya. I don't know kung ano ang gagawin nilang dalawa kapag nalaman ng parents ni Baekhyun na hindi pala sila nagsasama sa iisang kwarto. Saka parang tanggap na din naman ni Hyo si Baek bilang future husband nya. Di nga lang ako sure. Yun ang sabi ni Kai eh


Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now