Chapter 14: Brown Out

1K 47 33
                                    

Tao's POV

"Oh ano? sino ng panalo?"-tanong ni Luhan hyung bago sumiksik kela Chanyeol hyung, Baek hyung at Chen hyung.

"As usual si maknae. May makakatalo pa ba jan pagdating sa Everwing?"-baling ni Baek hyung sa kanya

"Ang sabihin mo basta computer games ang pinag-uusapan wala talagang makakatalo jan sa kanya."-sabat din ni Yeolie hyung

"Pero yung totoo? ano bang nangyari kay Kris hyung at bakit sya ang kalaban ni Sese?"-tanong ni Baek hyung.. pero maya-maya ay napatingin silang apat sa akin. Magkakatapat lang kasi kami ng inuupuan.

Actually, nasa sala nga kami ngayon at pinapanood ang dalawa sa paglalaro ng Everwing. Kakatapos lang kasi naming kumain ng hapunan.

Wag na kayong magtanong. Still hanging pa rin ang O Sole Mio Case ni Umin hyung. Wala na ring nagtangkang magtanong pa sa kanya kanina dahil bigla kasing nag-iba ang aura nya. Isama mo pa ang pamumula ni Sunny na hindi namin malaman kung ano ang dahilan. Kinikilig ba sya dahil Oh my Sunny sya ni hyung o baka sa lumevel-up na yung galit nya kay hyung dahil sa mga nangyari. Hay naku ewan ko ba talaga sa kanila.

"Anong ibig sabihin ng mga tingin na yan mga hyungs?"-kunot noong tanong ko sa apat

"Bakit hindi ikaw ang kalaban ni maknae?"-tanong ni Baek hyung sakin

"Dahil wala ako sa mood?"-patanong ko ring sagot sa kanya

"Ilang beses na bang natalo si Kris?"-tanong muli ni Luhan hyung sa mga katabi nya

"Limang beses na ata?"-saka naman napabuntong hininga si Yeolie hyung

"Limang condo nya na rin ata ang nakuha ni Sehun."-iling-iling naman ni Chen hyung

"Oh eh bakit naglalaro pa sya?"-takang tanong ni Luhan hyung

Nagkibit balikat naman ang tatlo nyang katabi.

Sakto namang pagkatapos magre-touch ni Baek hyung ng kanyang eyeliner ay namatay lahat ng mga ilaw.. pati aircon namatay din.

"Brown out?"-sabay na tanong nila Chen hyung at Baek hyung

"WAAAH!!"-agad kaming napatakip ng mga tenga. Yan kasi ang maririnig mo sa buong bahay ngayon

"WAAAA----- aray ko hyung!"-napakamot agad si Baek hyung ng batok nya ng batukan sya ni Luhan hyung.

"Umayos ka nga! nakikiuso ka sa mga babae eh! tsk!"

"Lalaki ka tandaan mo yan."-pagreremind naman ni Yeoli hyung sa katabi nya

"WAAAHHH!"-muli kaming napatingin sa hagdan dahil tumatakbong pababa sina Tiffany na bitbit ang salamin nya, Sunny na umiiyak na ata habang yakap yakap ang unan, Sooyoung na may hawak na band-aid, Taeyeon na may hawak na lapis saka laptop at isang babae na may hawak na lotion. Hindi ko na mamukaan.. madilim kasi.

Agad silang nagsisiksik kela hyung..

"Aray! waah! natamaan ako ng apoy!"-hinagpis ni Sehun nung masagi sya nila. Nanggigigil nyang sinabunutan ang buhok nya. Ayan natalo sya tuloy haha!

Umupo naman si Sunny sa lap nya saka ipinayakap ang mga kamay nito sa kanya -"Huhuhuhuhu! ayoko sa madilim! eomma!"

"Eo... eomma?"-kunot noong tanong nya

Grabe talaga itong batang ito. Kahit sino na lang ata? una ginawa nyang kuya si Kyungsoo tapos ngayon ginawa nyang nanay si maknae. Yung totoo?

"Give me your blue sports car tomorrow."-baling ni Kris hyung kay maknae bago ito tumayo at tumabi sa akin. Kaso lang pag-alis nya doon na nagkagulo.

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now